"Raven!" sita niya at tinulak ang binata. Bumilis ang t***k ng puso niya sa kaba. Hindi niya akalaing gagawin 'yon ni Raven, gayo'ng hindi pa niya masyadong kilala ang lalaki. At alam niyang hindi pa siya nito kilala. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit 'yon ginawa ni Raven. "Sorry," bulong nito at nag-iwas ng tingin. Naningkit ang mga mata niya at pinahid ang basang pisngi. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Naisip niyang ibahin ang usapan dahil wala siyang makapang tamang salita para ilarawan ang ginawa nito kanina. Isa pa, nahihiya siya sa binata. Nakita siya nitong umiiyak. Gayo'ng wala pa kahit isang tao, liban kay Estong, ang nakakita sa kaniyang umiiyak. Gusto niya kasing isipin ng mga tao na kaya niya ang problema. Na malalampasan niya rin ang problema dahil hindi siy

