"Ano na ang balita?" tanong ni Russell kay Black. Ang Black na nakatira sa panahong ito. Siya rin ang tumulong kay Russell para makapasok dito sa pamamagitan ni Black na nakatira sa panahon namin. Kahit magkaiba sila ng panahon ay may kuminikasyon silang dalawa na tanging sila lamang ang nakakagawa. Pareho silang nakakapagtime-travel kaya hindi na ako nagulat na ang Black na kaharap namin ngayon ay minsan na namin siyang nakasama sa panahon namin. "Everything is under control. Lahat ng mga kawal ay nasa bilangguan at pinalitan ito ng mga tauhan ko. Sa labas naman ng palasyo ay pinadala ko ang ilang mga kasama natin para bantayan ang mga tao at paligid. Ang mga Slims naman na nakapasok ay patuloy paring hinahanap ang lungga nila." Dire-diretsong report niya. Nasabi na sa akin lahat ni

