C-19

1230 คำ
KELLY JOANNE “Kung ayaw mo akong bayaran ay sasabihin ko na lang sa daddy mo na sa akin ka nagtatrabaho,” sabi niya sa akin kaya mas lalo akong mainis sa kanya. “Binablackmail mo ba ako?” tanong ko sa kanya. “Hindi ako marunong sa ganyan. Negosyante ako kaya ang utang ay utang at magbabayad ka sa akin na may kasamang interes,” sabi niya sa akin at bigla na lang niya akong hinila palapit sa kanya. “Ano ba ang trip mo, tanda?” tanong ko sa kanya dahil anong utang ang pinagsasabi niya. “What did you say? Tanda?” tanong niya sa akin. “Oo, matanda ka naman na talaga at hindi ka na bata kaya tigilan mo ako,” sabi ko sa kanya. Ang seryoso na ng mukha niya kaya hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip ko. Gusto kong umalis pero ang higpit ng hawak niya sa akin. “Lumayo ka nga sa akin!” “At bakit ko naman gagawin?” “At bakit naman hindi?” tanong ko rin sa kanya. “Kailan ka pa natuto na maging maldita?” “Bakit good girl ba ako?” tanong ko sa kanya. “So, bad girl ka na?” tanong niya sa akin. “Ano sa tingin mo?” “Sa tingin ko ay–” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinalikan niya ako sa labi. Ako naman itong tinutulak siya. “Hindi ko talaga akalain na lalaki ka na ganito ka ganda,” sabi niya sa akin nang bitiwan niya ang labi ko. “Ano ba talaga ang ginagawa mo? Bakit ka ba ganito? Hindi na ikaw ang daddy ninong ko,” sabi ko sa kanya. “Ayaw kong maging daddy ninong mo,” sabi niya sa akin. “Bakit?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Nakatingin rin siya sa akin o mas tamang sabihin na nakatingin siya sa labi ko. Lumalapit ang mukha niya sa mukha pero lumalayo ako sa kanya hanggang sa may narinig kami na may tao sa labas kaya naman binitiwan na niya ako. At mabilis naman akong lumayo sa kanya. Humigpit ang kapit ko sa suot kong bathrobe dahil wala naman akong damit. Problema ko na tuloy kung paano ba ako lalabas dito lalo na wala akong damit. Mas lumapit ako sa glass wall at ang taas pala ng kinaroroonan naming dalawa. Sa tingin ko ay sa hotel kami. Hindi naman kasi ito ang condo niya. At mabuti na lang talaga at hindi doon dahil ayaw ko naman na magtago na naman kapag biglang dumating si Mavie. “What are you thinking?” tanong sa akin ni daddy ninong at bigla na lang niya akong niyakap. “Why are you hugging me?” “Masama ba na yakapin ka?” tanong pa niya sa akin. “Oo, dahil hindi mo dapat ito ginagawa,” sabi ko sa kanya. “Ano na ang dapat kong gawin?” tanong pa niya sa akin. “Kailangan ko ng damit. Kailangan ko ng umuwi dahil hinihintay na ako ng anak ko,” sabi ko sa kanya. “Okay,” sabi niya at hinalikan niya ako sa pisngi sabay abot sa akin ng paper bag. “Ano ‘to?” tanong ko sa kanya. “See it for yourself,” sagot niya sa akin at nang buksan ko ay damit ang nandito. Kumpleto dahil may mga underwear pa at bra. Na sukat na sukat sa akin kaya lumingon ako sa kanya. “Paano mo alam ang size ko?” tanong ko sa kanya. “Secret,” nakangisi na sagot niya sa akin. “Bastos!” “Kung bastos ako ay wala ka na sanang suot na kahit na ano ngayon,” sabi niya pa sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at nagbihis na ako dahil kailangan ko na talagang umuwi. After ko magbihis ay umalis na ako pero nagulat ako dahil nakasunod siya sa akin. Sasakay sana ako sa elevator pero hinila naman ako sa kung saan at nakita ko na papunta pala sa parking area. “Ihahatid na kita at ‘wag kang kokontra dahil sisingilin talaga kita ng utang mo,” sabi niya sa akin. “Dami mong alam. Utang? Wala naman akong utang sa ‘yo. Gawa-gawa mo lang ‘yan,” sabi ko sa kanya. “Hindi mo alam kung ano ang ginawa mo kagabi sa paglalasing mo,” sabi niya sa akin at bigla kong naalala ang pinunta namin doon. “Ano pala ang nangyari doon kagabi?” tanong ko sa kanya. “Wala, dahil umalis na tayo,” sagot niya sa akin at bigla akong nakaramdam ng guilty. “I’m sorry,” mahina na sabi ko. “Wala na tayong magagawa, tapos na. Next year ulit,” sabi niya sa akin. “Yearly lang ba ‘yon? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” tanong ko sa kanya. “Dahil hindi mo naman kailangan na malaman.” “Pero kasi–” “Matigas talaga ang ulo mo. Kahit sinabi ko sa ‘yo na ‘wag kang aalis sa tabi ko ay matigas talaga ang ulo mo at nakipag-usap ka pa sa lalaki,” sabi niya sa akin. “Sorry,” sabi ko na lang at nanahimik na ako. Inayos niya ang seatbelt ko at nagmaneho na siya. Ako naman ay nakatingin lang sa may labas ng bintana. “Gusto mo bang gumala ngayon?” tanong niya sa akin. “Bakit mo tinatanong ‘yan?” tanong ko sa kanya. “Wala lang, baka gusto mo lang na ilabas ang anak mo,” sagot niya sa akin. “Maabala ka lang namin,” sabi ko sa kanya. “Wala naman akong gagawin ngayon,” sabi niya sa akin. “Paano si Mavie?” “What’s with Mavie?” “Hindi naman maganda na lalabas tayo na hindi siya kasama. Ayaw ko ng magsinungaling sa kanya,” sabi ko sa kanya. “Yayain mo rin siya para kasama natin,” sagot niya sa akin. “Ha?” “Tawagan mo siya, itanong mo kung gusto niyang sumama. Para hindi ka nag-iisip ng kung ano-ano,” sabi niya sa akin. Sa totoo lang ay gusto ko. Gusto ko ang sinabi niya na lalabas kami dahil gusto ko na maipasyal ang anak ko. Kaya naman tinawagan ko si Mavie at itatanong ko sa kanya kung sasama ba siya sa amin. “Hello, Mav.” “Yes, beshy?” “Free ka ba today? Gusto mo ba na sumama sa amin?” tanong ko sa kanya. “Sorry, beshy. Super busy ko today, maraming school works,” sabi niya sa akin. “Ganoon ba, isasama ka sana namin kasi mamasyal kami,” sabi ko sa kanya. “Kayo na lang, bawi ako next time,” sabi niya sa akin. “Okay,” sabi ko sa kanya at nawala na ang tawag. “Busy siya kaya tayo na lang,” sabi niya sa akin. “Isama na lang natin si Ate Lin,” sabi ko sa kanya. “Okay,” sabi niya at nagmaneho na ulit. Nang makarating na kami sa bahay ay sinalubong ako ng anak ko. “Mommy!” sigaw niya sa akin. “I miss you, baby ko–” “Daddy! Daddy!” nagulat ako sa narinig ko mula sa kanya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม