C-17

1140 คำ
KELLY JOANNE “Para saan ito?” tanong ko sa kanya. “Para sa ‘yo,” sagot niya sa akin kaya naman binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang kumikinang na kwintas. “Hindi ko matatanggap ‘yan,” sabi ko sa kanya at binalik ko ito sa kanya. “Kailangan mo ito doon,” sagot niya sa akin. “Bakit?” “Just wear it, at ‘wag ka ng magtanong pa,” sabi niya at siya na mismo ang nagsuot sa akin kaya wala na akong nagawa pa. Hinayaan ko na lang siya dahil naalala ko na hindi ko pala dapat siya kinakausap. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya at hindi pa rin nawawala ang inis ko na ‘yon. Kahit naman siya ay hindi na rin naman nagsalita kaya okay na ang ganito. Nakarating na kami sa pupuntahan namin at inalalayan niya ako. Iniisip ko na lang na kailangan ko itong gawin dahil pasasalamat ko ito sa pagbibigay niya sa akin kay Ate Lin. Kaya kailangan kong maka-survive sa gabing ito. Ito lang ang kailangan ko ngayon kaya makikisama ako sa lahat ng nais niya. “Stay by my side at ‘wag kang pupunta sa kung saan lalo na ang makipag-usap sa iba lalo na sa lalaki,” sabi niya sa akin at hindi ako sumagot. “Do you hear me?” Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. Ang daming tao at binati nila si daddy ninong. Ako naman ay tahimik lang sa tabi niya tulad ng nais niya. Ganito talaga ang party ng mga mayaman. Kahit pa noon na lagi akong sinasama ng daddy ko ay ganito rin ‘yon. Kaya nga ang ginagawa ko noon ay kumain lang. Dahil wala naman akong alam sa mga pinag-uusapan nila. Wala nga akong interes sa negosyo dahil gusto ko talaga sana noon na maging model. Nag-aral lang ako ng business dahil iyon ang gusto ng daddy ko. Dakilang tagasunod niya pa kasi ako ngayon. “Restroom lang ako,” sabi ko kay daddy ninong. “Samahan na kita,” sabi niya sa akin. “Kaya ko na ang sarili ko,” sabi ko sa kanya. Nakasuot ng maskara ang lahat ng mga dumalo dito kaya hindi ko rin sila kilala kung sakali man na may dati akong classmates dito. Lumayo na ako sa kanya dahil naiihi na rin talaga ako. Malaki ang restroom dito at kasya ang limang tao. Kaya kahit magkakasabay ay okay lang dahil kasya dito. May mga kasabay ako. At nang pumasok ako ay nakatingin sila sa akin. Mula ulo hanggang paa na para bang minamata nila ako. Hinayaan ko na lang at pumasok na ako sa loob ng cubicle. “Is that his girlfriend?” “I think so, o baka naman alalay lang niya. Puwede rin na babae niya,” sabi pa ng isang babae. “She’s ugly,” sabi ng isa sa kanila. “Sa tingin ko rin.” “Baka naman gold digger siya. Ngayon lang kasi nagdala ng babae sa event na ito si Mr. El Salva,” sabi pa nila kaya ako nga talaga ang nilalait nila. Lumabas ako dito at nakatingin pa rin sila sa akin. Taas noo akong naglakad palabas dahil hindi ko naman ibaba ang sarili ko sa kanila at yuyuko dahil mali naman ang iniisip nila tungkol sa akin. Kasalanan talaga ito ng matandang ito. Siguro sinabi niya sa iba na girlfriend niya ako. Nang bumalik ako ay nakita ko siya na may kausap na iba at may mga babae kaya nanatili na lang ako dito sa likuran. Nakatingin lang ako sa kanya at wala pa akong balak na bumalik.gusto ko siyang bigyan ng time na makasama niya ang mga babae niya kung mayroon man dahil hinahayaan naman niya na haplusin ng babae ang balikat niya. May dumaan na waiter kaya kumuha ako ng wine at ininom ko ito. Nagustuhan ko ang lasa nito kaya naman sa bawat pagdaan sa akin ng waiter ay kumuha ako at iniinom ko ito hanggang sa nakalimang kuha ako. Kukuha pa sana ako pero may biglang pumigil sa kamay ko. “That’s enough, Miss,” sabi sa akin ng isang lalaki. “Why?” “Baka malasing ka na,” sabi niya sa akin. “I’m fine,” sagot ko sa kanya. “Okay ka lang ba?” “I’m good,” sagot ko sa kanya. “Are you alone?” tanong niya sa akin. “No, I’m not. I’m with my–” “She’s with me,” bigla na lang dumating si daddy ninong. “Ohh, I see. I think she’s alone. Naglalasing kasi,” nakangiti na sabi ng lalaki pero bigla na lang akong hinila ni daddy ninong. Lumingon ako sa lalaki pero itong daddy ninong ko ay hinihila pa rin ako. “Kaya ba hindi ka bumalik dahil makikipag-usap ka sa lalaking ‘yon?” tanong niya sa akin. “He looks nice kaya ano naman ang mali kung kausapin ko siya,” sagot ko sa kanya. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo?” tanong niya sa akin. “Bumalik ka na lang doon and don’t mind me,” sabi ko sa kanya. “Uuwi na tayo,” sabi niya sa akin. “Hindi pa naman nagsimula ang auction kaya bakit ka uuwi?” “Sa tingin mo magtatagal pa ako dito kung ganito ka–” “Sinasabi mo ba na dahil sa akin kaya nasira ko ang gabi mo? Ano ba ang mali kung makipag-usap ako sa iba? Ano ba ang mali kong uminom ako? Lahat na lang ba mali?” tanong ko sa kanya. “Umuwi na tayo,” sabi niya. “Hayaan mo na lang kasi ako. Para ka ring daddy ko, gusto niyo na lagi na lang akong sumunod sa inyo. Akala niyo ba talaga sa akin ay uto-uto ako?” “Lasing ka na nga,” sabi niya sa akin at bigla na lang niya akong binuhat. “Ano ba ang problema mo? Ibaba mo nga ako,” utos ko sa kanya. “Ayusin mo ang sarili mo. pasaway ka,” sabi niya sa akin. “I hate you, tanda. Nakakainis ka!” sabi ko sa kanya nang tuluyan na kaming nakalabas. “Tanda?” “Bakit bata ka pa ba? Matanda ka naman talaga!” “Mukha bang matanda na ako sa paningin mo?” “Oo, tanda. Masungit ka na nga, bastos ka pa at–” “At ano?” tanong niya sa akin. “Bakit ko naman sasabihin sa ‘yo?” “Gusto mo bang patunayan ko sa ‘yo na hindi pa ako matanda?” tanong niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya pero nanlalabo na ang paningin ko. “Bakit kailangan mo pang patunayan eh matanda ka naman talaga—”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม