Masaya ang lahat sa napakagandang tanawin na bumungad sa kanilang lahat. The girls were having fun at the beach sand as the boys were preparing the grill for the barbecue that they were about to have for lunch.
Prince Kairo and Tyler were sitting under the shade of the huge tent, watching everyone have fun.
"Ang ganda pa rin talaga nito, ano? Kailan ba tayo huling nakapag relax nang ganito rito sa may beach?" tanong ni Tyler habang umiinom ng soda. Nagpuputukan ang mga braso nilang dalawa ni Prinsipe Kairo sa mga suot nilang sando at beach shorts.
"It's been a while," sabi ni Prinsipe Kairo. "Nakalimutan ko na nga kung ilang mga approval ang kaialngan bago mapabuksan itong gate na 'to. Ang dami rin palang kailangan na problemahin! Dati kasi, si Fernan lang ang bahala na kumuha ng mga approval na 'yon para lang makalabas tayong dalawa. Hindi ko naman inakala na pati pala ang mga bantay roon sa bayan ay kailangan pa rin nating kausapin para lang mapigilan ang mga tao sa pag daan dito ngayon araw."
"Talagang maraming kailangan gawin. Nagulat nga ako dahil biglaan kang nagyaya ngayon. 'Di ba dati ay halos tatlong araw na paghahanda ang kailangan para lang makapag enjoy tayo nang ganito? Paano mo natapos ang lahat sa loob lang ng isang oras?"
"Siyempre, para naman kiligin ka na ganito kaganda ang pag welcome namin sa'yo ngayong pag dating mo. Weren't you touched at all? "
"Oh please," natatawang sabi ni Tyler. "Let me guess, gustong makita ni Lady Aliyah ang itsura nitong likuran ano? Gusto niya lang siguro na mag swimming dito kaya naman biglaan ka na lang na nagdesisyon na ipabukas ito. Kahit na matagal ang proseso, sigurado akong ginawa mo ang lahat para lang mapabilis. Kasi hindi mo siya kayang pag hintayin pa."
Prince Kairo shyly nodded, "Of course," he said. "Noong sinabi ko sa kan'ya na maganda ang dagat dito, sobrang excited niya na makita. When she was playing with the sand with near the gate, her smile was so big. She got so excited to see the beach sand, tapos ikinukuwento niya pa na hindi niya nagawang mag swimming noon dahil nga sikat na siya at maraming magkukumpulan sa kan'ya kung subukan man niya. At sobrang tagal ko na siyang pinaghintay noon, Ty. Sobrang tagal ko na rin na nawala sa buhay niya. I thought that this time around, ayaw ko na siyang mag hintay pa. I want her to enjoy every second of us being back together without wasting time."
"Patay na patay ka na talaga ano?" hindi nahihiyang tumango si Kairo sa sinabi ng pinsan niya. "Sabi ko na nga ba, siya rin 'yong babae na ikinukuwento mo sa akin noon. Ang sabi mo nakilala mo siya sa Zoraya at naaalala ko pa na hindi mo siya maipakita sa akin dahil ang sabi mo pa baka agawin ko," the two of them laughed.
"Tignan mo naman kasi," namumulang sabi ni Prinsipe Kairo habang pinapanood kung paano mag laro sa napakalinis at asul na asul na tubig si Aliyah. "Ano? Hindi ba at tama naman ako? Tignan mo nga, nakita lang siya nang buong mundo at minahal na siya ng lahat. Kung alam lang nila, ako ang naunang mag mahal sa iniidolo nila."
"Hunghang, 'wag mong sabihin sa akin na nagseselos ka sa lahat ng fans niya? Parang bata naman 'tong g*gong 'to."
"Hindi naman sa nagseselos, sira," angal ng prinsipe. "Nakakainis lang kasi kapag makikita mo online na sinasabi nilang sobrang mahal nila si Aliyah. What the heck? Parang gusto pang labanan 'yong pagmamahal ko sa kan'ya. 'Yon ang talagang nakakakulo ng dugo. Parang nanginginig pa nga ang laman ko kung minsan, 'pag nakakabasa ako talaga ng mga ganoon na comments," singhal pa nito.
"Pero ngayon naman ang mga nakikita ko online, puro na balita tungkol sa relasyon nin'yong dalawa, hindi ba? Sobrang dami na nga ng mga fans na hindi mapakali dahil lang sa mga pictures nin'yong dalawa. Kilig na kilig ang lahat sa tambalan nin'yo. Bakit hindi niyo pa pala I- anunsyo?"
"Hindi pa tama ang pagkakataon na 'to, " Kairo sighed. "Kahit na nadala ng magagandang papuri ng mga fans niya ang tungkol sa akin, hindi naman maikakaila na naroon pa rin ang mga galit sa akin. Mayroon pa rin talagang nagbibigay ng malisya sa relasyon namin kahit na magkaibigan pa lang ang sinabi namin sa publiko. Ayaw namin na masira lang ng mga pangit na komento ang napaka espesyal na bagay. Kung sabihin namin na ikakasal na kami at siya ang magiging susunod na Prinsesa nang ganitong may sama pa ng loob sa akin ang publiko, mahihila ko lang siya pababa. At 'yon ang ayaw kong mangyari."
"You really changed. Dati naman wala kang pakialam sa kung ano man ang sasabihin nila 'di ba?"
"Dati kasi kaya ko naman, kahit na batuhin nila ako ng kahit na ano, walang problema sa akin. Pero ngayon, kung si Aliyah na ang makakatanggap ng masasamang salita na dahil lang naman sa galit nila sa akin, hindi ko na kakayanin 'yon. Hindi ko rin hahayaan na maranasan niya ang ganoon. I know how hurtful the public's comments are, even though they might be wrong or false, it still stings. And that's something that an angel like her does not deserve. Alam mo ba, walang kahit na isang hater 'yang si Aliyah. Kilala siya bilang nag iisang performer na mahal ng lahat. Isipin mo kung may bigla nalang na bumaliktad at biglaan na lang siyang pagmumurahin, gaya noong ginagawa nila sa akin? Hindi siya sanay."
"You are right, the impact would be much harder for her. She might be more affected by it since she was used to receiving nothing but love. Wow, you really need to try your best, man."
"I do," just as Prince Kairo saw Aliyah smile at a shell, he also smiled. "I really need to prove myself before making such a huge announcement. Hindi ko siya puwedeng madamay sa ganoong klaseng gulo. Kahit na kailan ay hindi magiging sing kapal ng balat ko ang kan'ya. I don't want her to be bothered by those nonsense, sigurado rin ako na iiyakan niya 'yon. And damn, I really hate it when she cries."
"Bakla, pinapanood ka ng fafables mo oh. Tignan mo sa likod, talagang ngiti pa nang ngiti kahit na nakatanaw lang sayo sa malayo," bulong ni Dan kay Aliyah na nasa tabi niya habang naglalakad sila sa may dagat na napakalinaw ng tubig.
Aliyah turned around to smile at her fiance, "Hindi ko muna siguro sasabihin sa kan'ya, Dan," wika nito habang hindi pa rin binubura ang kan'yang ngiti. "Kung sasabihin ko sa kan 'ya 'yon, siguradong hindi niya na ako papayagan na lumabas para gawin ang trabaho ko kahit na dalawang buwan na lang ang mayroon ako para pasawain ang aking sarili. Tutal naman kasama ko palagi kayo pati sina Dusk at Dawn, hindi na siguro ako masyadong kailangan na matakot o kabahan. Hindi naman ako makakayang lapitan siguro no'ng stalker na 'yon kung kayo mismo ang mga bantay ko, hindi ba? At tsaka, hindi niyo naman ako iniiwanan kahit na saan man ako mag susuot, wala naman na sigurong pagkakataon 'yon na madaplisan man lang ako," she did her best to convince herself and hypnotize own mind into believing that she shouldn't be afraid of what's that weird call about.
"Kailangan na lang siguro natin na mag request pa ng dagdag na bantay para sa'yo. Bukas na bukas din, sasabihin ko kay Dusk na kailangan niyang mag dagdag pa ng mga guards na susunod sa atin. Don't worry, ibibilin ko na rin sa kan' ya na siguraduhin niyang hindi mahahalata ng mga tao na royal guards sila. Para naman hindi pa rin masisira ang plano niyong big reveal."
"Gagi, anong big reveal? Wala man lang ngang kahit na anong naka plano. Ang balak lang namin talaga matapos ang mga gulo bago pa kami umamin."
"Hindi ba kayo mag po- post ng mga pictures online? Sayang naman ang mga porma nin'yo, ang ganda pa naman ng view," napalingon silang lahat sa lalaking biglaan nalang lumapit sa kanila. It was Tyler, their newest friend. Nagka- usap na sila kaninang almusal at alam na alam na ni Aliyah na magiging malapit na magkaibigan silang dalawa. Their wacky energies match up real good.
"Tyler! Kunwari ka pa, sabihin mo lang sa amin kung gusto mo lang na kuhanan ka namin ng mga pictures, baka pinaparinggan mo lang kami eh," biro ni Aliyah na ikinatawa nilang lahat.
"Actually, gusto ko sana na magpa- picture sa celebrity na 'to. Ipagyayabang ko lang sana sa mga kaibigan ko online na may kilala akong sikat na artista," sabi niya pa.
"Ako na po ang kukuha ng picture!" prisinta ni Dan.
"Ano ba 'yan, mahal pa naman ang talent fee ko!" sa umpisa ay umangal pa si Aliyah kunwari, ngunit nang tutukan siya ng camera ni Dan, sabay pa sila na nag pose nitong si Tyler. They both showed a peace sign and smiled at the camera for the first picture.
Aliyah jokingly whipped her hair at the side and pretended to be blinded by the sunlight, "Hoy, isa pa, bilis," utos pa nito habang tinatakpan ang mata niya gamit ang anino ng palad.
"Aba! Akala mo papalag ako ha?" Tyler imitated her pose.
"Nako, nagsimula na 'yan. Isa pang adik sa mga pictures 'yang si Tyler, siguradong hindi na 'yan hihinto sa kakukuha ng mga pictures niya."
"Talaga po ba?" excited na tanong ni Dan. "Pero Sir Tyler, bakit po wala naman akong makita na mga posts nin'yo online?"
"You stalked me, huh?" Tyler laughed. "Hindi ako pwede kasi na mag- post ang mga picture- I mean, ang sabi kasi ng mama ko masyado raw nakakasuya kapag puro mukha ko na lang ang makikita sa public account ko. Kaya naman bihira lang ako na mag post online."
"Who cares, man?" Prince Kairo said. "Just do whatever you want. Enjoy with it. Mas maganda nga na enjoy- in mo na lang ang lahat lalo na at malaya ka naman dapat na gawin 'yon."
"'Wag kang mag alala, Kai. Tatadtarin ko ng pictures ang social media nating lahat. Ay!" biglaan siyang napatingin kay Aliyah at Kairo, " Okay lang ba kung makita nila na magkakasama tayong lahat? Hindi ba kayo magkakaroon ng problema? Baka mamaya kapag na- post ko na 'tong mga to, biglang makasira sa gusto nin'yong gawin eh. Ayaw ko pa na mapagalitan ni Mang Fernan, kakabalik ko lang."
Aliyah shook her head, "I think it's fine," she said. "Pictures, puwede naman siguro. Alam naman na nila na magkakaibigan tayo, hindi na siguro ganoon ka- big deal kung makita nila na kasama ko rin kayo sa swimming. Pero siguro hindi natin dapat isama itong likuran na halatang nasa may palasyo tayo."
The Prince nodded, "You heard her, man. Go ahead and post as many pictures as you guys want," he turned to look at the girls too. "Dapat pati kayo rin nila Duk at Dawn may mai- post para kung may mga fans itong si Aliyah na gustong magkalkal, makikita talaga nilang lahat tayo ay nagkakasiyahan lang."
Everybody rejoiced upon that idea. Hindi na sila makapaghintay para mailapag ang mga pictures nila. Sobrang dami nila talagang kinuha na larawan kasama si Aliyah at Prince Kairo. Ngayon pa lang nila ipagyayabang ang koneksyon nila sa mga personalidad na ito kaya naman hindi mapakali si Dusk at Dawn.
"Nako, baka mabaliw ang mga pinsan ko sa probinsya kapag nakita nila ito," bulong ni Dawn habang tinitignan ang larawan nilang dalawa ni Aliyah na hinahatak nitong babae ang tainga niya. They took really cute photos, like the other one where in Dusk and Dawn are standing side by side with their hands crossed on their chest as Aliyah act tough in front of them. Ang isa pa ay ang group photo kung saan naroon silang lahat at nakangiting sumisingit sa selfie ni Dawn. They all look really beautiful as they pose with their feet dipped in the water.
"Grabe naman 'to!" napapasigaw pa si Dusk. "Over five thousand na ang nag like at nag share sa mga pictures na na- post ko! Nakakabigla naman itong mga fans mo, Lady Aliyah! Hindi talaga sila normal lang na fans, kasi Diyos ko po, paano nila nahanap ang account ko?"
"I know what you mean," natatawang ihinarap ni Tyler ang telepono niya sa kanila. "Look, I posted this five minutes ago, ang almost twenty thousand people seen it already. Ang dami pa ng mga comments na puro lang naman tili o 'di kaya naman ay tumatahol ang mga comments. Napansin ko rin na talagang ang dami niyo ng mga fans na dalawa. Tignan niyo nga at tinatawag na kayong Royal Couple!"
"Oh my goodness," Aliyah turned to look at Dan as soon as she screamed. "What the hell? Trending kaagad kayo?"
Tinitignan nila ang phone ni Dan na nakalitaw pa ang mga pangalan nilang dalawa sa trend list. Normal na ito kay Aliyah kaya hindi na rin siya masyadong nag react kaya lang parang hindi makapaniwala na tinititigan siya ng lahat.
"Oh, bakit gan'yan kayo makatingin?" tanong ni Aliyah. "Ayaw niyo ba no'n, gusto ng mga tao ang pictures nin'yo. That's great, right?"
"Post it on your account," Tyler suggested.
"Huh? Bakit?"
"Go on," Kairo laughed. "Gustong tignan ni Tyler kung gaano karami ang makakakita sa picture mo sa loob ng isang minuto. Hindi mo ba nakikita, nabibilib silang lahat sa sobrang kasikatan mo," he whispered.
Aliyah rolled her eyes and posted it just as everyone wanted her to do.
Before eating their lunch, they all stared in awe as they saw over fifty thousand people liking the picture within a minute.
"Wow," Tyler clapped his hands. "Parang may sarili ka na palang batalyon," hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngunit tinitigan niya naman si Prinsipe Kairo na natatawa.
"See that? She has that kind of power, that's my Aliyah."