Chapter 51: Palace

2252 คำ
Aliyah was randomly walking at the back side of the palace where a whole field of nothing but paradise awaits her when she saw a purple butterfly circle around her. Parang nakaramdam siya ng kakaibang galak habang hinuhugot ang phone niya upang makuhanan ito ng larawan. Hindi pa siya nakakita ng ganito kagandang paru- paro na talaga namang purple na purple at hindi pa sinasadya. "Guys look! Mayroong purple butterfly rito. Ang huling kita ko ng paru- paro na gan'yan ay noong shoot ko pa ng music video for Purple Butterfly, I didn't expect to see one of those randomly someday. At talagang dito pa sa napakagandang lugar, tignan niyo naman!" masaya niyang itinutok ang camera sa may gilid kung saan mayroong man- made pond na mayroong mga lumalangoy na makukulay at masisiglang mga isda. Hindi niya pa nakikita nang maayos ang buong palasyo, kaya naman ngayon na may pagkakataon na siya, at hindi na nila kailangan pangalagaan masyado ang impormasyon na naroon na siya sa palasyo ay kinuha na niya ang chance na ito para maglibot talaga nang bongga! "Ang ganda!" hiyaw na naman niya nang makakita naman siya ng mga tent na tila ba naka ayos upang maaaring mag kamping sa gitna ng kakahuyan sa loob pa rin ng palasyo. Tatlong makukulay na tent ang nakatayo at napapalibutan ng mga dekorasyon kagaya ng maliliit na ilaw at mga windmill. Sa lugar na ito ay walang mga puno na makakasagabal sa panonood sa mga bituin. Napangiti siya nang matanaw niya ang maaliwalas na mga ulap sa pabilog na espasong ibinigay ng mga puno para sa langit. "This is perfect," she whispered to herself. Bawat sulok na tapunan niya ng atensyon ay hindi niya mapigilan ang bilib. Parang pinag sama- samang seven wonders of the world ang palasyo na ito. Hindi na nga niya maintindihan kung papaano ba nagmumukhang ibang mundo ang bawat galaan niya. Kanina lang may magandang pond, tapos may gubat, tapos ngayon naman may nakita siyang field na punong- puno ng iba't- ibang mga bulaklak. "This is so beautiful, bakit hindi pa ito naipapakita sa labas noon? Hindi ko pa naaalala na nakita ko ang ganitong intsura ng palasyo online. Kung mayroon lang sanang makakakita rin ng ganito kagandang sunflower field pati na rin mga linya ng tulips at mga rosas, siguro matutuwa rin sila kagaya ko." "So, tumakas ka sa klase mo para lang mag sabi- sabi rito? Hindi mo man lang ako sinama, para sana kahit na papaano ay mayroon ka namang nakaka- usap at hindi lang hangin ang dinadaldalan mo, ano?" Prince Kairo smirked as he watched his woman shook her head while giggling. "Talagang sasabihin mo na tumakas ako sa klase ano? Tapos na kaya ang morning session ng lessons ko, at ang sabi pa sa akin ay halos alam ko na rin ang lahat. Bilib ka na ba? Wala pang isang buwan 'yan, halos perfect ko na ang mga pag tatanda nitong lahat," she was proud of her accomplishments. Nagawa niya pang angasan ang lalaking tumabi sa kan'ya. "Sino kaya ang tumakas kay Mang Fernan para sundan ako? Hello?" "Nako, 'wag mong sasabihin na tumakas ako, kasi malakas ang pang amoy ni Fernan, baka talagang sunduin pa ako rito. Ang layo- layo pa naman!" the two laughed at his lame joke. "Narinig ko lang naman na lumabas ka rito ngayon, kaya gusto ko na puntahan ka. This is your first time freely roaming around the whole palace, right? Madalas ka lang na nandon mismo sa mismong palasyo, pero hindi mo pa nalibot itong malawak na field." Aliyah nodded, "Ngayon pa lang ako lumayo sa left wing. Kasi kinukulong ako ng Prinsipe roon sa bahay niya eh," she joked. Biglaan tuloy na ngumuso itong si Kairo na tila ba nagdadabog. "You know what's crazy? Alam ko naman na sobrang laki nitong palasyo, pero hindi ko alam kung paanong sa isipan ko, 'yong mismong palasyo na tinitirahan lang natin ang mismong palasyo. Kasi look, sa loob ng palace, mayroong sariling forest na may camp site, mayroong magagandang patubig pa roon na may mga uh- 'di ko alam kung butete ba 'yon or koi fish lahat talaga, tapos may ganitong field. Ang ganda- ganda, sobrang lawak! Hindi ako makapaniwala na ganito ang laki ng lugar na ito sa isla lang." "Sa labas ng palasyo, hindi mo pa nakita ang buhay sa labas ng palasyo, 'di ba? Ang ganda- ganda rin ng mga makikita mo sa labas. Napapalibutan tayo ng tubig, kaya naman sigurado akong mag e- enjoy ka rin sa paglilibot gamit ang bangka. It's calming. Noong bata pa kami, madalas akong nakakalibot nang ganoon. Iniikot ko ang isla." "Ang ganda siguro no'n, ano? Ang nababasa ko, sabi nila may mga nakatira rin sa isla na ito at mayroon silang mga tindahan na dinadayo pa ng mga tao mula sa iba't- ibang bansa?" The Prince proudly nodded, "You would see vendors on boats too! Tapos sa may bandang likuran nitong palasyo, as in sa pinaka- dulo, makikita mo ang malaking gate kung saan diretso na sa sarili nating pangpang ang labas. May daungan rin na para sa pansarili nating gamit. Pero madadaanan ng mga normal na tao na nakabangka rin. Puwede tayong maglibot isang araw kung gusto mo. I think you would love it. Mahilig ka pa naman sa mga magagandang tanawin na gano'n." Isinandal ni Aliyah ang ulo niya sa balikat ng lalaki at masayang inakbayan naman siya ni Prinsipe Kairo habang tinatanaw nila ang masiglang pag sayaw ng mga bulaklak sa ihip ng hangin. "Kairo, sobrang ganda ng mga nangyayari sa akin ngayon. Tapos pati pa ang mga lugar na ganito at ipinapakita mo sa akin, sobrang ganda rin. Alam mo ba, nakakita pa ako ng purple na paru- paro kanina," she took a really deep breath. "Medyo kinakabahan tuloy ako. Papaano kung mag sunod- sunod naman n'yan ang dating ng malas sa akin? Papaano kung hindi na magaganda ang dumating bukas? Baka mamaya ay mapaulanan tayong dalawa ng kamalasan." "Nako naman, ito talagang baby na 'to," kinurot pa ni Prinsipe Kairo ang kan 'yang pisngi. "Lagi ka na lang na gan'yan, kahit noon pa man. Masyado kang naniniwala sa mga negative na bagay. Alam mo naman na kapag puro negativity lang ang nasa isipan mo ay 'yon din naman ang babalik sa 'yo, hindi ba?" marahan niyang hinalikan ang noo ng babae. His touch and sweet kiss immediately brought joy in her heart. She hugged him closely as they both watch the flowers dancing, "Kairo, sobrang perfect ng moment na 'to. Minsan tuloy pumapasok pa rin talaga sa isipan ko na baka nanaginip lang ako. Baka bukas o makalawa, wala na rin ako rito at hindi na rin totoo ang magiging kasal natin." "Dummy. Sa tingin mo ba hindi pa sapat ang pagkakalayo natin nang tatlong taon bilang kamalasan? Sa tingin ko naman ay sobra- sobra pa ang naging pauna nating kamalasan kaya naman ngayon, dapat ang darating na lang sa atin ay puro saya, puro magagandang pangyayari na lang. Kaya huwag ka na masyadong takot, kasi kahit naman may dumating na masama pa sa ating dalawa, tayo rin naman ang magkasamang haharap. Tignan mo naman tayong dalawa, nagawa pa rin nating magkasama kahit na medyo natagalan, hindi ba? Kakampi na siguro natin ang universe." "Sana nga, Kairo. Kasi sa totoo lang, kahit na nakipagbalikan ako sa'yo, aaminin ko, natatakot pa rin ako. Kaya sana, sana talaga 'wag na maulit ang lahat ng sumpa na 'yon." "I wont, my love, I promise." The lovers enjoyed the peaceful morning. They spent their wonderful time together roaming around the entire palace. They finally managed to get to the back where they can clearly see a gated part where the palace meets the sea. The white sand coming under the tall metal gate excites Aliyah so much. She played with it using her shoes. "Ang tagal ko na rin na hindi nakakapunta sa dagat. Kasi medyo mahirap na lumabas nang marami ang makakakilala sa'yo, hindi na nakaka- enjoy," kuwento ni Aliyah habang tinitignan ang buhangin sa may paanan niya. "Gusto mo na ba lumabas?" napalingon si Aliyah sa biglaang tanong ni Prinsipe Kairo. "Bakit gan'yan ka makatingin? Tinatanong lang naman kita kung gusto mo ba na lumabas? This is your chance to enjoy the beach for yourself, you know? Bihira lang naman na may dumaan na mga bangkero rito. Hindi ka rin nila makikita kasi hindi naman sila puwedeng lumapit sa pangpang, they will be very respectful of that rule too." "Ta- talaga?" "Yeah," the Prince said. "Kaya kung gusto mo na mag swimming dito, sabihin mo lang. Puwede natin na pabuksan ang likurang gate at sinasabi ko sa'yo, ito ang pinaka magandang bahagi ng buong palasyo. It's breath taking. Kung gusto mo ay yayain mo rin ang buong barkada, siguradong matutuwa sila." Aliyah gasped, "Pu- puwede ba talaga?" "Halika na at bumalik na tayo sa palasyo, ako na ang bahala sa pagpapabukas nitong gate. Ikaw, kailangan mong mag ayos ng mga gagamitin mo, okay? Sabihan mo kaagad sina Dusk at Dawn na mag handa para sa swimming, alam na nila kung ano ang mga kailangan nilang gawin pagkatapos. At 'wag mong kakalimutan na sabihan si Ira na mag handa ng mga makakain nating lahat, okay?" "Natin?" Aliyah smiled so brightly. "Sasama ka sa swimming?" The Prince nodded, "Oo naman," sabi niya pa. "Ano sa tingin mo? Siyempre hindi ako magpapahuli. Isama rin natin si Tyler, tiyak ako na matutuwa siya sa welcome na 'to. Matagal na rin siyang hindi nagagawi rito, siguradong nami- miss na rin niyang makita ang kagandahan ng kaharian." The two immediately went back at the main palace to prepare for their plan. Planning to meet before lunch time and stay on the beach for a while, Lady Aliyah asked for her lessons to be canceled and luckily, her teacher already planned on giving her the rest of the day off since he's been called to some important meeting that he could not miss. "Sobrang dami na ng naihanda kong pagkain, baka hindi na natin maubos!" excited na sigaw ni Ira nang pumasok siya sa kuwarto ni Lady Aliyah. Nadatnan niya si Dan na nandoon sa loob ng closet at naghahanap ng maaaring suotin nilang dalawa ni Aliyah. Ira already has her own clothes ready in a bag. "Hindi pa ako nakakahanap ng puwede kong gamiting panligo. Siguro 'yong simple ko na lang na short pati na rin t-shirt. Tapos ito, para kay Aliyah!" mayasang itinaas ni Dan ang hawak- hawak niyang itim na mesh shirt. "She can wear her black sports bra, black shorts and this cover up. Hindi masyadong revealing, bagay lang para sa kan'ya. Hindi naman siguro bawal 'yon ano? Hindi naman two piece na swim suit eh," sabi niya pa habang pinupunasan ang iilang butil ng pawis sa kan'yang noo. Nilakasan ni Ira nang kaunti ang air conditioner, "Oo, maganda na 'yan. Bigyan mo na lang din siguro siya ng magagamit na pamalit na shirt para kung gusto niya na magpatuyo. Kasi may ihinanda na sila Dusk doon, ang sabi nga nila sa akin handa na raw sila hanggang pang mamayang gabi. Kaya pati ang pagkain na hinanda ko, hindi lang pang lunch, pang gabi pa. May barbecue pa nga eh, tapos kinausap ko na rin ang head chef, kung may kailangan pa tayo, ipapahatid niya na rin." "Oh my gosh! Sobrang excited ko na!" "Ako rin!" nagulat ang dalawa sa biglaang sulpot ni Aliyah na ngayon ay may suot na flowy dress at napakalaking kupya. "Teh, saan mo galing 'yang beach hat mo?" tanong ni Dan. "Hindi ko maalala na mayroon kang gan'yan na dala ha?" "Narinig daw ni Queen Olivia na gusto nating mag swimming sa labas, kaya ayan, pinahiram niya ako ng ganito. Para raw sosyal at hindi masyadong mainitan, sabi ni Mang Fernan. Ano na? Handa na ba kayo? Kasi ang sabi ni Kairo, ipapahanda na raw niya 'yong mga golf cart kung ready na." "Golf- huh?" Dan was too surprised. "Akala ko ba, swimming? Bakit may golf cart bigla? Anong gagawin ba talaga?" "May kalayuan din kasi ang likurang gate, Dan," sabi ni Ira. "Kung lalakarin natin nang may mga bitbit pa tayong kung anu- ano, mapapagod lang tayo bago pa tayo makarating doon. Kaya siguro gusto ni Prince Kairo na may golf cart, para hindi naman mapagod ang asawa niya. 'Wag ka ng magtaka, basic na 'yon. 'Di ba, Lady Aliyah?" "Shuta kayong dalawa, manahimik na lang kayo at mag handa. May plano ako mamaya, sa tingin ko puwede tayong mag video kasi balak kong ipakita kung gaano kaganda ang Aztariya sa mga fans. Kaya lang I don't plan on releasing it before the wedding. Gusto ko na ipakita pagkatapos na, para hindi na masyadong maraming problema ang iisipin, para puro kasayahan nalang." "That's a great idea," Dan's eyes lit up. "Ako na ang bahala sa mga kailangan." Kaya lang bago pa sila makaalis biglaan na tumunog ang telepono ni Aliyah. Sabay- sabay silang tatlo na napalingon sa bulsa niya. "Hello?" sagot niya sa tawag. "Did you miss me, my dear? Do you like that Prince? Well, don't even dream about it. Because I will f*cking have you, remember that." Her eyes widened in fear as the creepy voice started laughing like a devil. She immediately cut the line and threw the phone across the room. "Aliyah? Bakit? Anong nangyari?" Her hands started trembling, "He- he's back... na-nalaman niya ulit ang number ko." "Sino-" Dan gasped. "Nandyan na naman 'yong stalker mo?"
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม