Lanie's Pov: Kunot-noong napatitig ako sa mensaheng nandoon. Sinubukan kong i-dial iyon pero nakailang subok na ako ay iisa lang ang sinasabi ng nasa kabilang linya. "The number you have dialled is incorrect. Please check the number and try again later." Nakukunsuming tinitigan ko ang cellphone ko. Kahit kailan, nakakapang-init talaga ng ulo si Page. Wala pang isang minuto bago n'ya gamitin ang numerong ginamit n'ya pang-text sa akin pero hindi ko na agad iyon makontak, ang masama pa, parang hindi na nag-eexist ang numerong ginamit n'ya! That guy, lagi n'ya talagang pinapaikot ang ulo ko sa pag-iisip ng mga posibleng pinagkakaabalahan n'ya ngayon. Idagdag pa ang pananahimik nilang dalawa ni Master sa group chat ng DWD's. "What are you waiting for?" Nagulat pa ako nang marinig ko ang

