Hindi niya alam kung anong nangyari, basta alam lang niya ay nakauwi nang matiwasay si Rowena. Nakita niya itong hinatid ni Raven sa kanto. Alam niya dahil hinintay niya talaga ang kababata. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makitang hinatid ito ng senior niya. Hindi na siya nagpakita kay Rowena. Wala naman 'yong silbi. Ang importante ay alam niyang nakauwi nang ligtas ang kababata. Ngayon lang siya nagpasalamat sa pag-aali-aligid ni Raven kay Rowena. Kahit pa ayaw niyang umaali-aligid ang lalaki sa kababata, pero napatunayan nyang hindi na siya ang kailangan nito. May iba na siyang babaeng dapat protekahan at hindi na niya kayang akuin ang proteksyon ni Rowena. Siguro nga ay dapat na siyang huminto sa pag-iisip nang masama kay Raven. Dapat sigurong hayaan na niya ito kung balak ni

