**** Chapter 39- I Will **** CZARINA'S POV Malapit na ako sa tapat ng room namin. "Hi, Miss!" nagulat nalang ako nang may biglang umakbay sa balikat ko. Nilingon ko kung sino at nagtama naman ang mga tingin namin dahil sa lapit ng mukha niya sa mukha ko, kaya medyo napaurong ako. "Gwapo ko 'no?" sabi niya habang nakangiti na naman ng nakakaloko. Sino pa ba magsasabi nyan di ba? "Psh. Parang di naman." sagot ko naman at napangiti na rin ako ng bahagya. Tama, si Rod nga ang kausap ko ngayon. "San ka galing? Bakit di ka pumasok ng second subject?" tanong niya. "Ah, eh nagpunta lang akong clinic. Medyo sumakit kasi ulo ko." pagsisinungaling ko. "Oh? Okay ka na ba? May lagnat ka ba?" nagaalala niyang tanong saka hinipo pa yung noo ko. "Okay lang ako." inalis ko yung kamay niya, at

