Sandaling napahinto sa ginagawa niyang pag-iyak si Onyx. Umiyak din ba si Ishmael dahil ibang ang dating ng boses nito sa pandinig niya? Nagtatakang nag-angat ng paningin ang dalaga para lang matulala dahil sa nakita. "What happened?" may halong pag-aalala sa tiniy na tanong ni Lemuel. Matagal na napatitig si Onyx dito. Tama ba ang nakikita niya o baka naman nagha-hallucinate lang siya? After how many days, kinakausap na siya nito ulit? Napalunok si Onyx. Ang dami niyang gustong itanong dito pero nilunok niya lahat. Pakiramdam niya ay wala naman siyang karapatang itanong ang mga iyon dito. Pasimpleng pinunasan ni Onyx ang luhang nagkalat sa kanyang mukha. Nag-iwas din siya ng tingin sa lalaking kaharap. Nang mga nagdaang araw, gustong-gusto niya itong makita. Pero ngayong nasa hara

