Chapter 16 ILANG ARAW ANG lumipas bago mangyari ang pag-uusap namin na iyon ni Nido. Halos hanggang ngayon lutang pa rin ako at hindi makapaniwala sa nangyari. Everything happen unexpectedly. Hindi ko alam kung nanaginip pa rin ba ako or nasa mundo pa ba ako? O nasa ibang planeta na ako at nanaginip? Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na iyon ang matatanggap kong sagot mula kay Nido. Akala ko wala siyang nararamdaman para sa akin. Akala ko ako lamang ang nagmamahal sa kaniya iyon pala, mahal niya rin ako. Napatili ako habang nakapatong ang unan sa aking mukha. Ayaw kong marinig ni Nido ang sigaw ko. At baka ano na naman ang isipin no’n. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. Simula noong araw na halikan niya ako at pabaliwin sa ka-sweet-an niya. Inalis ko ang unan sa aki

