Third Person POV "Anong meron Black? Bakit mo kami pinatawag?" tanong ni Celia habang may hawak na tinapay. Galing siya sa kusina. Kumakain siya ng almusal nang bigla siyang pinatawag ni Black kasama sina White at Ken. "Hindi pa ako nakakaligo, pinapunta mo na ako rito. May mga kalaban na naman ba? Pwedeng kayo na lang muna ang lumaban sa kanila? Dalawang araw na akong walang ligo dahil sa mga Slim na yan!" inis na reklamo ni Ken. Agad na napatakip sa ilong si Celia dahil sa sinabi niya. "Lumayo ka sa akin! 'Wag na wag kang lumapit sa akin." nandidiring sabi sa kanya ni Celia at umatras palayo kay Ken. "Hah bakit? Bakit ka nakatakip ng ilong? Hindi ako nangangamoy! Kahit hindi ako maligo ng ilang araw, mabango parin ako!" "Tumahimik ka. Ang baho ng hininga mo." Akmang sasagot pa

