Chapter 33 (Part 1)

3130 คำ
Chapter 33 (Part 1) Ang mga nakaraan ni Asora ay hindi maipagkakait sa lahat. Alam niyang wala siyang kakayahan noong bata pa lamang siya. Lumaki siya sa piling ng matandang mangkukulam na walang ibang ginawa kundi ang gawin siyang katulong nito sa buhay. Hindi siya nito pinag-aral sa Witch Academy na siyang dapat na ikababago ng kanyang kapalaran. Ang mayanda ay ang lola niya sa side ng kanyang yumaong ama. Isa kasi sa mga nakasama ang mga iyo noon sa pagsunog sa Witches Island para sugpuin ang mga kalaban. Alam ni Asora na isa lamang iyong kasinungalungan. Ang totoo naman talaga ay sinadya ang mga mandirigma na patayon. At iyon ang hindi niya alam kung ano ang dahilan, pero alam niya na malaki ang gampanin doon ni Empress na siyang namumuno ng Wicth Academy. Alam niya na wala nang magbabago sa mga pangyayari at alam niya rin na si Elenor ang makakaligtas sa kanilang lahat lalo na at sa panibago na namang misyon na ibinigay sa kanila. Ang hanapin ang magical tree. Sino naman kasi ang tanga na hanapin iyong gayung hindi nila alam kung saan magsisimula? Isa lamang katangahan ang lahat at pinaglalaruan lamang sila ng Empress. Pero kung iyon ang kagustuhan nito ay ibibigay nila, hindi agad sila susuko. Isa sa mga bagay na natutunan niya sa Witches island iyon ay ang maging matapang at responsible sa lahat ng bagay na ibibigay at iuutos sa iyo. Si Asora ang klase ng witch na hindi naman ganoon katapang at sadyang nagpapatotoo lang sa kanyang sarili. Minsan hindi niya makalimutan ang mga bagay na itinuro sa kanya ng ama at ina, at kung paano siya pahirapan ng kanyang lola. Pero ang lahat nang iyon ay nagagamit na niya sa kanyang paglaki at sa pagharap sa mga bagay na dapat ay iniiyakan na niya. Hindi maiwasan ang paglalakbay ng isip ni Asora sa mga oras na iyon. Sa tatlo na silang henerasyon, at laganap sa buong mundo ng Verdona ang tungkol sa propesiya na isinulat pa ng sinaunang hari at reyna. Sa ngayon ay wala pa siyang ideya kung sino ang magiging sunod na hari at reyna na siyang magmumila sa kanilang angkan. Masinag ang liwanag ng buwan sa Withces island ng araw na iyon. Hindi alam ni Asora kung baki tang bigat ng dibdib niya habang nakatingin sa kanyang mga magulang na abala sa kanilang pag-eempake ng gamit para sa misyon na gagawin ng mga ito kinabukasan. Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata habang naghihikab. Kagigising lamang niya at mukhang kanina pa nag-aayos ng gamit ang kanyang Nanay Sora at Tatay Ando. Sa Witches island ay nakagawian na ang pagsama sa misyon kapag itatalaga ng Empress para masanay at manatiling balanse ang kanilang isla. Hindi na iyon iba sa lahat nang naroon, pero pili lamang ang mga witches na ipapadala sa misyon—iyong may malakas na kapangyarihan at kakaibang kakayahan. At isa na sa mga iyon ang mga magulang ni Asora. Pinagmasdan ni Asora ang kanyang mga magulang na mag-ayos ng mga gamit nito. Mukhang napansin naman iyon ng kanyang Nanay Sora kaya nilapitan siya nito at binati ng magandang umaga. “Inay, aalis na po ba kayo?” naiiyak na tanong ni Asora habang nakatititg sam ga magulang. Ngumiti si Sora sa kanya at hinimas-himas ang kanyang buhok para siya ay pakalmahin. “Hindi anak. Bukas pa kami aalis ng ama mo. Pero huwag kang mag-alala, uuwi rin kami agad pagkatapos ng aming misyon. Kaya huwag ka nang malinhkot, okay? Kasama mo naman ang iyong Lola Sari. Hindi ka no’n pababayaan.” “Hindi po ba ako pwedeng sumama?” Yumuko ang kanyang ama para magpantay ang kanilang mukha. “Hindi pwede, anak. Delikado roon, makikipaglaban kami ng mama mo sa mga masasamang kaaway mula sa mundo ng Arador. Kaya hindi pwede,” mahinahong paliwanag naman ni Ado. Mukhang wala na ngang magagawa pa sa mga oras na iyon si Asora kundi tanggapin na lamang ang katotohanan na maiiwan siya Sa Witches Island kasama ang kanyang Lola Sari. Natatot pa naman siya sa postura at itsura nito. Istrikto ang mukha at kahit anomang oras ay pwede siya nitong saktan kapag gagawa siya ng mali. “Dali ‘wag nang malungkot, Asora.” Pagpapatahan pang muli sa kanya ni Sora. “Bibilisan lang namin ng tatay mo, ha? Pagkatapos nito ay mag-eensayo tayo sa harden para may praktisan ka kung mawala kami ng mga ilang araw. Ayos lang ba iyon, anak?” Kahit na napipilitan ay tumango na lamang si Asora. Hindi niya sigurado kung ilang araw na mawawala ang mga ito. Para sa kanya kahit isang araw lang ay sobrang tagal na no’n. Hindi siya sanay sa kung ano na naman ang bagong pakulo na ito ng kanilang Empress. Nag-aalala siya para sa mga magulang, pero may tiwala siya sa kalakasam at kakayahan ng mga ito. “Opo, kain lang po muna tayo saka pasyal po muna sa plaza ng Witches island. Pwede po ba iyon?” Kahit iyon lang ang alala na magagamit niya habang nangungulila sa mga ito kapag sasabak na sa misyon. Nangyari na ang ganoong bagay, akala niya talaga ay madali lang nawala ang mga ito, pero sobrang tagal pala. Halos mabaliw na siya noon sa kakaisip kung ano ang gagawin malibang lang ang kanyang sarili. Isa na yatang trauma ang lahat para kay Asora, idagdag pa ang pagiging strikto ng kanyang Lola Sari. Hindi niya na siguro kakayanin kapag sobrang tagal na ang pagkawala ng mga ito. Mabilis na lumipas ang oras. Namasyal ngamuna sila sa plaza ng Witches island. Nagtitingin sila roon ng mga magic potion at mga magic wand na binibenta. Pero tinitingnan lang nila iyon at hindi bumibili. Ayon sa kanyang Tatay Ado, mas mainam kapag sariling gawa ang magic wand at ang mga magic potion, kasi alam mo kung ano ang magiging epekto nito o hindi. Itinatak niya iyon sa kanyang isipan ang lahat ng mga sinasabi ng mga ito na makatutulong sa kanya balang-araw. Hindi naman kasi mapagkatitiwalaan ang mga binibenta sa kanilang bayan, may posibilidad na peke ang mga ito atmayroon din na baka patibong iyon ng mga kalaban. “Bakit poang dami nating kalaban?” Tanong niya nang naghahanda na sila para sa kanyang pag-eensayo. Yumukoang kanyang ina saka pinisil ang kanyang pisngi. “Dahil sa kinakailangan na maging pantay ang mundo. Kung puro na lang kabutihan anak, wala nang masasabing thrillsa buhay. Para manatiling balanse ang lahat ngmga bagay samundo lahat ay may kasalungat.” Ngumiti ito saka tumayo. “Tulad na lamang ng langit at lupa. Kung puro langit lang, ano ang magiging silbi nito? Hindi ba nakakawalang-gana ang mundo kapag siya lamang ang palaging makikita? Hindi mo na makikita ang mga puno, ang mga halaman, ang mgabulaklak, ang mga hayop at wala tayo. Ang tanging matitira na lang ay ang hangin at ang mga bagay na makikitasa kalangitan. Kaya kinakailangan ang balanse, Asora. Tandaan mo iyan.” Agad silang bumalik sa kanila matapos na maglibot sa plaza. Nanatiling nakatatak sa isipan ang lahat ng sinabi ng kanyang ina. Kaya ganoon na kamang siguro ang buhay, nagiging balanse ito kapag may mga pagsubok na dumarating. Naiintindihan na niyaang lahat. Madali lang naman iyon, halos hindi nga uminitang kanyang paa sa paglalakad. Maganda na rin iyong ehersisyo para sa kanya, naging masigla siya noong pinagpawisan. Tinataglay ni Asora ang katapangan at kabusilakan ng puso ng kanyang mga magulang. Bata pa lamang ay ipinamulat na sa kanya ng mga itoang mabubuting asal, at kung paano iyon gamitin sa tamang pagkakataon. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging mabuti na lamang siya kung alam naman niyang inaabuso na. Tuluyan nang isinara ng kanyang ina ang suot niyang jacket na kulay itim. Bukod sa paghawak ng magic wand at sa tamang paggamit ng magic potion, kinakailangan na maging magaling din sila sa pakikipaglaban. At iyon ang ituturo sa kanya ng mga ito sa oras na iyon. Ang kanyang nanay ang magtuturo sa kanya dahil limitado lamanga ng lakas nito, ikumpara sa malakas na pwersa ng kanyang ama. Minsan na siyang nasaktan nang mataaman siya ng suntok nito sa kanyang dibdib. Nakalimutan nito ang pagkontrol sa sariling lakas kaya naman iyon ang nangyari. Simula noon naging maingat na ang kanyang ina at ito na ang nag-eensayo sa kanya. Ayaw naman niyang maging dahilan ng pag-aaway ng mga ito. “Inay ano ang misyon ng mga witches sa mundong ito? Bakit po ganoon?” tanong na naman niya muli na ikinatuwa naman nito, tumungin muna si Sora sa kanyang asawa na si Ado na nakangiti rin dahil sa kursyudad na bumabangon sa kanilang anak na si Asora. “Anak, bakit ang dami mo yatang tanong?” ang kanyang tatay Ado. Napakamot sa kanyang noo si Asora saka napangiwi. “Kasi nagtataka po ako, kung bakit po kayo umaalis para makipaglaban. Ano po ba ang misyon?” “Hindi namin pwedeng sabihin sa iyo, anak. Pero ang tungkulin natin ay ang protektahan ang ating isla mula sa mga kasamaan na gusto tayong patayin. Maiintindihan mo rin ang lahat anak pagdating ng tamang araw. Sa ngayon ay mag-ensayo na muna tayo,” sagot ng kanyang tatay Ado. Tumango na lamang si Asora dahil alam niyang hindi talaga sasabihin sa kanya ng ama ang tungkol sa bagay na iyon, maging ang kanyang ina na nakatingin lamang sa kanila ng mga oras na iyon. Tinuruan siya ng kanyang ina ng tamang pagsipa at ang pagsuntok. Paulit-ulit siya nitong pinasuntok sa nakabutin na sako sa isang puno sa kanilang harden. Gawa iyon sa lupa kaya masakit sa bawat suntok, pero ininda niya iyon at inisip na para sa kanilang kaharian. Agad namang ginamot ng kanyang ina ang sugat na kanyang natamo, pero hindi na iyon maramdaman ni Asora. Sanay na siya sa bagay na iyon, saka madali lang din iyong gumaling dahil epektibo ang gamot na gawa ng kanyang nanay Sora. Pagsapit ng hapon ay nagpaalam siya sa mga ito para makipagkita sa kanyang mga kaibigan na si Damien at Arasor. Malapit sa bayan silang nagkita lahat. Mula pa na isilang sila ay magkasama na raw silang tatlo dahil magkakaibigan din ang kanilang mga magulang. At dahil nga roon, naging magkaibigan din silang tatlo. “Asora!” tawag sa kanya ni Arasor nang matanaw siya nito sa hindi kalayuan. Nandoon na rin pala si Damie, hindi na nila kailangan pang maghintay, siya na lang pala ang huli ang dating. “Damien! Arasor! May kwento ako sa inyo!”masigla niyang bat isa mga ito habang ang laki ng ngiti sa labi. Napakunot ang noo agad ng dalawa. “Ano na naman iyan, Asora?” “Namasyal kami nila ina kanina sa plaza. Saka ininsayo nila ako kung paano makipaglaban,” simula niya. “Saka nagtanong ako ng mga bagay-bagay kung bakit sila aalis para sa misyon.” “Ano naman sabi?” nakakunot na tanong ni Arasor. “Para raw manatiling balanse ang mundo saka para protektahan ang kaharian sa kasamaan! Gusto ko maging tulad nila balang-araw!” “Sus! Bakit ang mga magulang namin hindi tulad ng mga magulang mo? Bakit hindi sila umaalis para sa misyon?” kontra agad ni Damien. Umirap sa kawalan si Asora. Kahit kailan talaga panira ang isang ito sa mga kwento niya. Nakakawalan tuloy ng gana na magkwento siya sa susunod. “Ewan ko sa ‘yo, Damien! Panira ka talaga! Suntukan na lang, oh?” “Tama na ‘yan, kayongdalawa nag-aaway na naman. Gusto niyo bang pagalitan tayo?” biglang singit ni Arasor na siyang ikinatigil ng dalawa. Bumalik sa pagkaka-upo niya si Asora habang naka-irap. Samantala si Damien naman ay napa-igting ang panga sa inis. “Ito kasing si Asora, bida-bida palagi. Porket magaling mga magulang niya at palagi nasasama sa misyon at ang atin hindi, nagyayabang na,” rason na naman ni Damien. Napanting ang taenga ni Asora sa kanyang narinig. Kahit kailan ay siya palagi ang nakikitang pagbuntunan ng inis ng lalaking ito. “E, kung magsanay ka na lang kaya?!” Naiinis na rin siya sa tabil ng dila ni Damien. Si Arasor naman ay siyang tagapagpigil sa kanila at ang pumapagitna. “Tama na ‘yan sabi! Hindi ba kayo nakaka-intindi?! Namatay ang kuya ko dahil sa misyon na iyan, kaya nga ako naririto para sabihin ko sa inyo.” Mukha namang natauhan ang dalawa at sabay na napatingin pa kay Arasor na umiiyak na. Tinabihan nila ito saka hinimas-himas ang likod. “Bakit ano ang nangyari?” tanong ni Asora, nakaramdam siya ng kaba para sa kanyang mga magulang. Hindi naman sana mangyari sa mga ito ang nangyari sa kuya ni Arasor. “Natalo siya ng kanyang mga kalaban. Kaya kinakailangan na paingatin mo ang mga magulang mo, Asora.” Tumango si Asora sa bilin na iyon ni Arasor. Pinatahan nila ito ni Damien hanggang sa maging ayos na ang pakiramdam nito. Pero alam niya na malungkot at mabigat ang dinadala nito sa dibdib. Bigla siyang natakot at hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang mga sinabi ng kaibigan. Posible kaya iyon? Ang may kailangan na magbuwis ng buhay para lamang protektahan ang kaharian at ang buong Witches Island? Bakit kinakailangan pa na may kasamaan na maghari sa mundo? Isang matindi na katanungan iyon para kay Asora na hindi kailanman masasagotan ninoman maski ng kanyang mga magulang. Kaya ba ang mga ito ang ipapadalasa misyon dahil namatay ang mga naunang pinadala sa mundo ng mga kalaban? Iyon ang laman ng isip ni Asora hanggang sa makarating siya sa kanila. Sinalubong agad siya ng kanyang mga magulang, may pag-aalala sa mukha ng mga ito. “Anak, bakit ngayon ka lang umuwi? Saan ka nanggaling? Bakit hindi ka sa amin nagpaalam ng tatay mo?” salubong agad ni Sora sa anak nang makarating na ito sa kanilang bahay. Si Ado naman ay pilit na pinapakalma ang sarili para hindi mapagalitan ang anak. “Nagkita lang po kami ng mga kaibigan ko. Nabalitaan ko po na namatay ang kuya niya dahil sa misyon. Nay, huwag na po kayong tumuloy roon.” Nagkatinginan sina Sora at Ado, alam nila ang tungkol sa bagay na iyon. Kaya nga hindi nila sinabi kay Asora para hindi na ito mag-alala, pero nalaman na rin pala nito ang tungkol doon. Hindi nila alam kung paano ipapaliwanag sa murang edad na iyon ni Asora ang tungkol sa bagay na iyon. Totoo nga na namatay ang Kuya ni Arasor, dahil sa lakas ng mga kalaban nila sa kabilang dimensyon. Kaya sila ang ipinatawag ng Empress para mapadali na matapos ang misyon, pero hindi rin nila sigurado kung magiging tagumpay sila o ang mamatay. “Anak, hindi pwede. Tungkulin namin ng iyong ama ang pumunta sa misyon at sundin ang inuutos ng Empress. Hindi namin siya pwedeng suwayin kung hindi ay may kaakibat na kaparusahan,” paliwanag ni Sora habang malungkot na nakatingin sa anak. Piantahan nila si Asora sa mga oras na iyon para maging panatag na ito at hindi na magtatanong sa mga bagay-bagay. Pero matalino ang kanilang anak, alam nito na iniiwasan lang nila na pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. “Ayaw ko po na mawala kayo sa akin, ina at ama. Mahal na mahal ko po kayo. Ipangako niyo po sa akin na uuwi po kayo, na babalik po kayo rito sa Witches Island.” Tumango sina Sora at Ado, kahit na hindi nila masiguro ang kaligtasan. Nagawa lamang nila iyon para kahit papaano ay mapanatag ang loob ng kanilang anak. Kahit sa paraan lamang na iyon ay mabawasan ang mga problemang iniisip nito. Natutulog nang mahimbing si Asora kaya’t napag-isipan ng dalawa na mag-usap muna at umalis sa mga oras na iyon. Iyon na lamang ang tanging paraan na naisip nilang dalawa para hindi masakit sa kanilang anak ang pag-alis. Pero bago iyon ay kakausapin na muna nila si Lola Sari— ang ina ni Sora. “Sigurado ka na ba sa plano mong ito, mahal?” tanong ni Ado kay sora nang palabas na sila ng kanilang bahay habang bitbit ang kanilang mga gamit pandigma at iilang mga kasuotan. Hindi napigilan ang pagpatak ng maiinit-init na butil ng luha sa kanyang pisngi habang lumilingon sa bahay na iiwan na nila, kung saan naroon ang pinakamamahal nilang anak. Maging si Ado ay hindi rin mapigilan ang emosyon na nadarama. “Kailangan, mahal. Kahit masakit na iwan natin si Asora. Alam ko na masasaktan siya sa pag-alis natin na walang paalam. Pero matalino ang anak natin, maiintindihan niya rin ang lahat balang-araw,” sagot naman ni Sora, habang tinatarak ang kanyang puso ng isang patalim. Hindi niya alam kung ano pa ang mas sasakit, kung ang mga sandata at kapangyarihan ng kanilang mga kalaban o ang iwan ang kanilang anak na mag-isa para lamang gampanan ang tungkulin na ipinatong sa kanilang mga balikat? At alam na ang kasagutan sa bagay na iyon. Kahit masakit kailangan, kung hindi ay kapalit din ang buhay no’n ni Asora. Bilang mga magulang ay mas pipiliin ajg kaligtasan ng anak kaysa sa kanilang sarili. “Pumunta na tayo kay ina. Paniguradong hinihintay na niya tayo sa mga oras na ito.” Tumango si Ado saka sa huling sandali ay nilingon niya ang kanilang bahay. Paniguradong mangungulilasiya sa kakulitan ng kanilang anak ni Sora. Mabulis silang nakarating sa bahay ni Sari sa mga oras na iyon. Agad silang sinalubong ng matanda. Napag-usapan na nila ang tungkol sa bagay na ito noong isang araw pa. Nag-aalala itong nakatingin sa kanilang mag-asawa. “Kung ganoon, buo na ang pasya ninyong dalawa. Si Asora?” tanong nito habang matalim ang tingin na ipinupukol sa kanila. “Iniwan namin habang natutulog, ina. Sana ay puntahan mo siya ngayon din kapag aalis na kami. Kayo na po ang bahala sa kanya. Kahit ba anoman ang mangyari,” habilin ni Sora habang hindi na napigilan ang pag-uunahan ng mga luha na dumaloy sa kanyang pisngi. Tumango si Lola Sari. “Ako na ang bahala sa kanila. Mag-iingat kayo sa inyong misyon. Tandaan ninyo ang aking bilin.” Bumaling ito kapagdaka kay Ado. “Ikaw, bantayan mo ang aking anak. Huwag mo siyang pababayaan.” Yumuko si Ado bilang tanda ng paggalang bago sumagot dito. “Masusunod po, ina.” Nagyakapan silang tatlo bago lumisan sina Sora at Ado. Kasabay ng pagtalikod ng dalawa ay ang pagpatak ng mga luha ni Lola Sari. Hiling niya na sana ay maging tagumpay sa misyon ang dalawa at nang wala na namang magbuwis ng buhay sa Witches Island, dahil sa pamumuno ng kanilang Empress. Hiling niya na sana matapos na ang lahat ng iyon nang wala nang dadanak na dugo at papatak na mga luha. Kinuha niya ang kanyang magic broom at magic cape para sa kanyang pagpunta sa bahay ng kanyang anak, para bantayan ang kanyang apo na si Asora.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม