Chapter 10 GULONG-GULO ang isip ko habang hinihila ako papalabas ng Nestle University ni Nido. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Nagtataka pa rin ako kung bakit niya iyon nasabi kanina kay Kremtop. Bakit ganoon ang sinabi niya? Bakit sinabi niyang girlfriend niya ako? Isa pa anong sinasabi niyang may date kami mamayang gabi? Hindi ako mapakali. Ang puso ko ang bilis ng t***k. Lalo na’t titig na titig ako sa kamay naming magka-hugpong. Tanging ang t***k na lamang ng puso ko ang aking naririnig. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Ngiting-ngiti ako. Hindi ko mapigilan ang kilig na aking nararamdamab. At teka? Bakit ako kinikilig? Ganoon talaga si Nido! “N-nido! Saan tayo pupunta?” Hindi siya sumagot. Sa halip pumunta kami sa motor iyang nakaparada. Agad niya

