Chapter 3

1513 คำ
Chapter 3 "MANONG! PARA! Pasakayin niyo naman ang gatas na Nido na ito. Sayang ang poging gatas na tulad ko kung hindi niyo ako hihintuan!" Halos gusto kong matawa dahil sa sinabi niya. Malakas talaga ang tama ng isang 'to. Baka hindi pa ito nakakainom ng maintenance na gatas na kapangalan niya kung kaya't naging ganito siya ngayon. Seryosong-seryoso pa ang mukha nito sa pagpapara ng tricycle. Ngunit kahit ni isa hindi siya hinihintuan. Kanina pa kami rito nakatayo at nagbabantay pero mukhang minamalas nga talaga dahil halos magkakalahating oras na kami rito, wala manlang nagpasakay sa amin. "Miss beautiful, chill ka lang diyan. Huwag kang mag-alala. Maihahatid rin kita, lintik lang talaga ang mga driver na ito." Alam kong nagbibiro lang siya pero hindi ko magawang matawa. Dahil sa itsura na nitong inis na inis na. Biro nga pero malaman. "Ako na lang ang papara. Baka wala lang sa'yong pumapansin, dahil diyan sa sinasabi mo. Nagyayabang ka pa kasi sa kagwapuhan mo." Tumingin ito sa akin saka nag-pogi pose na siyang ikinaasim rin ng mukha ko. "Gwapo naman na talaga ako. As if you seeing me more than that." Ngumisi na naman ito ng nakakaloko. "Ewan ko sa'yo, hindi ka gwapo. Tabi nga diyan at ako ang tatawag ng tricycle," pag-iwas ko sa kalokohan na naman nito. "No! Just stay there, miss beautiful. Ako na ang bahala rito." Hinarang pa ako nito para hindi makapunta sa bandang kalsada. Napahinga ako ng malalim saka inirapan siya. Bumalik na lamang ako sa aking kinatatayuan at pinagmasdan siyang muli sa pagpara ng mga tricycle. Palihim akong napatawa dahil sa aking nasisilayan. Frustrated na frustrated na siya pero trying hard pa rin siya sa pagtawag. Hinding-hindi agad sumusuko. Ito nga ba ang tunay na Nido Monteneille. Sana nga. Pagakalipas ng limang minuto lumapit ito sa akin. "Miss beautiful, dito ka lang muna. May gagawin lang ako saglit. Sisiguraduhin ko sayong pagbalik ko rito. Maihahatid na kita sa inyo. Bakit ba kasi hindi ko nadala ang kotse ko, lintik na 'yan!" "Anong gagawin mo?" Taka kong tanong sa kaniya. Ngumisi siya sa akin sabay kindat. "Just wait here, miss beautiful and wait for my comeback." Iiling-iling na lamang akong pinagmasdan siya patalikod sa akin. Ano na namang binabalak ng Nido na iyon? Huwag naman sana niya akong iwan rito. Aaminin ko gusto kong ihatid niya ako, hindi dahil sa gusto ko. Kundi dahil sa natatakot akong mag-isang umuwi lalo na't gabi na talaga. Patay na naman ako sa tiya Rosing ko nito. Paniguradong ako ang iluluto niyon ng wala sa oras dahil sa gutom. Bakit ba kasi walang humihintong tricycle? Nanadya lang? Ayaw ba kaming pasakayin ni Nido? Akma na sana akong papunta sa kalasada para pumara ng tricycle nang mapahinto ako dahil sa tricycle na papunta sa aking direction. Rinig na rinig ko pa ang malakas na ugong nito. Mukhang pinaglumaan na ang makina pero mukhang matibay pa naman ito kung gagamitin. Napalinga ako sa paligid. Paano na iyan? Kung saan ba naman may tricycle na, doon naman wala ang Nido na iyon. At bakit wala parin kasi iyon? Saan pumunta ang lalaking 'yon? "Manong! Sandali lang po. Hinihintay ko pa po kasi ang kasama ko. Andito na rin po iyon mamaya-maya." Muling pinaandar ni Manong ang tricycle nito. Wow ah! Hindi manlang maghihintay? "Eh kung sumakay ka na, Miss beautiful. Para maihatid na kita?" Sagot ng mamang driver. "N-nido?" Takang-taka kong tanong habang papunta sa kinaroroonan nito. Nanlalaki ang aking mga mata nang makita ko siyang naka-upo sa motor at siya ang nagsisilbing driver ng tricycle. Paanong... "P-paano ka-" "Sit in, miss beautiful. I will explain it you later. Sumakay ka na bago tayo maabutan ng may-ari ng tricycle na'to." Mas lalong nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi nito. Aba't! Paanong! Wala na akong nagawa pa nang kunin na niya ang mga plastic bag at ilagay iyon sa likuran ng tricycle. Sumakay na ako sa unahan. Siya nama'y minaneho na ang tricycle na kinuha niyang walang paalam sa kung saan. Jusko! Makakasuhan pa kami nito ng tricycle napping eh! Ngayon pinagsisihan ko na ang pagpayag na ihatid ako ng lalaking 'to. "Huwag kang mag-alala, miss beautiful. Wala namang nakapansin sa akin," natatawa nitong turan sa kalagitnaan ng pagmamaneho. Hindi ko alam pero bigla na lamang nawala ang kaba ko sa nangyari at inis ko para sa kaniya nang masilayan ko siya. s**t! Bakit ang hot niya yata habang nagmamaneho ng tricycle? Sweet lover rin ba siya? Bakit kung siya magdala ng tricycle hindi makikitaan ng pagkahiya? Kabaliktaran pa, parang gustuhin mo na yatang araw-araw na sumakay ng tricycle kung siya lang naman ang tagamaneho. Kung kasing gwapo lang yata ni Nido ang mga driver ng tricycle, paniguradong mawawalan ng mga pasahero ang mga taxi at MRT. "Ano? Na inlove ka na sa akin niyan?" Bigla naman akong napa iwas rito ng tingin nang bigla itong magsalita. s**t! Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Bakit kasi ang hot niya habang nagmamaneho? Mukhang gusto ko na tuloy bumagal ang oras para matitigan ko pa siya. Oh no! Anong nangyayari na sa akin?! "K-kapal mo," usal ko. Pero tinawanan lang niya. s**t! Pati ang halakhak niya ang hot at ang swabe. "Sigurado ka bang hindi tayo matatagpuan ng pinagnakawan mo ng tricycle na ito? Paano kung makulong tayo? Ano ba naman kasi ang pumasok diyan sa utak mo at naisipan mong mag tricycle napping?" Papagalitan at bubogbugin pa ako ng Tiya Rosing ko dahil sa hindi ko na sila napagluto ng hapunan. Makukulong pa ako! Aba't ang Nido yatang 'to ang malas! "Chillax," maikli nitong sambit saka sinabayan ng halakhak. Sinamaan ko ito ng tingin. Pero hindi ko magawa dahil sa epekto ng pagka-gwapo niya sa akin. Ang unfair! "Chillax mo mukha mo! Hindi mo ba naiisip na kapag makulong tayo masisira na ang-" Bigla nitong hininaan ang pagpapatakbo ng tricycle saka tumingin siya sa akin ng saglit. "Miss beautiful, huwag kang mag-alala. Ibabalik ko rin naman 'tong tricycle na'to sa pinagkunan ko. Kaya hindi tayo makukulong. Sabihin na nating hiniram ko ng walang paalam 'tong tricycle para sa emergency. Pero ibabalik ko naman pagkatapos." "Bahala ka na nga. Problema mo na 'yon," suko ko nang sabi. "Thank you lang, Miss beautiful. Sapat na." "IHINTO MO lang dito," bigla kong utos kay Nido nang masilayan ko na ang hindi kalakihang bahay namin. Itinigil naman niya ang tricycle. Bumaba siya sa motor at umikot sa likuran ng tricycle para kunin ang mga plastic bag roon. Tinulungan ko na rin siya sa pagbuhat. Ipinatong niya ang dalawang plastic bag sa harap ng gate. Pagkatapos ko namang ilagay ang dala ko'y bumaling ako sa kaniya't humarap. "Salamat sa paghatid." Nginitian ko siya. Ngiting totoo. Mukha naman itong gulat na gulat dahil sa aking pagngiti sa kaniya ng biglaan. "Ibig sabihin na ba niyan. Magkaibigan na tayong dalawa, miss beautiful?" Kumibit balikat ako. "Ano sa tingin mo?" Tumawa na naman siya na nagdala na naman ng kakaibang emosyon sa akin. "I think, its a yes then." "Haona Gabriel," pagpapakilala ko sa kaniya sabay lahad ng aking palad sa kaniyang harapan. Ngumiti siya ng pagkalapad-lapad. "Now, finally, I know your name. Miss beautiful, Haona Gabriel." Tinanggap nito ang aking palad na nakalahad sa kaniya. Ilang segundo lang na dumampi ang mga palad namin sa isa't isa pero parang may mga botahe-boltaheng kuryente ang bumalot sa aking buong katawan. Ganoon na lamang kalakas ang pintig ng aking puso dahil sa nangyaring iyon. Naramdaman rin ba niya iyon? "By the way, miss beautiful. Nido-" "I already know your name. And for your information, I am not interested to you. Nakilala lang kita kasi madalas magkwento ang kaibigan kong si Georgia tungkol sa inyong magkakapatid." Binawi ko na ang aking kamay mula sa kaniya. "By the way, thanks again for helping me. At sa paghatid na rin sa akin." "Very well, then. I think I need to go, and say good bye to you, Miss beautiful. Until next time," paalam nito sabay ngiti sa akin at kindat. Ipinasok nito ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng kaniyang suot na kupas na maong. Ang hot niya talaga. Umiwas ako rito ng tingin. "Stop calling me, miss beautiful. Hindi bagay sa akin, hindi naman ako maganda." Tinitigan ako nitong puno ng intensidad. "No matter how you look, miss beautiful. You're still beautiful in my eyes. So, whether you will like it or you will like it. I will still keep calling you miss beautiful, Haona Gabriel." Humakbang na ito patalikod sa akin. Hindi na ako nakapagsalita pa at natameme na lamang habang sinusundan ang likuran nito. Hanggang sa maka-alis na si Nido hindi pa rin ako makapaniwala sa aking narinig. Mga mabulaklakin talagang mga salita. Pumasok na ako ng bahay at alam ko na ang mangyayari ngayong gabi sa akin. Hindi pa ako nakaka-apak sa sahig ng sala nang dumagundong na ang boses ni Tiya Rosing sa kabuuan ng bahay. "Saan ka galing, Ona?! Bakit ngayon ka lang?! Kanina pa kami nagugutom rito! Baka gusto mo na hindi makakain ngayong gabi?" Bigti na talaga this! ...
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม