Chapter 37

1054 คำ
Napatingin si Randal sa paligid, nang kumapal nang kumapal ang usok sa kanilang dinaraanan. May hindi siga magandang pakiramdam sa mgaboras na iyon. Masama ang kanyang naramdaman ng mga oras na iyon. Hindi alam ni Randal kung bakit. “Sandali, tumigil muna kayo. May masama akong pakiramdam. Hindi ito maganda," pagpigil niya sa mga kasama. Napatigil naman ang mga kasama niya. Mababanaag ang pagtataka sa kanilang mga mata at mga tanong kung bakit niya pinatigil ang mga ito. “Bakit, bro? Anong pakiramdam mo?" tanong bigla ni Hilbert sa kanya. Maski siya hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga ito. Maski siya, hindi maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng kanyang pakiramdam na iyon. Umiling si Randal bilang sagot sa kasama. “Hindi ko alam, pero ito rin ang pakiramdam ko nang lumabas din ang mga nilalang na iyon kanina.” “s**t, bro. Kung ganoon, maghintay na lang tayo na mag-umaga. Huwag na muna tayong magpatuloy, baka may oanganib na nakaabang sa atin doon sa loob." “Mabuti pa nga. Maghanap na lang muna tayo ng panlilipasan nang gabi," sang-ayon naman ni Asora. Tumango naman si Adoe, Damien at Randal. Kung ganoon, mahabang gabi ito para sa kanila. Pero hindi maiwasan ang mag-isip kung makakaya ba nila hanggang dulo ang misyon na ito? Kung magagawa nga ba nilang magtagumpay sa huli at makuha ang magical tree. At isa pa, kung mabubuhay pa nilang muli si Elenor. Sana wala nang mabawasan pa sa kanilangmga kasama. Humanap nga sila ng matutulugan nang gabing iyon. Isa sa kanilang nahanap ay ang maaking puno. Umakyat sila sa mga malalaking sanga nito at doon nahiga. Ginawa nilang duyan ang kanilang malaking dalang damit na nasa loob ng basket. Mukhang pinaghandaan nga ng kanilang Empressang paglalakbay nilang iyon. Maging ang mga gamit na kanilang kakailanganin ay nandoon sa loob ng mga basket nilang dala. “Hindi ko aakalain na mangyayari ito. Sa tanang buhay ko, ginusto ko lang na maranasan ang mabigyan ng misyon. Tais sa isang iglap natupad na rin,” biglang litanya ni Adoe, sa kalagitnaan ng kanilang pagpapahinga. Katatapos lang nilang kumain ng mga prutas na pinitas lang naman nila sa puno na iyon. “Hindi ko rin ito inaasahan," dagdag namanni Asora. Smantala, tahimik naman ang tatlong lalaki habang nakatingin sa kalangitan. Hinahayaan ang sarili na lamunin ng antok. Pero si Randal, hindi maintindihan kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman. Tila may kung ano ang umuudyok sa kanyang hanapin si Elenor. Hindi siya nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga kasama. Nanatiling sa malayo ang kanyang isip. Inuusig siya ng konsensya na wari bang siya ang may kasalanan sa nangyari kay Elenor. “Hindi ko kasalanan na ganoon ang nangyari sa kanya,” bulong niya sa sarili, para kahit papaano ay mawala ang nararamdaman niyang mabigat sa kanyang dibdib. Naging tahimik ang paligid, hindi na niya marinig ang mga kasama na nag-uusap. Mukhang tulog na ang mga ito. Samantalang siya, hindi man lang madalaw ng antok. Napahinga siya nang malalim, lumukso siya mula sa kanyang kinahihigaang damit at pumunta sa ibaba. Magpapahangin lang siya, gusto niyang matitigan nang mabuti ang buwan ngayon. Hindi niya maintindihan kung bakit hinahanap niya si Elenor nang mga oras na iyon. Napatigil siga sa gitna ng mga bulaklak, tumingala siya sa langit at pinagmasdan ang maliwanag na buwan. “Pasensya ka na, hindi ko nailigtas ang kasama ko. Sana hindi mo kami parusahan,” kausap niya sa buwan. Dinama niya ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat at pisngi. Para bang sinasabihan siya no'n na huwag mag-aalala dahil ayos lang ang lahat. Makalipas ang ilang sandali na pagmumhni-muni, naisipan na niyang bumalik sa kanyang pinanggalingan. Ngunit napatigil si Randal nang makakita ng isang ilaw na lumulutang at gumagalaw sa ere. May bulto ng isang babae siyang napansin na nakasunod sa ilaw na iyon. Napatigagal si Randal, hindi alam kung ano ang gagawin. Papalapit sa kanya ang ilaw at ang bulto ng isang babae. Hindi niya maigalaw ang mga paa. Gusto niyang tumakbo at makabalik sa mga kasama. Malayo na ang kanyang narating, kung sisigaw siya malabo na magising ang mga kasama sa malalim na tulog ng mga ito. Tumigil sa kanyng harapan ang ilaw na gumagalaw. Nanlaki ang mga mata ni Randal nang pumaikot-ikot ito sa kanya. Ito na ba ang ibig sabihin ng masamang pakiramdam niya kanina? “A-anong kailangan niyo sa akin?" tanong niya sa babae na nakatigil sa kanyang harapan. Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatabunan iyon ng cloak. “Randal. . .” tawag nito sa kanya. Ganoon na lamang ang singhap ni Randal nang marinig ang boses ng babae. Hindi sita pwedeng magkamali. Boses iyon ni Elenor! “E-Elenor?” utal niyang tawag dito. Kinuha nga ni Elenor ang kanyang cloak na suot. Hindi nga nagkamali si Randal, si Elenor nga iyon. “Ako nga, Randal. Bakit ka nag-iisa? Nasaan sila?” tanong ni Elenor sa lalako, na hanggang ngayon hindi pa rin ito makagalaw. Bumaling si Elenor sa ilaw na nagsilbing kanyang guide sa paghahanap sa mga kasama. “Maraming salamat sa iyong paghahatid sa akin. Maari ka nang bumalik sa iyong pinanggalingan.” Pumalibot-libot pa muna ang ilaw sa buong katawan ni Elenor bago ito umalis. Nang makaalis na ang ilaw ay bumaling si Elenor kay Randal na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa kanyang nakatingin. “Randal? Alam kong nakagugulat ito, pero totoong buhay ako.” Tumango si Randal, sinampal-sampal noya ang kanyang sarili. Baka sa paraang iyonay magising siya mula sa mga pangyayaring iyon. Na baka sakaling nanagjnip lang siya, pero hindi. Dahil nandoon pa rin si Elenor na nakatayo sa kanyang harapan habang takang-taka sa kanyang reaksyon. “Hindi ako makapaniwala na buhay ka. . . akala ko. . ." Napangiti si Elenor sa narinig mula kay Randal. Naiintindihan niya na ganoon ang reaksyon ni Randal. Sino ba naman ang hindi magugulat na buhay siya sa kabila ng lahat na nangyari? Maging siya ay hindi rin inaasahan ang nangyaring iyon. “Ako rin, hindi rin ako makapaniwala. Nagising na lamang ako na wala man lang natamong sugat." Napahawak sa ulo si Randal at tumango-tango. Hindi pa rin makapaniwala. Pero masaya siya dahil buhay si Elenor, hindi pa pala ito nawawala. Sa tindi ng emosyon na nararamdaman ni Randal, niyakap niya nang mahigpit si Elenor.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม