Pagdating ko sa bilangguan sa ibabang parte ng palasyo ay dumiretso ako kung saan naroon ang Reyna. "Anong ginagawa mo rito? Walang kang makukuhang impormasyon sa akin." Pumasok ako sa loob ng kinalalagyan niya at umupo sa upuang nasa harapan. Nakaupo siya sahig habang yakap ang mga tuhod nito. Dahil sa ilang araw na siyang nandito sa loob ng kulungan ay sobrang g**o ng buhok niya at napakarumi niya. Ayaw ko mang makitang ganito ang hitsura ng kamukha ni Inay ay hindi ko mapigilan. Hindi siya ang Inay ko at kahit pa na ang katawang gamit niya ay ang katawan ni Inay sa pangalawang buhay niya ay ibang tao parin siya. Ang mahalaga ay walang mangyaring masama sa katawan niya. "Ang mundong ito. Totoo ba?" tanong ko. Kahit alam kong mahihirapan akong kumuha ng sagot sa kanya ay susubukan

