Chapter 33 (Part 3)

1089 คำ
Maaga pa lang nagising na si Elenor. Hindi na siya makapaghintay sa pagpunta sa other world. Agad na bumangon si Elenor at hinanda ang kanyang mga gamit na dadalhin para sa pagpunta sa kabilang mundo. Patapos na siya sa kanyang paglalagay ng gamit sa kanyang salakot nang bigla na lamang siyang nakarinig ng katok mula sa labas ng pinto. Iyon na marahil ang sugo ng Empress at pinapasundo na siya ng mga ito. Pagbukas niya ng pinto, agad na sumalubong sa kanya ang tatlong babae. Walang salita siyang lumabas ng kanyang silid dala ang kanyang isang supot na gamit. Dala-dala niya rin ang kanyang magic groom at saka pointed hat at itim na hoddie cloak. Mabilis agad silang pumunta sa itaas ng tower kung saan ang trono ng kanilang empress. Pagkabukas ng malaking pinto, pinapasok si Elenor ng tatlong babae. Naroon na sina Randal, Asora, Hilbert, Damien, at Adoe. May dalawa pang lalaki na hindi niya kilala kung sino. Nang makita siya ni Randal agad itong napangiti at saka siya binati. Maging sila Asora rin. “Hindi ko aakalain na malalagay kami sa mishon, Elenor! Isa itong karangalan! Alam mo ba, kung hindi dahil sa iyo, hindi kami mabibigyan ng misyon?” salubong agad ni Randal. Inirapan niya ito. “Hindi ko rin aakalain na kayo ang makakasama ko. Mas maganda iyon, kesa naman iyong mga buwitre ang makasama ko." Napatawa silang lahat. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman na ang tinutukoy niyang mga buwitre ay ang mga magical groom na grupo. Huminga na lamang nang malalim si Elenor habang nakatingala sa kisame. Kung ano man ang naghihintay sa kanila sa misyon na iyon ay malugod niyang tatanggapin. Hindi niya malalaman kung makatutulong ito sa kanyang plano, kung hindi naman niya susubukan. Umayos silang lahat nang marinig nila ang pparating na Empress. Hindi na nakipagkulitan sa kanya sina Asora at Randal. “Magandang umaga sa inyong lahat. Sa hat na pangkat, at kay Elenor ng magical group. Siguro ay alam na ninyo kung bakit ko kayo ipinatawag dito ngayong umaga. . ." Nanatili silang nakatayong lahat habang mataman na nakikinig sa Empress. Hindi minsan mapigilan ni Elenor ang komontra sa sinasabi ng matanda. Kitang-kita niya sa mga mata ng kagrupo ni Randal, na hangang-hanga at mataas ang respeto ng mga ito sa kanilang kaharap na matanda. Hindi alam ni Elenor kung ano ang mangyayari, oras na malaman ng lahat na masama pala ang empress. Isa iyong malaking kahihiyan. “Bibigyan ko kayo ng misyon, na samahan at protektahan ninyo sa anomang langanib si Elenor. At tutulungan ninyo siyang hanapin ang magical tree. Dahil iyin ang gagamitin ng ating kalaban oras na mapasakanya ito. Kaya't habang maaga pa, uunahan na natin sila sa kanilang masamang balak.” Kumilos ang matandang Empress, tumayo ito sa ibabaw ng mesa. Binigyan nito sila ng isang masuring sulyap, sa kanya ang tingin na ipinukol nito pagkatapos. Napairap sa kawalan si Elenor at napailing-iling. Ano ang gustong ipalabas ng Empress na ito sa harapan nila ni Randal tungkol sa kanya? Nais ba niting ipanlandakan sa kanyang mga kasama na mahina siya, kaya kailangan niya ng bantay sa misyon na iyon? Ipinujpok ng matanda ang tingkod nito sa ibabaw ng mesa. Kumilos ang mga bantay na nasa kanilang likuran at binigyan sila ng isang basket na maliit isa-isa. Kumunot ang noo ni Elenor. Iba ang pakiramdam niya pagkahawak ng basket na iyon. Pero mukhang hindi iyon naramdaman ng mga kasama. “Nasa loob niyan ang mga magagamit ninyo sa pakikipaglaban. Kayo ang aking pinili, dahil alam ko na kaya ninyong kalabanin at mapagtagumpayan ang misyon na ito. Malaki ang tiwala ko na babalik kayong kompleto at dala ang magical tree,” dugtong pa ng matanda habang seryoso pa rin ang mukha nitong nakatuon sa kanila. napahinga nang maluwag si Elenor. Sana nga ay makatutulong sa kanila kung anoman ang nasa loob ng basket na iyon. “Ngayon, humanda na kayo at dadalhin ko kayo sa other world. Hangad ko ang inyong tagumpay. Nawa'y malampasan ninyo ang mga pagsubok.” Pagkasabi no'n ng Empress agad itong gumawa ng lagusan. Wala nang nagawa pa si Elenor, kundi ang siyang nauna na pumasok. Hinatak siya ng enerhiya. Malakas iyon na wari bang hinihimay ang buong kalamnan niya. Hindi na siya nagpatalo pa roon, hinintay na lamang niya na makarating sa other world. Pagkarating niya sa other world, sumalubing sa kanya ang mistulang isang paraiso. Maraming mga bulaklak sa paligid, wala iyong katapusan. Hindi niya matanaw kung saan ang dulo. Maging ang dagat sa ibang ibayo, mga puno din sa ibang parte ng kabundukan. Maraming mga paru-paro ang nagkalat sa paligid, tutubi at iba pang insekto. Tanaw niya rin ang mga leon, tigre, usa, at marami pang ibang mga hayop. Hindi makapaniwala si Elenor na masasaksihan niya ang ganitong kaganda na mundo. Mukhang iiwan na niya yata ang kadiliman na kanyang kinamulatan, at dito na lamang siya titira, dahil bago sa kanyang paningin. Nagambala ang kanyang malalim na paghanga sa paligid nabg dumating na ang kanyang mga kasama. “Oh, s**t! Ang ganda! Hindi! Sobrang ganda!" biglang hiyaw ni Randal na siyang ikinalingon niya rito. Ang gusto pa naman niya ay ang tahimik na misyon at paglalakbay. Pero mukhang hindi iyon mangyayari dahil kasama niya ang mga maiingay. Mukhang paghandaan niya nang maingay ang buong ilang araw niya rito sa paraisong ito. May nararamdaman siyang malakas na enerhiya. Isang enerhiya na noon pa lamang niya natuklasan at naramdaman. Kakaiba iyon sa lahat; may kalinisan, may kapurihan at may kapayapaan. Hinditulad sa mundo nilang puno ng kadiliman, kaguluhan at maingay. Mukhangang sarap nang manirahan sa paraisong iyon. “Napakaganda kapag dito tumira. Ang payapa," biglang komento naman ni Asora. “Oo nga, mukhang ayaw ko nang umalis,” segunda naman ni Adoe. Sumingit naman si Damien. “Hindi ko inaasahan na may ganito pala kagandang mundo, maliban sa Verdona at Arasor.” “May alam ba kayo kung ano ang tawag sa lugar na ito?" tanong naman ni Hilbert. “Wala kaming alam kung ano ang lugar na ito. Pero tawagin na lang nating paraiso,” sagot naman ni Randal. Napailing na lamang si Elenor. Hindi na niya pinansin ang mga ito. Kinuha niya ang kanyang basket saka tiningnan ang laman noon. Baka may magamit siya roon na magtuturo sa kanila kung saan matatagpuan ang magical tree. Nang makita niya agad ang isang maliit na mapa, kinuha niya iyon at pinag-aralan. “Kunin niyo ang mapa sa mga basket ninyo. Ito ang magtuturo sa atin kung saan ang magical tree.”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม