Chapter 33 NAKATITIG AKO SA kawalan at hindi ko alam ang aking gagawin. Hawak-hawak ko ang address na binigay sa akin ni Georgia. Nakalagay roon ang kinaroroonan ni Nido. Ang kulungan kung saan nakakulong sina Tita Rosing. Huminga ako nang malalim saka pinakalma ang sarili ko. Handa na kayà akong harapin silang lahat? Baka ano ang masabi ko kapag makita silang lahat. Hindi ko alam kung anong mga masasakit na mga salita ang mabitawan ko kapag makaharap sila. Sa daming kasalanang nagawa nila sa buhay ko. Sa pagkuha ng kayamanan ng mga magulang ko, sa paghihirap sa akin, sa pagdamay nila sa akin at ibenenta sa kanilang kasakiman at sa ginawa nila kay Nido. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para makita ko sila Tiya Rosing. Hindi pa ito ang tamang oras para mapatawad sila. Hindi ko pa

