Nang mapadaan siya sa isang bilihan ng cellphone ay sumaglit siya doon. Minabuti niyang bumili ng isang keypad na cellphone. Naalala niya kasing gusto ni Jowee na magkaroon siya ng cellphone para sa komunikasyon nilang dalawa. Hindi naman siya mahilig gumamit no'n pero naisip niyang makakabuti sa kaniyang magkaroon ng cellphone para matawagan niya si Jowee. Buti nalang at nakaipon siya ng malaki-laking halaga kahapon. Marami kasi siyang pinasukangg raket bago dumalo sa kasiyahan. Ayun, nakaipon siya ng pera pambili ng cellphone. Matapos bumili ay lumabas na siya sa tindahan. Tuluyan nang sumikat ang araw sa silangan at hindi na niya alam kung sa'n bibili ng sim card. Sabi ng tindera kanina na kailangan niya ng sim card para sa cellphone. Hindi naman siya maalam pagdating sa teknolohi

