Pumikit ako ng mga mata at pinakiramdaman ang kapangyarihang dumadaloy sa loob ko. Tinipon ko ang mga ito sa aking mga kamay at sinunod ang mga sinabi sa akin ni White para pakawalan ito. Tinaas ko ang dalawang kamay ko habang ramdam kong may mabigat na nakapatong dito at ito ay ang kapangyarihan ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagmulat ng mga mata pagkatapos ay pinakawalan ko ang mahikang nasa kamay ko. Kumalat ang puting mahika ko sa paligid at kusa itong lumipad papunta sa mga taong gigisingin ko. Ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko, ang mga Hari't Reyna, at ang ibang naapektuhan ng itim na mahika. Tumagal ng isang minuto bago tuluyang nawala ang pinalabas kong mahika. Nang maglaho na ito ay doon nagising ang lahat. "Jana.." Tumulo ang mga luha ko nang makita ang pamilya

