Lanie's Pov: Napalunok ako pagkabasa sa mensahe. It's quite tempting. And temptation is not good. Walang magandang idudulot ang kahit anong temptasyon. Ayokong patulan ang sinasabi ng message pero hindi ko din naman magagawang balewalain ang posibilidad ng maaaring makita ko doon. My life is at stake. Expose na ako sa panganib at sa kung sino mang may gustong mawala ako. Kilala na nila ako habang ako, nanghuhula pa sa kung sino ang mga nagtatangka sa buhay ko. And this message can be a bait to lure me. Maaaring panganib din ang dala ng mensahent ito sa akin. Alam ko iyon, patunay doon ang ilang beses na muntik kong pagkapahamak. And it's all started because of that damn video. Kaya nasa alanganin akong sitwasyon ngayon. Gustuhin ko mang umiwas ay huli na. Involve na ako at patuloy na

