C-20

1228 คำ
KELLY JOANNE “Mommy!” sigaw niya sa akin. “I miss you, baby ko–” “Daddy! Daddy!” nagulat ako sa narinig ko mula sa kanya. “Baby, he's not your daddy. He is your lolo,” sabi ko sa anak ko. “Baby, I’m not your lolo. You can call me daddy if you want,” sabi pa niya sa anak ko at talagang ayaw niya sa sinabi ko. “Pero hindi na–” “Doon ka na nga lang, masyado mo naman akong ginagawang matanda. Bakit hindi mo na lang kasi siya hayaan sa gusto niyang itawag sa akin,” sabi pa niya sa akin at lihim akong napangiti dahil magkasalubong na naman ang mga kilay niya. “Sir, nandito ka pala.” “Day-off mo ngayon diba?” tanong niya kay Ate Lin. “I’m sorry po, ate kung ngayon lang ako nakauwi,” sabi ko kay ate at sa kaniya na ang atensyon ko. “Naku, okay lang.” “Umalis ka na at bukas ka na lang bumalik. Kaya na ni Kelly ang anak niya,” sabi pa ni ninong. “Okay lang naman, Sir.” “Sige na po, ate. Okay lang po kami ni baby. May pupuntahan rin kami mamaya,” sabi ko sa kanya. “Sure ka ba, Kelly? Tanong naman sa akin ni ate. “Opo, ate. Kaya po mag-off ka na ngayon at mag-enjoy,” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Sige, maaga na lang ako babalik bukas,” sabi niya sa akin at ngumiti naman ako. Kahit pa gusto ko bigyan si ate ng extra na pera ay ayaw naman niyang tanggapin. Nang makaalis na siya ay bumalik ako sa dalawa na mukhang magkasundo na. Nakikipaglaro si daddy ninong sa anak ko. At naalala ko na naman na ayaw niyang maging lolo ng apo ko. Talagang tinama niya ako na dapat ay daddy at hindi lolo. “Saan ang damit niya?” tanong niya sa akin. “Bakit?” “Ako na ang magbibihis sa kanya. At ikaw naman ay magbihis na rin para makaalis na tayo,” sabi niya sa akin. “Ako na lang po ang magbibihis sa anak ko,” sagot ko sa kaniya. “Ako na,” sabi niya sa akin at bigla na lang siyang tumayo at nauna pa siyang pumasok sa loob ng room ko. “Ang kulit mo rin talaga–” “Ang tigas rin ng ulo mo,” sabi niya sa akin kaya inirapan ko siya. “Saan ba nakalagay ang gamit niya,” sabi niya sa akin. “Gusto mo talagang gampanan ang pagiging lolo mo,” pabiro na sabi ko. “Lolo? Talagang ginagawa mo akong matanda?” halatang naiinis na siya. “Hindi naman sa gano’n, daddy ninong. You’re my ninong kaya apo mo na talaga ang anak ko. Sa gusto o ayaw mo ay apo mo siya at wala kang magagawa,” sabi ko sa kaniya. “Masyado talagang matanda ang tingin mo sa akin kaya ka ganyan,” sabi niya at bigla na lang niya akong hinila palapit sa kaniya. “Nagbibiro lang ako pero kasi naman, daddy ninong. Apo mo naman talaga–” Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Lagi na lang niya akong hinahalikan at lagi na lang niya ako ginugulat kaya hindi ko na talaga alam ang dapat kong gawin. Hindi ito simpleng halik lang dahil ramdam ko ang gigil niya kahit pa hindi ako tumutugon sa halik niya. “M–Mali ito,” sabi ko sa kaniya ng bitiwan niya ang labi ko. “Walang mali dito,” sabi niya sa akin at muli na naman niya akong hinalikan. “Kiss me back, Kelly,” utos niya sa akin. “D–Daddy ninong,” sambit ko at muli na naman niya akong hinalikan. Pilit kong nilalabanan dahil alam ko na mali ito. Alam ko na hindi dapat namin ito ginagawa. Dahil mali ito, mali na hinahayaan ko siya pero hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit ba nagugustuhan ko rin ang halik niya sa akin. Akmang tutugon na ako pero bigla na lang may “Mommy! Daddy!” sambit ng anak ko kaya mabilis kong tinulak si daddy ninong. “Are you ready to go, baby?” nakangiti na sabi niya sa anak ko na para bang wala lang sa kanya na daddy ang tawag sa kanya. “Where are we going, daddy?” cute na tanong ng anak ko. “Where do you want to go?” “I want to go to the zoo,” sagot niya. “Okay, let’s go there but first magbihis ka muna para naman mabango at gwapo ka,” nakangiti na sabi niya sa anak ko. Hindi ko alam pero parang may humaplos sa puso ko sa nakikita ko. Nakikita ko ang saya sa mukha ng anak ko kaya bigla rin akong nalungkot. Dahil gustuhin ko man na hindi maging ganito ang sitwasyon namin ay wala naman akong magagawa. Alam ko na kahit three years old siya ay naghahanap na rin siya ng daddy. Naalala ko nga na tinanong niya ako one time kung saan ang daddy niya at wala akong naging sagot dahil wala rin naman akong alam. “Ayan, ang gwapo mo na,” sabi ni daddy ninong sa anak ko. “You’re handsome too, daddy.” “Mana ka sa akin eh,” sabi pa niya at nakangiti siya. “Opo, daddy. We’re both handsome po. Diba po, mommy?” bigla niya akong tinanong. “Opo,” sagot ko sa kanya at nakangiti ako. Binuhat siya ni daddy ninong at lumapit sila sa akin. Ang bilis niyang gumalaw dahil nabihisan na niya ang anak ko. “Hintayin ka namin sa labas. Huwag kang magsusuot ng sexy,” pabulong na sabi niya bago siya tuluyang lumabas. “Naguguluhan na ako sa ‘yo, daddy ninong,” saad ko sa sarili ko dahil hindi ko siya maintindihan. Kahit pa naguguluhan ako ay pinili ko pa rin na magbihis na dahil ayaw ko naman na malungkot ang anak ko. Lahat ay gagawin ko para sa kanya para maging masaya siya. Mamaya ko na lang siya kakausapin. Susubukan kong ipa-intindi sa kanya kung sino ba si daddy ninong sa buhay namin. Ayaw ko na umasa siya, ayaw ko na masaktan siya dahil pansamantala lang naman ito. “Mommy, let’s go na po!” sigaw sa akin ng anak ko kaya napangiti ako dahil halatang excited na siyang umalis. Lumabas na ako at nakita ko na karga pa rin siya ni daddy ninong. Nagmumukha tuloy siyang daddy ng anak ko. At tama ang anak ko, pareho nga talaga silang gwapo na dalawa. Kaya para lang silang mag-ama. Ang mag-ama na hindi ko maibigay sa anak ko. Kaya hahayaan ko muna na maging masaya ang anak ko ngayon, kahit na ngayon lang. “Mommy, tatayo ka na lang po ba d’yan?” nakangiti na tanong sa akin ng anak ko kaya napangiti ako dahil parang naging madaldal siya ngayon. “Sorry po, aalis na po tayo,” sabi ko sa kanya. “Tara na, baby,” sabi ni daddy ninong at bigla na lang hinawakan ang kamay ko. Kaya ako itong pina-pakiramdaman ang sarili ko dahil bigla na lang bumilis ang t*bok ng puso ko.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม