Hindi niya inisip na baka may kakaibang motibo si Raven sa kaniya. Sa tingin niya kasi, isang mabuting kaibigan lang si Raven. Minsan, para lang itong kuya niya na gumagabay sa kaniya. 'Yong kuya niya kasi ay wala man lang pakialam sa kaniya. "Maganda ba?" tanong ni Raven. Tinitigan niya ang proyektong pendulum. Noong isang linggo ay inatasan siya ni Binibining Jocel ng isang proyektong pang-agham. Siya lang ang inatasan ng guro dahil anito, siya lang ang ayaw sumali sa gaganaping sayawan sa nayon sa susunod na linggo. Aba, hindi naman kasi niya hilig ang pagsasayaw. Wala siyang talento do'n kaya hindi na siya nag-atubiling sumali pa. Pero sabi ng guro na magiging pinal na proyekto ang sayawan sa nayon na gaganapin sa Sitio Batumbakal. Ang sayawan sa nayon daw ay isang paggunita sa ka

