Chapter 5
"AHH...dahan lang..."
"Huwag ka kasing malikot.."
"Hindi naman ako gumagalaw ah? Baka ikaw?"
"Tss..just don't move okay?"
Umirap ako sa kaniya saka ko tinampal ang kaniyang kamay na may hawak na cotton habang dinadampi iyon sa aking labi na may pasa.
Sinamaan ako nito ng tingin. I don't need his care, we're stranger by the way. But what I am here? Letting him to cure my bruises?
"Next time, don't let them to hurt you. Be brave, Haona. Hindi ka isang punching bag para lang pagsusuntukin. Tao ka rin, may kahinaan at sana huwag mo hayaan iyong lamunin nila. You are a human, you felt pain. Hindi ka robot, na hindi nakakaramdam."
It was like hitting my ego dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang i-re-react ko sa sinabi niya. Ang alam ko lang sa mga oras na iyon nakatitig na lamang ako sa kawalan habang hinahayaan siyang gamutin ang mga pasa ko.
"Why they doing this? Wala ka naman sigurong ginagawang masama para gawin nila sa 'yo 'to?"
Huminga ako ng malalim saka napahalukipkip. Hindi ko malaman kung saan ako mag-sisimulang mag-kwento sa kaniya. Should I trust him about my secret in my life? Eh kabago-bago ko lang siyang kilala. We are still stranger, kahit na alam na namin ang pangalan sa isa't isa. Hindi pa rin pwedeng sabihin sa kaniya ang hindi magandang kwento ng buhay ko.
"I don't wanna to share it," malamig kong sambit habang nakatitig pa rin sa kawalan.
He let a deep sigh. Iyong parang big deal na sa kaniya ang hindi ko pag-sabi ng katotohanan sa kaniya. I don't trust him yet. I want to know him more. Bago ko ipagkatiwala sa kaniya ang lahat nang tungkol sa akin.
Idinampi nito ang cotton buds sa aking braso na may pasa. "I guess you don't trust me. Its okay, I get it," malamig niya ring tugon habang maingat na ginagamot ang aking mga pasa.
Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang siya kabait sa akin. Kung bakit ganito sa akin ang isang Nido Monteneille. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang i-re-react ko. Kung ano ba dapat ang magiging response ko pagdating sa kaniya.
I don't know him. We don't know each other yet, but here I am. Sitting on his sofa while he is treated my bruises. I look at him confusedly. My forehead creased. He is so serious on what he was doing. Parang isa akong babasaging bagay na iniingatan niyang mahulog at masaktan.
Hindi ko alam pero ganoon na lamang ang paglunok ko ng sariling laway when I have hit something inside my chest. Oh hell!
Should I started to like him? Or maybe, I just admire him because of his kindness?
"Ouch!" Napadaing ako nang madiinan niya ang paglagay ng gamot sa aking pasa. Sinamaan ko siya ng tingin.
He chuckled. "What? Sorry. Just stop staring at me."
Lumayo ako sa kaniya at nahiya akong salubungin ang kaniyang tingin. "K-kapal mo ah!"
"What? Totoo naman ah? Kanina mo pa ako tinititigan."
"B-bago lang kaya! Anong kanina ka pa diyan!"
Tumawa ito ng nakakaasar. s**t! Bakit ang ganda no'n sa pandinig? Bakit parang nadadala ako sa tawa niya. Hindi ko naiwasang mapangiti na lamang habang nakatitig ulit sa kaniya.
Maya-maya napatigil siya sa pagtawa at sinalubong ang aking mga matang nakatitig sa kaniya. Bigla siyang naging seryoso at tinitigan ako ng maiigi. Bumilis ang pintig ng aking puso. Kakaibang titig iyon na hindi ko mapangalanan.
"You know...you made me crazy in this past few days, Miss beautiful."
Umiwas ako sa kaniya ng tingin. Umusad ako sa sofang aking kinauupuan nang tumayo siya't lumapit sa akin. Halos pumuno na sa aking tainga ang lakas ng t***k ng aking dibdib dahil sa kaba. Knowing Nido Monteneille.
"A-ah, eh. Kailangan ko pa palang pumasok, malapit na ang klase ko. Sige, salamat ulit sa pag---"
"Sinong may sabi sa'yong pwede kang umalis sa condo ko?"
Nanlalaki ang aking mga mata habang naginginig ang aking mga labi. Hindi ko maapuhap kung anong salita ang aking sasabihin. What the hell? Anong ibig niyang sabihin?
"Ano? Aalis ako kung gusto ko. At wala ka doong magagawa," taka kong sambit habang tinititigan siya ng nakakasar.
Kinuha ko ang aking itim na jacket na nakapatong sa may sofa at agad ko iyong isinuot. Dinampot ko na rin ang aking bag at isinukbit iyon sa aking balikat. Akma na sana akong tutungo sa pinto nang mapatigil ako sa sinabi niya.
"Hindi ka makakalabas ng condo ko, unless you know the passcode," natatawa niyang sambit habang unti-unting lumapit sa akin.
Agad akong napalayo sa kaniya nang maramdaman ko ang kaniyang presensya sa aking likod. Nilingon ko siya't sinamaan ng tingin.
"Open the door, Nido Monteneille. Or else--"
"Or else what? I kiss you right here, and right now?"
Halos malaglag ang aking panga dahil sa sinabi niya. Para akong nilukob ng apoy sa aking buong katawan. Para akong isang bulaklak na parang nasabuyan ng isang mapait na katas kung kaya't nagtikop at biglang nahiya.
He is so careless on his words. He always make me affected. Ganoon ba talaga ang isang Nido Monteneille?
"You are now in Nestle Village, Miss beautiful. And you don't have to do with it but to stay here, until I let you go."
I bite my lower lip and stare at the door. Nagbabakasakaling mag-himala at bumukas iyon ng kusa. Ngunit walang nangyari kundi nanatili iyong nakasara. Pilit inaalala ng isipan ko kung anong mga numero ang ginamit kanina ni Nido para mabuksan ang condong ito. Pero ganoon na lamang ang pagkabigo ko nang maalala kong hindi pala ako nakatingin roon kanina.
Bakit kasi hindi ko tiningnan kanina? So stupid, Haona Gabriel. Nanghihina akong bumalik sa sofa at naupo. Kita ko kung paano mapalitan ng napakalaking ngisi ang seryosong mukha kanina ni Nido.
"What?! Happy?!" Asar ko ritong tanong.
Mas lalo pang lumawak ang ngisi niya. "Yes, I am happy always when I am with you, Miss beautiful."
"MISS beautiful," tawag pansin sa akin ni Nido nang makita niya akong nakatitig sa kawalan. Tumaas ang aking kilay saka siya pairap na tiningnan.
Natawa ito na siyang parang musika ulit sa aking pandinig. Hindi ba siya nasasawa na palagi akong asarin. Kanina pa siya ah? Kung hindi lang talaga ako sa teritoryo niyang Nestle Village kanina ko pa siya nabugbog at napatay. Pero dahil mabait pa ako at sadyang ang gwapo ng lahi niya hindi ko iyon gagawin. Saka nalang kapag magkaroon ng oras.
Inilapag niya sa aking harapan ang luto niyang carbonara. Tumaas ang kilay ko nang tingnan iyon.
"Ano 'yan?"
Ngumisi siya. "Isn't it obvious? Its carbonara, miss beautiful."
"Alam ko ang tawag sa pagkaing iyan. Ang ibig kong sabihin..bakit mo dito nilagay sa harapan ko?"
Umupo siya sa aking gilid saka pinaglaruan ang carbonara sa aking harapan at sinubo niya iyon.
"Pinapakain ko sa 'yo. Hindi pa kasi luto ang kanin kaya iyan na muna. Alam ko kasing kanina ka pa gutom. Kumain ka na, bago pa iba ang makain mo este baka mamaya pumayat ka pa lalo."
Iningusan ko ito at wala na akong hiya pang kinuha iyon at nilantakan. Narinig kong tawang tawa si Nido habang pinagmamasdan akong kumain. Wala akong pakialam. Eh, sa kagabi pa akong walang kinain. Ngayon lang sa oras na'to ako makakain ng maayos, tatanggihan ko pa ba?
"Why they doing it to you, miss beautiful? Wala ka naman sigurong ginagawang masama sa kanila?"
Napatigil ako sa pagkain at napatitig sa kaniya. Nilunok ko muna ang aking kinain bago ko siya pinansin.
"Wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Sila pa nga itong masama sa akin."
"Then, why they do that? Bakit ka nila ginaganyan? Pamangkin ka nila.."
Itinaas ko ang tinidor na aking hawak saka inis iyong pinagtutusok sa carbonara. Nakita ko kung paano nalunok ni Nido ang sarili niyang laway na wala sa oras.
"Sabi ko nga, hindi na ako magtatanong.."
Nginisihan ko siya ng pagkalaki-laki saka ako nagpatuloy na muli sa aking pagkain.
"But, always think that I am here always for you, miss beautiful. Just say my name and I'll be there."
At sa mga oras na iyon. Alam kong panghahawakan at tutuparin ng isang gatas na Nido ang kaniyang sinabi sa akin. When I say his name, he is there. The baddest bidder. Not just only his kiss, but also his care.
Ang nag-iisang Nido Monteneille para sa akin.
...