"It's fine, don't worry. Dito lang tayo magkikita diba?" tanong ko kay Russell. "Yes." mahinang sagot niya. Halata parin na nagdadalawang isip siya na iwan ako rito dahil sa pinapakita niyang ekspresyon. "Sige na. Baka hinahanap ka na." Ngumiti ako sa kanya para mabawasan ang pag-aalala nito. Siya lang ang kasama ko. Sina Karren at Ken ay pumunta sa gitna ng lungsod para maghanap ng matutuluyan namin. Tatlumpong minuto na kaming naglalakad ni Russell dito sa bandang baba ng Warlo. Sumama ako sa kanya sa pag obserba sa kalagayan ng lungsod na 'to. At hindi namin inaasahan na may makakakilala sa kanya rito. Isa siyang lider sa lungsod na 'to at inimbitahan niya si Russell na kausapin siya dahil may sasabihin ito sa kanya. Dahil sa hindi naman ako tauhan ng Kaharian ay hindi ako pwedeng

