Sa tabi ng palengke ay tahimik na pinapanood ng limang bata ang tatlong lalake na naglalaban. Hindi sila napansin ng tatlo dahil may kalayuan ang mga bata at hindi sila gumagalaw. Para silang bagay na walang buhay. Takot silang gumawa ng kilos dahil baka ay may gawin sa kanila ang tatlo kapag nakita nila sila. "Anong ginagawa niyo? Huminga kayo." Sabay-sabay silang napatingin sa nagsalita habang may gulat sa kanilang mga mukha. Isang binata ang lumapit sa kanila. Nakasuot ito ng kulay puting kasuotan. Nakangiti lang siya sa mga bata habang hinihintay na sumagot ang isa sa kanila. "'W-wag po!" malakas na sabi ng nasa gitna at humakbang paatras. Ganon din ang ginawa ng mga kasama nito. Lahat na sila namumutla dahil sa takot na may gawin sa kanila ang taong nasa harapan nila. Napaku

