Chapter 4
NAPAHINGA AKO ng malalim nang makita ko ang aking itsura sa salamin. Napaigting ang aking panga nang suyurin ko ang kabuuan ng aking mukha. What the heck! Hindi ko na kaya pa ang pagmamaltrato nila sa akin! Hindi na yata ito tama!
Hindi na nga nila ako pinakain ng hapunan kagabi saka pinatuloy ng bahay. Binugbog pa nila ako! Walang katarungan! Halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa mga natamo kong pasa mula kina Tiya Rosing at Tiyo Mario kagabi. Dagdagan pa ng dalawa nilang anak na kung makasabunot sa aking buhok parang kakalbuhin na nila ako.
Namamaga ang kaliwa kong mata at halos hindi ko ito mamulat ng maigi. Idagdag pa ang nangingitim kong kaliwang pisngi dahil sa sampal kagabi ni Tiya Rosing. Pati na rin ang gilid ng aking labi ay nagkasugat at nangingitim.
Kumuyom ang aking kamay saka nagngingitngit na pinakatitigan pa ng mas maigi ang aking mukha. Ano na naman ang sasabihin ng mga kaklase ko nito sa akin mamaya? Lalo na si Georgia. Paniguradong mag-aalala na naman iyon sa akin.
Napatingin ako sa aking itim na hoodie jacket. No choice. Kailangan ko iyong suotin para kahit papaano matabunan ko itong itsura ko at mga pasa sa katawan. Balang araw makaka-alis rin ako sa impyernong bahay na 'to.
Dali-dali akong bumaba ng aking silid para maiwasang hindi ko makasalubong sina Tiya Rosing. Palihim lang ang aking pagpasok sa silid ko kanina. Alam ko kasing sa mga oras na 'yon tulog pa ang mga ito. Sana ngayon, tulog pa rin sila para walang makapansin sa akin na nakapasok na ako sa kanilang bahay.
Maingat kong isinara ang main door at patakbong tinungo ang lumang gate. Ngayon, lalakarin ko na lamang ang papuntang Nestle University.
Oh God! Please, ikaw na bahala sa akin. Nakalabas ako ng gate na walang pumigil o sumenta manlang sa akin.
Peep!
"Ay punyetang butiki!" Napapitlag ako't napasigaw nang may bigla na lamang bumusenang motor bike sa aking likuran. Inis ko itong nilingon. Buti na lamang at nakasalamin ako at naka hoodie jacket kung hindi malamang na makikita nito kung ano ang itsura ko ngayon.
Napatameme ako dahil sa aking nasilayan. What the heck?! Siya ba iyan?! Bakit ang hot niya? Bakit nakaka-hipnotismo ang kaanyuan niya kahit wala pa siyang ginagawa? Ang mga ngiti niyang parang dinadala ka sa langit at parang lumulutang ka sa ere na puno ng Nido na gatas.
Hindi ko namalayan na napatulala na lamang ako habang nakatitig sa kaniya ng mataman. Bagsak ang aking mga panga habang nakatitig sa kaniya. Napaka-gwapo niya, tama nga si Georgia. Malaking gatas ang nakilala at nakausap ko. Gwapo pa. Ang ngiti niyang nakakahawa. Napahawak ako bigla sa aking bandang dibdib nang maramdaman kong pabilis nang pabilis ang t***k no'n habang unti-unti ring bumababa sa motor bike si Nido.
Naka school uniform siya na siyang dahilan upang mas maging cool pa siya tingnan. Napakagwapo niya sa aking paningin! s**t! Bigla itong tumigil sa aking harapan. "Good morning, miss beautiful."
Bigla akong natauhan dahil sa napaka swabe niyang boses. Agaran akong tumalikod at hindi siya pinansin. s**t! Anong nagyayari sa 'yo, Haona?! Bakit ka biglang natulala?!
"Miss beautiful! Sumabay ka na sa akin. Pareho naman tayo ng pupuntahan!"
Tumigil ako sa aking paglalakad saka ko siya inis na binalikan. Buti hindi niya nakikita ang panlilisik ng aking mga mata habang nakatitig sa kaniya. Dinuro ko siya saka tiim bagang akong nagsalita.
"Hindi ako papasok! Kaya huwag mong sirain ang araw kong sira na! Huwag mo akong susundan!"
Nagmartsa ulit akong lumakad papalayo sa kaniya. Hindi ko na narinig pa itong tinawag ako. Sa halip narinig ko ang pag-andar ng motor bike nito sa aking likuran. Hindi ko na lamang iyon pinansin at tuloy-tuloy na lamang sa aking paglalakad.
"You don't need to be cold with me, Haona. Nagsalo na tayo sa isang mainit na halik. Ang halik na nakakaakit at nakakapang-init. Nagdampi na ang ating mga labi. So don't act that we are stranger, because in the first place, we kiss. Laway sa laway. Labi sa labi. Dila sa dila," seryoso nitong litanya habang nakasunod pala sa aking likuran sakay ng kaniyang motor bike.
Bastos siya! Bigla akong nanghina dahil sa kaniyang sinabi.
Shit! Ngayon ko lang na realize na nakakahiya pala ang halik na 'yon! Ramdam ko ang pagtakas ng aking mga dugo sa aking pisngi at doon iyon lahat tumigil. Nag-b-blush ba ako?!
"P-pwede ba?! Hindi ako ang humalik sa 'yo. Ikaw! At excuse me, hindi kita hinalikan pabalik!"
Ngumisi ito saka itinigil ang motor bike. Bumaba ito ng motor at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa aking magkabilang braso kung saan namamaga rin dahil sa tinamo kong bugbog kagabi. Parang pakiramdam ko matatae ako dahil sa sakit.
Saktong-sakto pa kung saan ang pasa ko siya nakahawak. Ngunit hindi ako sa kaniya nagpahalata. Sinalubong ko ang kaniyang mga titig.
"I will kiss you right now, miss beautiful. Don't kiss me back, because once you kiss me back. You will be mine. You will be the baddest bidder's wife."
Bahagya ko siyang tinulak dahilan upang mabitawan niya rin ang magkabila kong balikat. Napahinga ako ng mabuti dahil roon. s**t! Ang sakit na ng pasa ko sa balikat. Idagdag pa ang buo kong katawan na nabugbog.
Wala itong pasabing tinawid niya ang pagitan naming dalawa at pwersahan akong hinalikan sa aking mga labi. s**t! Ang pasa ko sa labi! Masakit!
"Hmm..." Napaungol ako dahil sa sakit. s**t! Hindi ba niya naramdamang may pasa ako?! Pilit ko siyang tinutulak pero mas diniinan pa niya ang panghahalik sa akin.
"You driven me crazy, miss beutiful." Sabi nito habang magkadikit pa ang mga labi namin.
Wala na akong magawa pa kundi ang magpadala na lamang sa nakakalunod niyang halik. Lasang Nido. Napakasarap. Naging banayad. Naging mas mainit. Naging mas masarap ang halik niyang iginawad sa akin.
"N-nido..." Masakit na ang labi ko!
Ikinawit ko ang aking dalawang braso sa kaniyang batok saka ko rin siya banayad na hinalikan pabalik. Ramdam ko ang pag-ngisi ng kaniyang mga labi dahil sa aking ginawa. Mas diniin pa niya ang kaniyang mga labi na siyang dahilan upang ako'y mapamura sa sarap. Lalo na't lasang Nido pa ang kaniyang mga labi. Nilasap at dinama niya ang kabuuan ng aking mga labi. Nakakabaliw ang kaniuang halik at nakakawala ng huwisyo.
"You're so sweet, miss beautiful. Your lips are so sweet." Bulong nito sa pagitan ng aming halik.
Iminulat ko na ang aking mga mata dahil sa may kakaiba akong nalasahan. s**t! Naitulak ko siya bigla. Mukhang nalasahan niya rin iyon kaya't nanlalaki ang kaniyang mga matang tumingin sa akin.
"What the hell!" Sigaw nito nang makita niya ang aking labi na dumudugo.
Sinipat niya iyon at maging ang aking buong mukha. Wala na rin akong nagawa nang bigla niyang kunin ang itim na sunglass kong suot-suot kanina pa.
Nanlaki pa ang kaniyang mga mata nang makita na niya ang kabuuan ng aking mukha. Maging ang aking kaliwang mata na hindi ko mamulat ng tama.
Kita ko kung paano umigting ang panga niya at magdilim ang paningin. Parang sa mga oras na iyon, pakiramdam ko. Makakapatay ng isang halimaw si Nido Monteneille dahil sa akin.
...