***** Chapter 38- Should I? ***** CZARINA'S POV Balisa akong naglalakad sa may corridor ngayon habang pabalik na ng classroom. Kagat-kagat ko lang ang isang daliri ko habang hindi ako makapaglakad ng maayos. Pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko. Ang bigat-bigat ng puso't isip ko. Bakit kailangang maguluhan ako ng ganito? Ano bang dapat kong gawin? Nabubunggo nalang ako ng mga estudyanteng dumadaan habang inaalala ko ang napag-usapan namin ni Nathan kanina. ~+~+~ "Sandali lang!" sigaw ko. Pinigilan ko siya bago pa siya tuluyang umalis. Napalingon naman siya sa akin. "Bakit. Bakit mo alam?" tanong ko sakanya. Bakit niya alam na sarili ko ang tinutukoy ko sa kwento ko? Bakit niya ang tungkol kay Anna? Bakit!? Humarap siya at inilagay ang mga kamay n

