Quarter to 8 na nang makarating siya sa bahay, tamang tama sa ipinangako sa mga magulang na oras ng pag-uwi. Pagpasok doon ay nagmano lang siya sa nanay at tatay na kasalukuyang busy sa pagre-repack ng mga paninda. Pagkatapos ay walang imik imik na agad nang pumasok sa kanyang kwarto. Doon ay mabilis na kumawala ang mga luhang kanina pa niya pinipigilang pumatak. Hindi niya alam kung dahil sa galit kay Steven sa pakikipaghiwalay sa kanya sa kabila ng ginawa naman niya ang lahat ng kaya niya o galit sa sarili sa pagiging marupok at hinayaang maging sunod sunuran dito. Sa makailang beses ay tiningnan niya ulit ang telepono. Hanggang ngayon wala pa rin reply si Steven sa pinadala niyang messages kanina sa sinabi nitong break na sila. Gusto lang naman niya malaman ang paliwanag nito kung bak

