Chapter 1

1524 คำ
HAJIE: ABALA ako sa paghuhugas ng mga hugasin dito sa lababo ng bar na pinapasukan ko. Waiter ako dito at the same time, dishwasher din kapag gan'tong maraming hugasin dito sa lababo at kailangan nila ng tulong. "Panalo, pare! Paldo tayo doon, ano? Game?" wika ni Troy na na kasamahan ko dito sa bar. "Sure, pare, pero-- lima iyong ipinapahanap, 'di ba? Kulang tayo ng isa," sagot ni Red na napalingon sa akin. Lumapit sila sa akin dito sa lababo na abala sa paghuhugas. Inakbayan pa ako nito na ikinalingon ko sa kanya. "Pare, 'di ba, problema mo ang renta mo sa apartment mo ng dalawang buwan?" tanong nito sa akin na nagtaas baba ng mga kilay. Pinaningkitan ko ito. "Oo, pero hwag niyo nga akong idamay sa mga kalokohan niyo." Sagot ko. Nagkatawanan pa sila ni Troy at nag-apiran. "Ang aga ng judgement mo, pare! Legal 'to at. . . malaki ang bayad. Ano, sama ka?" pag-aaya pa nito. "Tulungan niyo muna ako," sagot kong ikinatawa ng mga ito at tinulungan ako sa isang tambak na hugasin. "Payag ka na niya'n ha?" wika pa ni Red habang nasa kabilang side ko at nagsimula na ring maghugas. "Depende. Ano bang klaseng trabaho 'yan? Sigurado kayong legal ha?" tugon ko na nakatuon ng pansin sa ginagawang paghuhugas. "Oo naman, pare. Shower party iyon. Alam mo na, sasayaw tayo sa mga magagandang dilag kasama ang bride to be. Iyon lang naman ang gagawin natin e. Sayawan natin sila, pasayahin at patawanin lalo na syempre 'yong bride. Pagkatapos no'n, tapos na, nag-enjoy na tayo, may bayad pa tayo at. . . malaki ang ibabayad sa atin, Hajie, kaya umuo ka na, hmm?" panunulsol sa akin ni Red. Napailing ako. Gawain na talaga nila na sumayaw sa mga shower party. Malaki nga ang bayad sa kanila pero-- hindi kasi ako sumasali sa gano'ng raket nila. "Ayoko, kayo na lang." Pagtanggi ko. "Hwag naman gano'n, pare. Alam mo, two hundred fifty thousand din ang bayad sa atin. Lima tayo sa grupo kaya ibig sabihin. . . kikita ka ng fifty thousand sa loob lang ng isang oras. Wala naman tayong illegal na gagawin doon e. Pasasayahin lang natin sila. Gano'n lang kasimple, pare. Kaya sumama ka na, hmm? Ikaw rin, malaki-laki ang fifty thousand," wika ni Troy na ikinanguso ko. Tama naman sila. Malaki-laki na 'yong fifty thousand na kikitain ko sa isang gabi. Working student ako dito sa Manila at pinapaaral lang ako ng tito ko. Nasa probinsya ang pamilya ko at hindi nila ako kayang paaralin sa kolehiyo, kaya ako ang nagpaaral sa sarili ko. Mabuti na lang, tumutulong ang tito ko na pag-aralin ako kaya kahit paano, hindi ako nahihirapan. Kaya naman nagtatrabaho ako sa gabi para may sarili din akong pera at hindi nakaasa ang lahat ng gastusin ko kay tito. "Ano ba ang kailangan kong gawin do'n?" tanong ko. Natigilan pa sila na nagkatinginan at nag-apiran. "Yown!" Naiiling akong natawa sa reaks'yon nilang parang mga batang napagbigyan sa nais. "Simple lang naman, pare. Sasayaw lang tayo ng macho dance. Pasayahin sila gano'n, pagkatapos no'n, aalis na tayo dala syempre ang bayad sa talent fee natin," saad ni Troy. "Fifty thousand ha? Wala tayong illegal na gagawin doon," pagkaklaro ko na ikinatango-tango kaagad ng mga ito. "Oo naman, pare. Bakit ka naman namin lolokohin?" turan ni Red sa akin. Napahinga akong malalim. Sa kinsenas pa ang sahuran namin at dahil part-timer lang naman ako dito, maliit lang din ang sahod ko. Sakto lang para may pambili akong makakain ko sa araw-araw. "Sige, kailangan ko na rin kasi ng pera e. Dalawang buwan na akong hindi nakabayad sa apartment ko. Baka mamaya e palayasin na ako doon ni Aling Auring." Sumusukong pagsang-ayon ko. "Good decision, Hajie! Wala namang mawawala sa'yo e. Masaya do'n, naku, ang gaganda at sexy pa naman ng mga costumer natin!" bulalas ni Red na ikinailing ko. "At mayayaman sila, pare. Kaya nga malaki ang tip sa atin e," dagdag pa ni Troy sabay apiran ang mga ito. Hindi na lamang ako nagkomento pa. Wala akong interes sa usapan nila. Wala sa isipan ko ang magka-interes sa mga babae, lalo na kung laking syudad na babae at anak mayaman pa! Isa lang akong simpleng binata mula sa probinsya ng La Union. Pangingisda ang trabaho ni tatay doon at si nanay naman ay nagtitinda ng mga isda sa palengke. Sampu kaming magkakapatid. Ako ang panganay. Sa dami naming mga anak nila, kahit araw-araw na nagsusumikap ang mga magulang namin, kulang na kulang pa rin para sa pang-araw-araw namin ang kita nila. Napupunta lang sa pagkain namin at ibang bayarin sa bahay ang kita nila nanay at tatay. Kaya nga hindi ko na iniaasa sa kanila ang pag-aaral ko e. Nagsusumikap akong makapagtapos ng pag-aaral dito sa Manila para tuparin ang pangarap kong maging. Ayoko namang hanggang huling hininga ng mga magulang ko, nakalugmok pa rin kami sa kahirapan. Mataas ang ambisyon ko sa buhay. Criminologist ako dito sa Manila dahil pangarap maging pulis balang araw. Mabuti na lang, may tiyuhin akong walang anak na nagtatrabaho sa Japan ngayon at siya na ang sumagot sa pag-aaral ko dito. Malaking tulong na iyon sa akin, kaya nagsusumikap ako dito sa Manila at nagtatrabaho din sa gabi para may sarili akong pera. Mahirap ang buhay namin pero-- mas mahirap kung manatili ako sa amin. Sumama kay tatay sa laot at mangisda doon o kaya ay samahan si nanay na magtinda ng mga isda sa palengke. Ayokong tumanda ako na sa gano'n ko bubuhayin ang mag-iina ko balang araw. Marangal naman ang trabaho ng mga magulang ko at hindi ko ikinakahiya ang trabaho nila. Pero ayokong maranasan ng magiging pamilya ko ang hirap na katulad sa nararanasan naming magkakapatid. Ang ilan nga sa mga kapatid ko na nakapagtapos na ng elementary ay hindi na tumuntong ng highschool e. Dahil hindi na kaya nila tatay na pag-aralin silang lahat. Ang ilang sumunod sa akin, sumasama na kay tatay na mangisda sa laot. Ang iba, kay nanay sumasama sa palengke o kaya ay naiiwan sa bahay para may tagaluto, tagalinis at nagbabantay sa mga nakababata pa naming kapatid na nag-aaral ng elementary. Maliit lang din ang bahay namin sa probinsya. Kaya sa dami naming magkakapatid, napakaliit ng espasyo sa bahay namin. Ni hindi nga sementado ang sahig namin at hindi yero ang bubong kundi pawid. Sa lahat ng bahay sa barangay namin, ang bahay lang namin ang hindi yero ang bubong at hindi semento ang sahig. Maski ang dingding ay gawa sa tabla o kahoy, habang ang mga kapitbahay namin, gawa sa concrete ang dingding at ang ilan pa nga ay naka-tiles na ang sahig. Marami akong plano para sa aming pamilya. Lalo na sa bahay namin. Kaya nga kahit pakonti-konti, nag-iipon ako dito at tinitipid ko ang sarili ko dito para lang may maihulog ako sa savings ko kahit pakonti-konti lang. Tumatanda na rin ang mga magulang ko. Alam kong hirap na hirap na sila sa estado ng buhay namin kaya ayokong magsayang ng taon sa pag-aaral ko dito sa Manila. Sinisiguro kong mataas ang mga grado ko at pasado ako sa lahat ng exam ko. Kaya ang pagnonobya? Wala 'yan sa bukabularyo ko. PASADO alauna na nang matapos ang shift ko sa bar. Inaantok na rin ako. Ang kagandahan lang, nasa tapat lang ng apartment ko ang bar kaya hindi ako mamomroblema sa pag-uwi ko ng madaling araw. Dahil isang tawiran lang naman at nakauwi na ako. Sa university naman na pinapasukan ko, kailangan kong sumakay ng jeep sa umaga at sa hapon. Mabuti na lang, may karinderya na malapit sa university namin. Kaya doon na ako kumakain sa tanghali dahil may budget meal sila para sa mga katulad kong estudyante na nagtitipid sa pera. Halos hindi na nga ako nago-grocery dito sa apartment ko e. Dahil bukod sa mag-isa lang ako, hindi na rin naman ako kumakain dito. Sa umaga, bibili lang ako ng pandesal at kape d'yan sa bakery shop sa tapat din nitong apartment ko. Doon na ako nag-aagahan bago pumasok sa school. Sa tanghali ay sa karinderya na ako kumakain at sa hapon naman, may libreng hapunan sa amin dito sa bar na pinapasukan ko kaya doon na ako sa bar kumakain ng hapunan. Pagpasok ko ng lumang apartment ko, naigala ko ang paningin. Luma na ito at maski pintura ay nasisira na. Pero dahil mura ang renta dito, nagtitiis ako dito at hindi maiwan ang lugar. Tatlong taon na rin akong nakatira sa bulok na apartment na ito. Maayos naman ang tubig at ilaw basta nagbabayad ka. Mabuti na lang, graduating na rin ako sa kolehiyo. Konting pagtitiis na lang. . . makakapagtapos na rin ako. Bagsak ang balikat ko na tumuloy sa kusina. Kumuha ng tubig at uminom na muna bago tumuloy sa silid. Sobrang inaantok na ako at maaga na naman bukas na papasok sa school. Matapos maghubad ng suot, binuksan ko ang bentilador at pinatay ang ilaw bago humiga sa kama. "Sa wakas, makakatulog na rin," usal ko sa isipan na napapikit. Ito ang buhay ko. Ayokong habang buhay akong mahirap kaya. . . nagsusumikap ako na makaahon sa kahirapan.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม