Yshmael's Pov: "Hays! Nasaan na ba kasi ang babaeng iyon? Ngayon pa talaga s'ya nawawala kung kailan may ganito. Bakit ba kasi ngayon pa n'ya na-tripan magmuni-muni?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang malakas na boses na iyon mula sa isang grupo ng mga estudyante. Kilala ko ang ilan doon, si Rona na laging kasama ni Maelanie at si Primo Seo na isa sa mga exchanged student na kaibigan din ng dalawa. May isa pang lalaki at babaeng nasa grupo nila na hindi ko nakikilala pero natitiyak ko ding parehong exchanged student base sa mga uniporme nila. Lahat sila ay hindi mapakali at ilang beses ko pang nakitang tila may hinahanap sila sa paligid. "Pres..." Agad na nilingon ko si Veronica, ang secretary ng Student Council. "Maayos na nakalabas ang mga estudyante at ang mga bisita sa mga bui

