Chapter 13 HALOS LUMUKSO ang puso ko sa sahig nang isayaw na ako ni Nido sa dance hall. Pumailanlang ang Fall For You by Secondhand Serenade. Pinagpawisan ako ng malagkit nang hawakan niya ako sa aking tagiliran at ang aking kanang kamay. Lalo pa’t titig na titig siya sa akin habang inaalalayan niya ako. The best thing 'bout tonight's that we're not fighting Could it be that we have been this way before? I know you don't think that I am trying I know you're wearing thin down to the core Sumunod ang aking katawan sa saliw ng musika. Ganoon rin si Nido. Hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa akin. Ramdam na ramdam ko iyon na tumatagos sa aking pagkatao. Ilang beses akong napalunok ng laway dahil doon. “H-haona…” Umiwas ako sa kaniya ng tingin nang tawagin niya ang aking pangalan.

