Magkasabay na napalunok sina Laurize at Onyx noong ihain na ni Ishmael sa lamesa ang lomi na pinagtulungang lutuin nito at ni Lemuel. Hindi sila makapaniwala dahil amoy pa lang ay nakakatakam na. Noong tingnan ng dalawa ang pagkain na nakalagay sa malaking mangkok ay hindi mapigilan ng magkaibigan ang maglaway. It smells so good! It looks so delicious! Iyon ang unang rumehistro sa isipan ng magkaibigan. "My world views are starting to collapse right now," hindi makapaniwalang bulong ni Laurize. Nakakahiya mang isipin na bilang isang babae ay wala siyang kakayanang makatagal sa kusina at makagawa ng disenteng pagkain, hindi siya makapaniwala na ang dami pa lang kayang gawin ni Ishmael. Tahimik naman na tinikman ni Onyx ang lomi na umuusok-usok pa. "And it tastes better than the lomi

