Chapter 38

1053 คำ
Napatigagal si Randal nang hawakan siya ni Elenor sa kanyang braso. Hindi pa rin siya makapaniwala na buhay pa rin ang babae. “Hindi ka pa rin makapaniwala sa nasaksihan mo?" tanong sa kanya ni Elenor habang nakamasid sila sa buwan. Kasalukuyan na silang nakaupo ngayon sa d**o, habang hinihintay na mag-umaga. Hindi kasi sila dinadalaw ng antok, o sadyang mahaba lang ang oras na iyon para sa kanila? Huminga nang malalim si Elenor. Hindi niya alam pero nang mga oras na iyon, magaan ang pakiramdam niya habang kasama si Randal. Gusto niya pang makilala ang lalaki. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Naguguluhan siya. Kanina havang hinahatid siya ng ilaw, mas pinili niyang lumapit kay Randal kaysa sa mga kasama nila na natutulog sa puno. Siguro ito ang gising at ang makaka-usap niya sa mga oras na iyon. “Hindi kasi ako makapaniwala. Iyong sinisisi ko ang aking sarili na may nangyari sa iyong masama. Kung hindi sana ako naghanap ng thrill, sana ay hindi iyon nangyari sa iyo. Ako dapat ang namatay at hindi ikaw," sagot ni Randal habang nagkatiim-bagang. Umiling-iling si Elenor. Hindi niya inaasahan na iyon ang magiging reaksyon ng lalaki sa kanyang ginawa. Hindi niya aakalain na sisihin nito ang sarili sa mga nangyari. Ganoon na ba siya kahalaga sa mga ito? Pero hindi siya dapat maging kampante. Mahirap na at baka pinaglalaruan lang siya ng mga salita. Mahirap na ang magtiwala nang lubusan, baka siya ang masaktan sa huli. Hindi niya iyon hahayaang mangyari. “Hindi mo naman kasalanan ang nangyari sa akin. Kahit hindi ka naman naghanap ng thrill ay mangyayari at mangyayari pa rin ang nangyaring iyon. May lalabas at lalabas na kalaban,” wika niya. Inihanda niya ang kanyang magic broom nang mga oras na iyon. Iba ang pakiramdam ni Elenor. Mabigat ang presensya na nagmumula sa kanilang likuran. Mukhang kanina pa iyon naroon at pinagmamasdan silang dalawa ni Randal. Hindi siya nagpahalata, umusod siya sa tabi ng lalaki. Inihilig niya ang ulo sa balikat nito. Naamdaman niyang napatuod si Randal sa kinauupuan. Napangisi siya, pero hindi iyon ang oras para paglaruan ito. May kailangan silang kaharapin na kalaban. Unti-unti niyang inilapit ang mga labi sa taenga ni Randal at sala bumulong. “May kalaban tayo sa likuran. Huwag kang magpapahalata. Humanda ka. Sisigaw ako." Kitang-kita ni Elenor ang sunud-sunod na ginawang paglunok ng lalaki bago tumango. Humigpit ang kanyang hawak sa magic broom. Alam niyang hindi iyon gumagana pero kailangan niya pa rin iyon bilang pang depensa. “Randal! Ngayon na! Takbo!” sigaw niya sa lalaki, sabay hila rito at tumakbo sila nang mabilis. Walang tigil sa paglingon silang dalawa. Kitang-kita nila ang isang nilalang na malaki ang katawan. Hindi niya malaman kung anong klaseng halimaw iyon. Malalaki ang dalawang pangil, isa yatang Gorilya. Kasing taas nito ang mga puno at kasinglaki ng isang malaking batong kweba. Isang higabteng Gorilya! “s**t! Anong klaseng nilalang iyan?!" sigaw ni Randal, habang nakatili na ang tono. Naiintindihan niya ang lalaki. Bakas na ang takot nito sa boses, maging siya ay nakararamdam din ng takot, pero kailangan niyang maging matapang. May kailangan pa siyang patunayan sa Empress. Hindi siya dapat unuwing talunan at hindi dala ang magical tree. Bumagal ang kanyang takbo at hinayaan na makalayo si Randal. Rinig na rinig niya ang pagsigaw nito sa kanyang pangalan. “Tumakbo ka na! Iligtas mo ang sarili mo!" sigaw niya rito. Bumaling siya sa Gorilya at hinintay itong tumigil sa kanyang harapan. Binayo nito ang dibdib at umatungal nang pagkalakas-lakas, waring hinahamon siya sa isang laban. Napalunok ng ilang beses si Elenor bago humigpit ang kanyang hawak sa magic broom. Nakatulala si Randal sa kanyang kinatatayuan. Ano na naman ang binabalak na gawin ni Elenor sa mga oras na iyon? Magsasakripisyo ulit ito ng sarili para iligtas siya? Iyon at kung maswerte pa itong mabubuhay sa pangalawang pagkakataon! “s**t naman, Elenor!” bulong niya saka bumaling sa kanyang harapan. Rinig na rinig niya ang pag-atungal ng higanteng Gorilya. Isang sampal lang nito sa kanila at apak, siguradong hindi na sila mabubuhay pa. Napabunting-hininga siya saka nilakasan ang loob na tumungo sa kinaroroonan ni Elenor. Hindi niya ito hahayaan na mag-usang lumaban. Kailangan niyang maging matapang, nang hindi siya tawaging duwag. Hindi niya hahayaan na may masamang mangyaring muli kay Elenor. Baka hindi na kayanin ng kanyang konsensya. “Hey, ugly! You want a game?!” lakas niyang sigaw, para agawin ang atensyon nito. Tumigil siya sa gilid ni Elenor nang makarating na sa pwesto nito. “Nasisiraan ka na ba ng bait? Bakit ka bumalik? Magpapakamatay ka ba?” inis na tanong sa kanya ng babae. Napangisi lamang si Randal. “Hindi. Ayaw kung iwan kitang mag-isa na makipaglaban sa malaking Gorilya na ito. Ayaw kong may masamang mangyari sa iyo. Hindi ko na hahayaan na gawin mo ulit iyon.” Ilang segundo pang naging tulala si Elenor bago siya hinila ni Randal para tumakbo. Galit na galit na ang higanteng Gorilya sa kanila. Kung ano ang ginawa ni Randal, hindi niya alam! Masyado yata siyang naapektuhan sa sinabi nito kanina. “s**t, Elenor. Gusto yata nang habulan ng Gorilyang ito, e.” litanya ni Randal sa kalagitanaan nila sa pagtakbo. Nagawa pa nitong tumawa. Napailing si Elenor. Kailangan nilang matalo agad ang Gorilyang iyon, bago pa sila maabot nito at patayin. “Hey, alam mo ba kung paano gumawa ng pana?" tanong niya sa lalaki. “Pana? Sa pamamagitan ng mahika?" balik na tanong nito. “Oo! Iyon nga! Alam mo ba kung paano?” “Hindi, e! Nakalimutan ko ang itinuro sa amin!” Hinila siya ni Randal papunta sa isang malaking puno para magtago. Kailangan niyang gamitin ang pagkakataong iyon para gumawa ng isang pana. Hindi niya alam kung natatandaan pa niya ang binasa sa libro. Pero sana nga ay tama ang mga nasa alaala niya. Kung hindi, mamatay silang dalawa ni Randal. Bahala na kung malaman ni Randal ang sekreto niya, saka na lamang niya iyon iisipin kapag ligtas na sila. “Hawakan mo ang magic broom ko. Gagawin ko lang ang ritwal." “Anong gagawin mo?” tanong sa kanya ni Randal. Pumikut siya saka itinaas ang dalawang kamay. Kailangan niya lang ng konsentrasyon para makalikha ng magic bow and arrows. “Just keep him distracted, Randal."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม