"Jana? Jana?" Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata nang marinig ang boses na tumatawag sa akin. Bumangad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Karren. "Jana?! Gising na siya!" malakas na sabi niya at nakarinig ako ng yapak ng mga paa. Umupo ako habang nakaalalay sa akin si Karren. Napahilot ako sa sentido ko nang maramdaman na bigla itong sumakit. "Anong nangyari?" mahinang tanong ko at tumingin sa kanilang tatlo. Napakunot ako ng noo nang makita kong hinihingal si Ken. Mukhang tumakbo siya papunta rito. Bakit ganito na lang ang reaksyon nila? Muli akong napahilot sa sentido ko nang pinilit kong alalahanin ang nangyari. Nakatulog ba ako? "Hindi mo matandaan ang nangyari sayo?" gulat na tanong sa akin ni Karren. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at napansin na nasa loob ako ng

