HAJIE: MAAGA pa lang, nagising na ako. Napainat ako ng mga braso at napangiti na mabungaran si JM na nahihimbing nakasiksik sa akin. Hindi ko na matandaan kung ano'ng oras kami natulog kagabi pero heto at kay gaan ng gising ko. Siguro dahil. . . nandito kami sa bahay namin. Iba talaga sa pakiramdam kapag nasa tahanan ka kasama ang buong pamilya mo. Lalo na sa mga katulad kong nawawalay sa kanila nang matagal. “Good morning, sleepyhead.” Bulong ko na hinagkan ito sa noo at nakaunan siya sa braso ko. Ang sarap ng tulog nito na parang inosenteng bata lang ang itsura. Kung sabagay, inosente pa naman talaga siya. Iyong bibig niya lang talaga ang balahura lalo na kung kaming dalawa lang. Masaya ako na unti-unti na naming naaayos ni JM ang tungkol sa pag-aasawa namin. Nakausap ko na nang mas

