Chapter 33 (Part 2)

2227 คำ
Chapter 33 (Part 2) Kinaumagahan ay nagising si Asora. Kusot-kusot niya ang kanyang mga mata na mula sa pagkakatulog. Nakasanayan na niyang maabutan ang kanyang mga magulang na naghahanda ng agahan sa hapag-kainan sa tuwing gigising siya. Pero sa mga oras na iyon ay binate siya ng katahimikan. Kaya medyo naalarma siya sa kakaibang katahimikan na iyon. Dali-dali siyang lumabas ng kanyang silid at tumungo sa kusina. Ang inaasahan niyang madatnan ay hindi sa kanya sumalubong. Ang kanyang Lola Sari na may serysong mukha ang kanyang nadatnan habang naghahain ito ng pagkain sa hapag-kainan. Napatingin ito sa kanya kasabay ang pagtaas ng kilay dahilan upang makaramdam siya ng kakaibang emosyon sa kanyang katawan. Bumilis ang t***k ng puso ni Asora sa mga oras na iyon, habang nagtatago sa may pintuan. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa roon ng kanyang Lola Sari. May kung ano kasi na bumabalot na awra rito na siyang dahilan kung bakit siya nakararamdam ng takot. “Hindi ka ba babati sa akin, apo?” tanong nito n na nakataas ang kilay habang nilalapag ang pritong itlog sa plato. Kahit na ayaw ni Asora gawin ang bagay na iyon ay napilitan siya. Lumapit siya rito sabay mano. “Magandang umaga po, Lola. Nasaan po sina ina at ama?” tanong niya agad nang mapansin niyang wala ang mga ito. “Umalis na sila. Hindi ka na nila nahintay dahil ang himbig ng tulog mo.” Hindi napigilan ni Asora ang maiyak sa sinabi ng Lola Sari. Parang may kung anong pumiga sa kanyang puso—pinipilipit iyon sa sobrang sakit na nararamdaman. Lumabas siya ng kanilang bahay habang sinisigaw ang ina at ama na salita. Pero walang lumabas kahit na isa. Umalis na nga ang mga ito at hinsi siya hinintay. Bakit bigla na lamang siya iniwan ng mga ito? bakit hindi ang mga ito sa kanya nagpaalam? Sa buong maghapon ay hinayaan lamang siyang umiyak nang umiyak ng kanyang Lola Sari. Hindi rin siya nito pinilit na kumain. NAPATINGIN si Asora sa ginawa niyang magic potion, kahit bata pa lamang siya ay nagsisimula na siyang pag-aralan ang mga bagay at isa pa turo iyon sa kanya ng Lola Sari. Kailangan niyang maging tagumpay kung hindi ay makatatanggap na naman siya ng isang parusa mula sa kanyang Lola Sar. Halos mahabang panahon na rin ang nakalilipas pero hindi pa rin nakababalik ang kanyang mga magulang mula sa misyon nito. Hindi alam ni Asora kung ano ang nangyari sa sa mga ito, kinakabahan siya sa maaring maging balita. Pero malaki ang tiwala niya sa mga ito na makaliligtas mula sa misyon. Ilang araw na rin ang pagbibigay ng paalala sa kanya ni Lola Sari na dapat gamitin niya ang kanyang oras sa pag-eensayo para matotu siya at hindi masayang ang kanyang oras sa paghihintay sa mga ito. minsan ay naiinis siya rito, pero napipilitan na lamang siya na sundin ang mga sinasabi nito. Kahit papaano ay may natitira pa naman siyang respeto rito. Pumatak siya sa ibabaw ng kumukulong tubig mula sa ginawa niyang magic potion. Ang magic potion na iyon ay para makita niya ang mga pangyayari na gusto niyang malaman. Ilang araw niya iyong pinag-aralan at nakuha ang mga sangkap. Pero sa mga oras na iyon ay hindi pa rin gumagana. “Ano pa ba ang kulang? Ano pa ang kailangan kong gawin?” naiinis niyang tanong habang binabalik ang magic potion sa dating posisyon nito. Kailangan na naman niyang umulit sa simula. “Apo, ano ang problema?” tanong sa kanya ni Lola Sari nang maabutan siya nitong problemado sa naging resulta ng kanyang ginawang magic potion. Bumaling siya rito. “Naging palpak ang resulta ng magic potion ko, lola.” Sagot niya habang inaayos ang kanyang mga gamit. Kakailanganin din naman niya iyon sa mga susunod na araw. Maghahanda na muna siya at hahanapin kung ano ang naging kulang sa kanyang mga sangkap sa paggawa ng magic potion. “Kailangan mong magkaroon ng pasensya. Huwag mong madaliin ang lahat, apo. Iyan ang problema kaya hindi mo makita ang resulta, at hindi naging tagumpay. Kailangan mong maging maingat sa bawat hakbang na mga gagawin mo,” paliwanag nito sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat. Mukhang maganda ang gising ng Lola Sari niya at hindi siya nito pinagalitan. Halos kasi kapag magkamali siya ay sisigawan siya nito o kaya ay pagagalitan. Hindi niya tuloy alam kung saan niya ilulugar ang sariili. Kaya natatakot siyang magkamali at baka maparusahan na naman siya nito. “Pasensya na Lola, hindi kop o makuha agad ang mga ibinilin niyo sa akin. hayaan niyo po at gagawin ko ang lahat para maging tagumpay sa pinapagawa ninyo sa akin,” seryoso niyang saad. Tiningnan siya nang matapang ng kanyang Lola Sari. May malubha itong karamdaman pero malakas pa rin ito kahit na papaano. Hindi niya alam kung saan nito nakukuha ang lakas sa pagkilos at pagpapalabas pa rin ng kapangyarihan. Ganoon talag siguro silang mga Witch. “Lola, gusto ko pong pumasok sa Witches Academy,” bigla niyang turan nang maalala ang tungkol sa bagay na iyon. Biglang umiba ang mukha ng kanyang Lola Sari. Nababasa niya ang galit sa mga amata nito at pinipigilan na sigawan siya. Taas-baba ang dibdib nito na wari bang pinapakalma ang sarili. “Hindi ka papasok sa Witch Academy, Asora.” “Bakit po hindi pwede? Nasa tamang edad na po ako. halos lahat ng mga kasama ko ay nakapasok na sa Witch Academy, ako na lamang ang hindi. Ayaw niyo po no’n? Matutoto pa po ako sa mga bagay na hindi ko alam tungkol sa kapangyarihan ko,” rason niya. Pero iisa lang naman ang rason niya kung bakit gusto niyang makapasok sa Witch Academy. Iyon ay ang mahanap niya ang kanyang mga magulang na hindi pa rin bumabalik. “Ayaw kong is aka sa maging alipin ng Empress, asora. Ayaw kong matulad ka sa iyong mga magulang. hanggang maari ay dito ka lang sa bahay at huwag na huwag kang pupunta roon! At iyon ang masusunod!” galit na sigaw nito habang nanlalaki at nanlilisik ang mga matang nakatingin ito sa kanya. Kung ganoon, wala na nga siyang magagawa at susundin na lamang ito. NAPAGKASUNDUAN nilang magkita ng kanilang mga kaibigan para makapag-usap ng masinsinan. Nagpaalam si Asora sa kanyang Lola Sari at pinayagan naman siya nito, agad siyang naghanda ng kanyang mga dadalhin. Balak niyang magpa-register sa Witch Academy. Sigurado siyang wala nang magagawa pa si Lola Sari sa kanya oras na makapasok na siya roon. Hindi niya alam kung anoa ng magiging resulta ng lahat ng mga gagawin niya, pero bahala na. Pagkarating niya sa lugar na napagkasunduan nina Arasor at Damien ay agad siyang sinalubong ng dalawa. Mabilis na lumipas ang panahon, at lumaki na silang tatlo. Pero hindi no’n mababago ang pagkakaibigan nilang tatlo. “Aba, ayos, ah. Talagang susuwayin mo ang Lola Sari mo, Asora?” tanong agad sa kanya ni Damien na ikinairap niya. “Ewan ko sa iyo, Damien. Makisama ka na lang sa akin tulad nitong si Arasor. Nais ko lang malaman kung ano ang nangyari sa mga magulang ko. alam mo naman na ilang taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin sila bumabalik. Sobrang tagal na no’ng misyon nila. nakapagtataka naman,” nagtataka niyang sambit habang magkasalubong ang dalawang kilay. “Kung sabagay. Bilisan na lang siguro natin na pumunta sa Witches Academy bago pa makahalata ang Lola Sari mo,” anyaya sa kanila ni Arasor. Tumango naman silang dalawa at ma bilis na sinakyan ang kanilang magic broom papunta sa Witches academy. Noon lamang siya makatatapak sa sacred school sa isla nila. kinakab ahan siya sa kung ano ang sasalubong sa kanya sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, pero alam niyang kakayanin niya ang lahat matuklasan lamang ang katotohanan sa mga nangyari sa kanilang isla. Alam ni Asora na hindi lamang siya ang naghahanap sa kanyang mga magulang, kundi marami rin na pamilya ng mga naging kasama ng kanyang ina at ama. Baka ang isa sa mga ito ay makilala niya sa academy na iyon at malaman niya ang katotohanan. Kung ano nga ba ang ikinagagalit ng kanyang Lola Sari sa kanilang Empress, at kung bakit ayaw siya nitong papasuikin sa Witches Academy. Magiging tahimik lamang siya kapag nahanap na niya ang kasagutan sa mga katanungan na iyon. Bumaba sila sa ground ng Witches Academy, nagkatinginan ang mga ilang estudyante na naroroon dahil sa kanilang pagdating pero agad din naman na nabaling sa iba ang atensyon ng mga ito. “Mukhang mga makapangyarihan ang estudyante na naririto,” komento niya nang sumunod na siya sa dalawa na papalakad papasok sa loob. “Talagang ganyan, lalo na at marami na silang nalalaman s amga bagay-bagay. Alam mo na, ang ilan ay lumalaki ang ulo kapag marami nang nalalaman,” ani naman ni Arasor habang pasipol-sipol pa habang naglalakad na sila sa corridor. “Bakit kayo hindi naman ganoom?” sarcastic niyang sagot sa dalawa na siya namang dahilan kung bakit umakto ang mga ito na nasaktan. “Grabe ka naman sa amin, Asora. Ang sakit mong magsalita, sa kabila ng pagkakaibigan natin, at sa tinatagal-tagal nang pagsasama nating tatlo hindi mo pa rin kami nakikilala?” reaksyon ni Damien. ‘”Heh, matamaan na kung sino ang matamaan. Bahala kayong dalawa riyan,” sagot niya habang natatawa. Mabilis silang nakarating sa opisina ng Empress. “Huimanda ka, Asora. Medyo strict ng slight ang matandang ‘yon.” Bulong sa kanya ni Arasor ng mga oras na iyon. Tumango na lamang siya bilang sagot dito. Hindi na siya masamahan ng dalawa s aloob dahil siya lang dapat, ayos din ang dalawa dahil naayos na nito ang mga kakailanganin ng school tungkol sa kanya. “Ikaw ba ay si Asora Edan?” tanong sa kanya ng Empress. Maliit lamang pala ito. nakapatong sa ibabaw ng mesa na maraming mga nagkalat na papeles. Hindi niya alam kung magugulat ba siya dahil taliwas iyon sa expectation niya pero hindi na siya nagsalita pa dahil baka mainsulto ito. “Ako nga po, Miss Empress.” “ano ang dahilan mo para papasukin kita rito?” tanong agad nito na hindi niya napaghandaan. Kung sasabihin ba niya ang totoo ay papasukin siya nito o ang magdahilan na lamang siya ng iba para hindi nito malaman kung ano talaga ang intensyon niya sa pagpasok doon. “Gusto kong matuto. At maging isang mandirigma rin para iligtas ang ating kaharian mula sa ating mga kalaban.” Napataas ang kilay ng Empress sa sagot niyang iyon. May kinuha itong papel sa mesa saka sinulatan ng hindi naman niya alam kung ano. Hinintay na lamang niya kung Sa ngayon ay wala pa. ano ang susunod na tanong nito. “Ano ang kakayahan mo bilang isang Witch?” tanong na sunod nito. “Wala pa sa ngayon, Miss Empress.” “Kung ganoon saan kita ilalagay kung hindi mo alam ang iyong kakayahan?” Natahimik si Asora sa mga oras na iyon, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Wala na siyang magagawa kung hindi siya matatanggap ng academy. “Kayo na po ang bahala kung ano ang plano ninyo sa akin, at kung ano ang nababagay sa tingin ninyo sa akin.” Tumango ito saka sumulat na naman sa papel. “Tanggap ka na. pumasok ka na bukas.” Isa iyong magandang balita. Ibinalita niya iyon sa kanyang dalawang kaibigan na siya namang ikinatuwa nito. Pagdating niya sa kanila ay agad siyang sinalubong ng kanyang Lola Sari. Basang-basa ang pisngi nito. Umiiyak. Bigla siyang naalarma at inalalayan ito. “Lola, ano ang nangyari sa iyo?” tanong niya sa matanda. “Ang mga magulang mo. . . Asora. Ibinalita sa akin na wala na sila. Namatay sila kasama ng iba sa kanilang misyon.” Naiiyak na sumbong nito sa kanya. Parang may kung anong pumiga sa puso ni Asora sa mga oras na iyon. Nanghihina siya na napaupo sa tabi nito habang hindi rin napigilan ang pag-iyak nang ,marinig nito ng sinabi ng kanyang Lola Sari. “Paano?” garalgal ang boses niya habang tinatanong ito. “Hidni ko rin alam, apo. Hindi ko rin alam.” Lumabas siya ng kanilang bahay habang nagpupuyos ang damdamin. Pumunta siya harden at doon nagsusumigaw nang malakas. Pumasok sa kanyang isip ang imahe ng kanilang Empress, ito ang may kasalanan sa lahat. Ito ang naglagay sa kanyang mga magulang sa misyon nito. Sisiguraduhin niyang gagawin ang lahat para maipaghigante ang pagkamaty ng kanyang mga magulang. Napakuyom ang kanyang dalawang kamay. “Magbabayad kayong lahat., hindi ko ito papalagpasin. Kayong lahat na may dahilan kung bakit nadamay ang mga magulang ko sa misyon na ito. lalong-lalo ka na Empress. Ipapatikim ko sa iyo kung ano ang sakit na mawalan ng magulang, kung gaano ako nangulila ng ilang taon para lamang sa tungkulin na ipinatong mo sa kanila. magbabayad ka!” Kasabay no’n ay ang paglabas ng kulay lilac na usok sa kanyang mga mata habang unti-unting pumapalit ang kulay no’n. nararamdaman niyang sobrang lakas niya sa mga oras na iyon. Pero iyon ay panandalian lamang dahil nawalan agad siya ng malay. Nagulat si Lola Sari sa kanyang nasaksihan na iyon. Kaya agad niyang pinalkutang sa ere si Asora na walang malay at pinapasok ito sa silid. Hiling niya na sana ay walang nakakita sa pangyayaring iyon.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม