C-18

1168 คำ
KELLY JOANNE “Ahhhh!” napasigaw ako dahil wala na akong kahit na anong saplot sa katawan. Wala akong damit at nakahiga ako dito sa hindi ako pamilyar na kama. Hindi ito ang kama ni daddy ninong kaya nasaan ako? Saan niya ako dinala? “Mabuti naman at gising ka na? Naalala mo na ba ang mga ginawa mo kagabi?” Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at bumungad sa akin ang daddy ninong ko na nakatapis lang ng towel at bagong ligo siya kaya nakikita ko ang hindi ko dapat makita na umbok. “Nasaan ako?” tanong ko sa kanya. “Hindi mo ba alam kung saan ka?” “Magtatanong ba ako kung alam ko?” “Don’t act like you didn’t know what happened,” nakangisi na sabi niya sa akin. “Ano ba ang dapat kong maalala? May nangyari ba? May ginawa ba ako?” “After lahat ng ginawa mo ay wala kang maalala? Panagutan mo ako,” sabi niya sa akin and he smirked. “Panagutan? Bakit naman kita papanagu–may nangyari ba kagabi? Tell me, may nangyari ba sa atin?” tanong ko sa kanya. “Ikaw ang nakakaalam niyan,” sabi niya sa akin. “Paano ko malalaman o maalala kung hindi mo ipapaalala sa akin–” “Sure ka ba na gusto mo talaga na maalala?” tanong niya sa akin. “A–Ano ba talaga ang–” “Siguro naman ngayon ay hindi mo na ako sasabihan na matanda ako,” nakangisi na sabi niya kaya naman pinipilit ko ang sarili ko na maalala ang nangyari kagabi. “Tanda?” “Bakit bata ka pa ba? Matanda ka naman talaga!” “Mukha bang matanda na ako sa paningin mo?” “Oo, tanda. Masungit ka na nga, bastos ka pa at–” “At ano?” tanong niya sa akin. “Bakit ko naman sasabihin sa ‘yo?” “Gusto mo bang patunayan ko sa ‘yo na hindi pa ako matanda?” tanong niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya pero nanlalabo na ang paningin ko. “Bakit kailangan mo pang patunayan eh matanda ka naman talaga—” Hinalikan niya ako? Hindi lang halik dahil grabeng kissing scene ang ginawa naming dalawa sa loob ng kotse niya. Hanggang sa bumaba ang halik niya sa leeg ko at ang kasunod ay hindi ko na alam. “Wala talaga akong maalala sa sinasabi mo. Kaya wala, wala akong alam sa kung ano man ang sinasabi mo ngayon,” sabi ko sa kanya at nagpatuloy ako sa pagkukunwari na hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. “Ipapaalala ko na lang ngayon,” sabi niya at lumalapit siya sa akin kaya ako naman itong lumalayo sa kanya at mas binabalot ko pa ang sarili ko ng kumot dahil tanging panty lang ang mayroon ako sa katawan ko. Mabuti na lang talaga at may panty pa ako pero kung wala ay grabe na talaga ang kahihiyan na mararamdaman ko ngayon. “Uuwi na ako, alam ko na hinahanap na ako ng anak ko,” sabi ko sa kanya. “Akala ko ba gagawin natin ang ginawa natin kagabi,” sabi niya sa akin. “Ano man ang ginawa natin ay kalimutan mo na. Hindi dapat nangyari ‘yon, lasing ako at hindi ko alam ang ginagawa ko. At sana dahil ikaw itong matanda kaya sana naman pinigilan mo ang sarili mo at hindi mo ako–basta, kalimutan mo na ang lahat. Manatili na lang tayong ganito, ikaw bilang boss ko at ako bilang secretary. Huwag mo akong ihatid dahil kaya ko, kaya kong umuwi na mag-isa,” sabi ko sa kanya at tumayo na ako habang nakabalot sa katawan ko ang kumot. “Paano kung ayaw ko?” “Maghanap ka na lang na paglalaruan mo at ‘wag mo na akong isali pa. At isa pa, inaanak mo ako kaya sana naisip mo man lang ‘yon bago mo ginawa ang mga ginawa mo kagabi,” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng banyo. Tinapon ko ang kumot palabas dahil ayaw ko naman na mabasa ito. Inis na inis ako sa sarili ko habang nakatingin ako sa salamin. Naiinis ako sa sarili ko dahil alak na naman ang dahilan. Hindi ko naman kasi inaasahan na hindi pala ako safe sa matandang ‘yon. Kung alam ko lang ay sana hindi ko talaga sinubukan na uminom. Kasalanan ko rin dahil uminom ako. Kaya bahala na, ang dapat kung gawin sa ngayon ay gawin ang dapat kong gawin. Magtatrabaho na lang ako at kakalimutan ko ang lahat. Dahil wala namang mangyayari kung aalis ako sa trabaho ko. Ito kasi ang tanging option na mayroon ako ngayon kaya wala akong balak na sirain. Kailangan ko na lang talaga na kalimutan ang lahat. Iyon ang dapat kong gawin. Naligo na lang ako at nang lumabas ako ay nandito pa rin siya at nakabihis na siya. “Let’s eat first bago ka umuwi,” sabi niya sa akin. Hindi na ako nagsalita at kumain na lang ako. Nakasuot naman ako ng bathrobe kaya wala siyang makikita sa akin ngayon. “Nasaan ang damit ko?” tanong ko sa kanya. “Nasa basurahan na,” sagot niya sa akin. “What? Bakit? Bakit mo naman tinapon?” tanong ko sa kanya. “Isusuot mo pa ba ‘yon? Kung parang basahan na,” sabi niya sa akin. “Anong isusuot ko?” tanong ko sa kanya. “Ewan ko sa ‘yo,” sabi niya sa akin. “Lalabas ako na nakaganito? Bakit, puwede ko bang dalhin ang bathrobe sa bahay?” tanong ko sa kanya. “Kung gusto mo lang naman,” sagot niya sa akin. “Nakakainis ka talaga! Ito na talaga ang una at huli na sasama ako sa ‘yo,” sabi ko sa kanya. “Wala na rin namang kasunod kaya wala na. Sinama kita kagabi dahil kailangan ko at hindi para maglasing ka doon, kaya may utang ka pa sa akin.” “Utang? Mukha pa akong may utang kung ganito na ang–” “Hindi ka pa bayad kaya tumigil ka,” sabi niya sa akin kaya inirapan ko siya. “Marunong ka rin pa lang magmaldita,” sabi niya sa akin. “Bakit, sa tingin mo ikaw lang ang dapat na maging masungit? Wala na akong utang sa ‘yo kaya tigilan mo ako,” sabi ko sa kanya dahil inis na inis na ako sa kanya. “Kung ayaw mo akong bayaran ay sasabihin ko na lang sa daddy mo na sa akin ka nagtatrabaho,” sabi niya sa akin kaya mas lalo akong mainis sa kanya. “Binablackmail mo ba ako?” tanong ko sa kanya. “Hindi ako marunong sa ganyan. Negosyante ako kaya ang utang ay utang at magbabayad ka sa akin na may kasamang interes,” sabi niya sa akin at bigla na lang niya akong–
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม