Chapter 8 HILA-HILA ako ni Nido papunta sa kaniyang kotse. Hinila ko ang aking kamay para mabitawan niya ako. Nilingon niya ako na may puno ng pagtataka sa kaniyang mga mata. Tinitigan ko siya ng mariin, sinalubong niya rin ako ng tingin. “Tingnan ko ang likod mo. B-baka nagkapasa ka,” piyok na usal ko habang iniiwas ko na ang mga mata sa kaniya. Habang inaangat ko ang laylayan ng t-shirt niya sa kaniyang likod hindi ko mapigilan ang mapahikbi. Hindi dahil sa nangyari kanina, kundi dahil sa isiping nasaktan siya dahil sa akin. Para lang hindi ako ang matamaan ng bakal na iyon. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko at napatigagal ang aking mga labi, nang makita ko kung gaano kalaki at kalalim ang pasang naroroon sa kaniyang likuran. Nanginginig ang aking mga kamay habang unti

