Chapter 14

1063 คำ
Chapter 14 Nalula sa laki ng trono ng pinuno ng mga witches si Elenor pagkapasok nilang apat sa isang magarbong silid matapos ang ilang ulit na paglilibot sa loob ng tower. Hindi pa kasi nakatuntong si Elenor sa tower simula noong umalis siya sa witches island at nanirahan sa mundo ng mga tao. Magmula kasing mawala ang mga magulang niya’y hindi na niya inasahan ang proteksyon na binibigay ng tower at ng pinuno sa kanila. Dahil kung malakas ang proteksyon ng mga ito, kundi sana ay hindi nawala ang mga magulang niya at hanggang ngayon, nakakasama niya pa rin ang mga ito. Huminga nang malalim si Elenor habang hinihintay nila ang pagharap sa kanila ng pinuno. Tahimik silang apat habang nakamasid naman siya sa buong paligid. Oinapalibutan ng mga kandila at itim na usok ang trono n kanilang pinuno. Hindi niya alam na mas may ikadidilim at ikaiitim pa pala ang silid nito kaysa sa kanya. “Matagal pa ba ang pinuno ninyo? Hhanggang kailan ako maghihintay? Nasasayang ang oras ko,’ inip niyang wika habang nakabusangot ang mukha. Isa talaga siya sa ayaw ang maghintay, sa bawat segundo ng paghihintay niya’y umiinit ang ulo niya saka nangangati ang mga kamay at paa sa kakatayo. Pakiramdam niya’y may nakaligtaan siyang gawin sa mga oras na iyon na dapat ay nagawa na niya. Kasi panibago ulit ang gagawin niya kinabukasan, kaya’t sayang na sayang talaga ang bawat oras na pumapatak. “kaunting hintay lang, Elenor nanditoe na rin mamaya si Pinuno Amber. May pinuntahan lang siya saglit,” sagot ng babaeng may kulot na buhok. Huminga siya nang malalim. Kaunting hintay na lang, at kapag wala na ay aalis na siya. Hindi naman importante ang pagharap niya sa pinuno. Balang-araw ay siya na rin ang papalit dito, kapag mas mapalakas na niya ang kanyang black magic. Kqapag mangyari iyon, may karapatan na siyang hanapin ang kanyang mga magulang, kung saan man ang mga ito nagpunta o kung dinala ng kung sinoman. Makaraan ang ilang sandali, umusok nang pagkakapal-kapal habang unti-unti namang lumilitaw ang pigura ng isang matandang babae na may puting buhok. Litaw na litaw ang kaputian ng mahabang kulot na buhok nito sa itim na mga suot. Hindi naman na bago kay Elenor ang ganoong anyo ng kanilang pinuno dahil nakita na rin niya ito noong bata pa siya. Hindi nga lang madalas, dahil minsan lang naman siyang sinasama ng mga magulang na pumunta sa loob ng tower. Ngumiti ito sa kanya nang pagkalapad-lapad, kung para sa normal na tao, ang ngisi na iyon ay mala-demonyo, pero kapag para sa kanila, ngityi pa lamang iyon. Hindi alam ni Elenor na kung bakit kailangan na magkai-iba pa ng mundo ang lahat, at kung bakit hindi na lamang nila ubusin ang buong sangkatauhan. “Elenor, ang anak ni Ador at Aida. Maligayang pagbabalik sa mundo ng mga witch. Matagal kang nanirahan sa mundo ng mga tao, at hindi ka nasanay sa aming mga palatuntunin. Ikagagalak ng iyong mga magulang kapag sumali ka sa training camp ng ating isla. . . “ panimula ng pinuno habang nakatitig sa kanya nang mataman. Napabuga ng hangin si Elenor habang hindi inaalis ang kanyang tingin sa matanda na hanggang ngayon ang lapad at laki pa rin ng ngisi nito. Hindi niya masabi kung peke ang ngiti nito o totoo. Kung may mahika lang siya na nakababasa ng isip ay baka alam na niya ang tunay sa likopd ng mga ngiti nito na ibinibigay sa kanya. Sa mga oras na iyon, ang kutob na lamang niya ang kanyang paniniwalaan, Hindi siya nagsalita at hinayaan na lamang ang matanda na magsalita. Hindi siya binbigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa pagkatao niya. Hanggang maaari ay ititikom niya nag kanyang bibig. “Umalis na muna kayo Arsa, Ada at Annie. Kakausapin ko nang pribado si Elenor. Kami lang dapat na dalawa ang mag-uusap sa isang bagay,” utos ng matanda sa tatlong humatid sa kanya sa trono nito. Mas lalong nagduda si Elenor sa paraan ng pagkakasabi ng pinuno. Hindi naman nito jkailangan na sabohon na gusto siyang maka-usap sa isang bagay nito na pribado. Pwede namang sabihin ng pinuno na kailangan syang maka-usap nito kaya’t maaari nang umalis ang mga ito. Pero hindi kumibo at nagsalita si Elenor. Lihim niyang pinag-iisipan ang mga pangyayari. Masama na ang pakiramda niya sa mga oras na iyon. Alam niyang may pinaplanong masama sa kanya ang pinuno. O, kung wala man, hindi niya alam. Papakiramdaman na lamang niya kun ano ang susunod na mangyayari. Nang maka-alis na ang tatlo, naiwan silan dalawa ng pinuno sa loob ng silid. Kung kapangyarihan lang naman ang pag-uusapan madali niya nang maabot ang tinataglay nitong black magic. Kaunti na lang at maabot na niya ito. “Elenor, kumusta ka na? hindi ko natanong kanina sa iyo kung kumusta ang pagtira mo sa mundo ng mga tao.’ “ayos naman ang paninirahan ko roon. Maingat naman ako kaya hindi naman nagagambala ang pamumuhay ko roon,” sagot naman niya habang wala pa rin siyang kaemo-emosyon. Mahirap na kung mabasa nito kung ano ang nasa isipan niya. “Mabuti naman kung ganoon. Hindi ka nahirapan. Alam mo ba kung ano ang ipinatawag ko sa iyo rito?” muling tanong ng pinuno. Hindi alam ni Elenor kung ano ang gustong iparating ng kanilang pinuno nang mga oras na iyon. Pero sasagutin niya kung ano ang itatanong nito sa kanya. Maliban na lamang sa mga importanteng bagay. Hindi niya sasagutin. “hindi ko alam, kaya nga ako pumunta rit para malaman ko kung ano ang ipinapatawag mo sa akin,” pilosopo niyang sagot na ikinawala ng ngiti ng matanda. Lihim na napatawa si Elenor. Nawala naman pala ang ngiti ng matanda sa kanya. Hindi niya aakalain na ang pagkapilosopo lang pala niya ang makapagbubura noon. Hindi na lang niya pinahalata na natutuwa siya sa nangyari. Baka mamaya pasabugin pa siya nito ng makapangyarihang black magic. “Pasensya na mahal na pinuno. Totoo naman kasi ang sinabi ko. Hindi ko alam kaya pumunta ako rito para malaman ko kung bakit mo ako pinatawag,’ hingi niyang paumanhin agad. Naging seryoso ang mukha ng kanilang pinuno at pinakatitigan siya nito nang mataman. Kung ano man ang iniisip ng matanda ay bahala na. basta pagkatapios ng kanilang pag-uusap ay aalis na agad sia at hindi na babalik. Babalik na lamang siya kapag napagtagumpayan na niya ang pagkakaroon ng powerful black magic.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม