Magkakasabay na napatingin ang apat na tao sa isa't-isa. Ang dalawang nasa kusina ay parehong hindi nakahuma sa kanilang nakita. Ang dalawang nasa may pintuan ng kusina ay hindi rin makabawi sa pagkabiglang nararamdaman dahil sa kanilang nakita. Why is he here?! Sigaw ng kalooban-looban ni Onyx. Parang kanina lang ay iniisip niya ang lalaking ito at ngayon ay heto at nasa harapan nga nila. May dala-dala itong isang basket ng prutas sa isang kamay. Madilim ang mukha habang nakatitig sa kanilang dalawa ni Ishmael. Shit. Just what kind of awkward situation is this?! Asar na tinitigan ni Onyx ang kaibigan. It's all his fault! Kung hindi ito nagkomento ng ganoon ay hindi naman siya mago-over react! "Babawiin mo ba ang sinabi mo o ayaw mo ng mabuhay?" Kinalimutan na lang ng dalaga ang pag

