Chapter 9 I AM ALMOST HOME. Iyon agad ang aking naramdaman nang makarating na kaming dalawa ni Nido sa condo unit niya. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako sa lalaking ngayon na nasa harapan ko o ang hindi na dahil makakasama ko na siya palagi at araw-araw. Huming ako ng malalim saka hindi na inisip pa ang mga bagay na ‘yon. Ang iisipin ko ngayon ay kung paano ko na bubuhayin ang sarili ko. Hindi nalang pwede na umasa ako kay Nido kahit na dito na ako nakatira sa condo unit niya. Pinapatuloy na nga niya ako, siya pa sasagot ng pagkain ko. Nangapal bigla ang mukha ko dahil sa hiya. Inilunok ko na ang lahat ng pride ko. Ilang araw kaya ako rito? Kailangan ko agad makahanap ng tutuluyan kong apartment. Ayaw ko rito magtagal. Sobrang nakakahiya na kay Nido. Hindi naman niya obligasyon n

