"'Wag kayong dumaan sa palengke." Isang minuto kong tinitigan ang papel na hawak ko. Nakita ko ang mensaheng 'to sa bulsa ng damit na susuotin ko ngayon. Kami lang ni Karren ang magkasama sa kwarto at malabong siya ang naglagay nito sa damit ko. Sasabihin lang niya sa akin kung may ibibilin siya at saka ang nakasulat sa papel ay 'kami'. Ibig sabihin ay hindi nila ito alam kaya ibang tao ang nagbigay nito. Pero sino? Sino ang nagbigay nito? Bakit hindi kami pwedeng dumaan sa palengke? Wala akong ibang kilala na magbibigay ng babala sa akin. Is it a trap? "Jana.." Mabilis kong tinago ang papel nang marinig si Karren na kakapasok palang sa kwarto. Hindi ko alam kung nakatanggap din ba ang iba ng mensahe. Kung meron o wala man ay hindi ko sasabihin ang tungkol dito dahil baka paghina

