Ala una na ng madaling araw pero wala pa ring balak matulog ang tatlong magkakaibigan. Kumuha na lang ng malaking foam si Onyx saka iyon inilatag sa kanyang sala. Si Laurize naman ang kumuha ng mga unan. Pagsapit ng alas dos ay saka pa lang tumunog ang cellphone ni Onyx. 'Open your laptop. I sent you the details,' "Laptop," bulong ni Onyx na para bang sarili niya lang ang kanyang kausap. Dali-daling tumayo ang dalaga saka kinuha ang laptop sa kanyang study table. Dinala niya iyon sa sofa at naupo siya sa inilatag nilang foam para makita nilang tatlo kung ano ang nasa email na ipinadala ng kanyang kuya. Noong buksan ni Onyx ang email, hindi iyon nanggaling sa kanyang kuya Lexus kung hindi kay Jin. Sa pinsan niyang hindi nila alam kung ano ba talaga ang trabaho sa buhay. Pero kung kay

