Chapter 32 "TAWAGAN MO lang ako kapag kailangan mo ng tulong," bilin sa akin ni Kremtop habang tinutulungan akong ilagay ang gamit ko sa likod ng taxi na pinara niya lang kanina. "Sige, Kremtop. Maraming salamat talaga sa tulong mo. Siguro kung wala ka, hindi ko mararating itong ano ang meron ako ngayon." Niyakap ko siya nang mahigpit. Tinapik-tapik niya naman ang aking balikat saka humilay rin sa akin. "Wala iyon. Basta makatulong, ang mahalaga okay ka na at ang lahat. Balitaan mo lang ako kung ano ang ganap sa Maynila pagkarating mo doon." Tumango naman ako saka ngumiti sa kaniya. "Makakaasa ka. Hindi ka na ba sasama sa akin?" Umiling naman agad ito. "Hindi na, kailangan ako ng pamilya ko rito, Haona eh. Ikaw, bumalik ka na sa Maynila dahil kailangan ka rin nila doon, at lalong l

