Chapter 53: Who

2492 คำ
“Emily, hindi natin puwedeng ibaliwala lang ito. Tignan mo, they are trending. Minutes after one post. Hindi ba natin talaga gagatungan itong post ni Aliyah? Kapag mas napalakas natin ang engagements lalo, malay mo mas dumami pa rin lalo ang mga commercial na madadagdag kay Aliyah. Hindi lang siya sikat, talagang lilipad pa sa kalawakan ang fame at ang projects niya. Dadami na naman ang blessings!” Kinikilig- kilig pa ang isa sa mga kasamahan ni Emily sa opisina dahil lang sa simpleng post ni Aliyah kasama ang mga kaibigan niya. Emily seen all of that. She knew how wild this is, talagang sumabog ang lahat pati ang mga email at phone niya dahil sa mga kumpanya at mga diretor na gustong gusto na siyang kunin bilang lead sa susunod nilang proyekto. Kaya lang ay hindi niya talaga mabigyan ng pansin ang kahit isa sa mga ito at walang ibang manager na nakakaintindi sa desisyon niya ukol rito. “Cedrix, ang sabi ko na sa’yo, hindi natin puwedeng gawin ‘yon. I can take a few endorsements, one time nga lang. Kasi hindi na natin puwedeng i-focus ngayon ang mga multiple time, hindi tayo puwedeng mag pledge ng ganoon katagal, kasi hindi na natin hawak ang future.” “Ano na naman ba ang dina- drama mo d’yan? Alam mo naman na si Aliyah, hindi naman siya malalaos anytime soon! Sobrang mahal na mahal siya ng publiko, tignan mo nga at pati ang mga sa importanteng agencies sa bansa. Sino pa ba ang ibang celebrity d’yan na nilalapitan ng department of education pati mga sa health, tapos sa- ano nga ba ‘yon? ‘Yong sa mga animals?” nagningning ang mga mata ni Emily sa sinasabi ni Cedrix. “Alam mo, Ced, mas mabuti pa bigyan mo ako ng kopya n’yang mga ‘yan. Lahat ng mga offer na may good cause. Gusto ko rin ‘yong mga kagalang- galang. Hindi tayo tatanggap na mga endorsement na para sa mga damitan na ganito, ” hinagis ni Emily ang folder na offer sa kanila ng lingerie. “Hindi ko gusto itong mga ganito. At ito pa, bakit may mga for pads? And for undies? Kailan pa ito binagayan ng image ni Aliyah? Mas dapat ‘yong mas mag mumukha siyang divine- mukhang-” “Mukhang Prinsesa?” Cedrix continued. “So, gusto mo na gamitin natin ‘yong image niya ngayon bilang princess, dahil nga naman nali- link na siya kay Prinsipe Kairo. Tama, dapat nga mga nakaka- angat sa kan’ya-” “Ced, please. Hanapan mo na lang ako ng mga ganoon sa sinabi ko. At tsaka paki- contact na ulit ‘yong pinsan mo sa pulisya.” “Oh no,” Cedrix gasped. His hands with nails painted pink were covering his mouth. “Nagbalik na naman ba ‘yong stalker ni baby girl? Akala ko pa naman napahinto na natin ‘yon last time. Bakit bumalik na naman kaya ‘yon?” “Ang buong akala ko rin nga ay natakot na siya nang huling beses na muntikan na siyang mahuli dahil sa I.P. address.” Cedrix signed, “Ang sabi kasi noon, mukhang nasaktuhan na napansin sila no’ng stalker na nag aabang sa labas ng bahay niya. Ngayon tuloy, hindi na siya bumalik sa bahay, at hindi na rin nakita pa ulit. Nagpalamig lang yata saglit tapos pagkatapos ng apat na buwan, nandito na naman.” “Nakakainis nga eh, hindi man lang natin nalaman ang pangalan. Ang talino rin pala no’n ano?” Their conversation ended when Emily did not respond since her whole mind was focused on the message that Dan has sent her earlier today. It was a brief text that talks about how Aliyah just received a phone call from the same exact man that has been tormenting her from the past. She knows how much of a big deal this is since the same stalker have done a lot of intense things before like entering her hotel room and sending gifts directly at her door step wherever she is. May it be on her private house in the province or her secret apartment unit, even to hotel rooms that she stay at, whichever location. He’s too skillful and it’s a huge problem to Aliyah and to the people that cares about her deeply. Emily typed in a few words to send to her dear talent, “Aliyah, mag- iingat ka ha? Alam mo naman na medyo magaling ‘yang stalker mo na ‘yan. Kailangan ay handa ka lagi. Sabihan mo ako kung mayroon ka ng sapat na bantay, kung kailangan mo pa, ako na ang bahalang mag ayos doon. Just tell me whatever you need,” that was written on her message. Natanggap ni Aliyah ang mensahe ng manager habang masaya siyang nakasandal kay Prinsipe Kairo at nakatanaw lang sila sa napakagandang karagatan. Mayroon pa silang kinakain na bagong luto at napakasarap na barbecue at kahit na nadudumihan ang mga binti nila sa inuupuang buhangin, hindi naman nakakapagtaka na gustong- gusto nila ito dahil sa sadya namang nakakadagdag sa magandang pakiramdam nila na parang nasa paraiso. “Sino ‘yan?” tanong ni Prince Kairo. Marahan niyang siniko ang kasintahan, “Nagsisimula pa lang tayo, Aliyah. Huwag mong sabihin sa akin na mayroon na ako kaagad kailangan na patayin ha? Makukulong talaga ako, sinasabi ko sa ‘yo.” “Sira, wala, si Emily lang. Sinasabi niya lang sa akin na trending nga raw ‘yong photos natin online. Pati ang sabi pa, mag iingat daw ako dahil baka masunog ako ng araw. Mayroon pa naman akong whitening lotion na sponsorship at hanggang next month pa ‘yon. Kung mangitim ako bigla habang ako ang model, nako po, malaking problema.” “Are you serious? Pati pangingitim ng balat mo, malaking problema? Grabe naman pala ano? Ang hirap din pala na maging pinaka sikat na artista. Tadtad ka sa endorsements, lahat ng mga ikinikilos mo, dapat tantsado mo para walang ibang brand na ma- offend at mamroblema sa mga ginagawa mo. Hindi ka ba napapagod sa ganoon?” “Sa totoo lang, medyo nakakapagod nga na bawat parte ko at ng pagkatao ko may kalakip na brand. Alam mo ‘yon?” Aliyah giggled. “Sa buhok, sa kutis, make- up, mga damit, lahat talaga mayroon kalakip na pangalan ng brand na hindi mo puwedeng mabastos. Nako, pati nga ang kuko ko, kailangan pati sa kuko ko conscious rin ako sa kung ano ang masasabi ng mga tao. Kasi baka masira ko ang pangalan ng nail polish company na kumha sa akin. Nakakatakot din kaya ‘yong responsibilities na ‘yon! Kaya lang alam mo, ‘yong mga ‘yon din ang malaking tulong sa akin at sa agency namin. Dahil sa bawat tinatanggap ko na sponsorship, mga TVC, malaki rin ang kinikita ng mga managers na naghihirap doon. Kaya kahit na medyo mahirap para sa akin at nakakatakot na kailangan bawat galaw mo naka monitor ka, kailangan wala kang sasabihin na pangit sa bawat brand na Diyos ko po, halos hindi ko na nga matandaan kung ilan lahat. Pero ang laki ng nagbabago sa estado ko at pati na rin ng mga tumutulong sa akin.” “You really love your managers huh?” Aliyah nodded quickly, to answer, “Oo naman talaga, Kairo. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila. Kasi habang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala sila. Alam mo ba na kung minsan hindi ko na alam kung ano ang left sa right noong nagsisimula ako kasi sobrang kabado ako sa bawat filming,” natawa pa sila dahil sa ikinukuwento ni Aliya na pangyayari noong bata at baguhang artista pa lamang siya. “Ang alam ko lang no’n, kapag may sinabi si Emily na pumunta ako roon at kumanta ako, susundin ko lang kung saan nakatutok ‘yong daliri niya kasi parang hindi ko na marinig ang kahit na anong sinasabi niya dahil sa sumasabog na ang bawat ugat ko sa utak. Kung minsan hinihila na lang niya ako tapos sesenyas siya na ituturo niya ‘yong mic, ibig sabihin no’n magsimula na akong kumanta, it’s really funny when I think about this once. But dang, I never thought I’d grew out of it. Imagine, ngayon kaya ko na umattend sa mga interviews na talagang sumasagot pa ako sa mga nakaka- intimidate na tao na hindi maubusan ng nakakapawis na mga tanong.” “You even perform at your own concerts with nobody else to host for you. You perform, you host and then you entertain the crowed by simply just talking to everyone so effortlessly and so calmly. That’s a huge improvement, I can tell how much you’ve grown and you are really leaving your own mark in the industry you chose,” he softly tapped at her head. “Look at where you are now, Liyah. I am so proud of you. ‘Di ba ang sabi ko sa’yo kahit na anong gusto mong gawin, magagawa mo. Kasi I know how capable and powerful you are. This is what I envisioned you accomplishing when I told you before that you could be the biggest singer in the world. Three years pa lang ang itinatakbo ng karera mo at hindi mo sinayang ang kahit na isang segundo no’n para palaguin ang lahat gamit ang sarili mong talento. You became known as Aliyah Grace,” his eyes twinkled with the bright sunshine. “Ang gusto mo lang noon ay makilala bilang ikaw. Ayaw mo na maipakilala bilang anak ng isang napakalaking businessman. You are Aliyah Grace, not miss Kim. You did really well, Aliyah. Hindi ko pa rin mapigilan na magsisi nga kung minsan. Lalo na kapag naaalala ko kung paano ka nagsimula nang wala ako sa tabi mo. I feel extremely terrible and annoyed. I want to be with you along the way.” “Gaga, kaya nga nakilala ako bilang singer na hugutera ay dahil din naman sa’yo. Imagine how many songs filled with heartbreaking lines were written just because of you? Hindi mo ba alam na sobrang laking tulong mo rin sa akin no’ng mga time na ‘yon. Although, to be honest, sobrang sama nga ng loob ko sa’yo noon. Talagang pagsusulat na lang ng mga nakaka- hurt na kanta na lang ang tinutukan ko noon. Kasi sa bawat linya na maisusulat ko, pakiramdam ko, katumbas ng isang timbang luha na ‘yon. Kapag nasa may balcony na ako at umuulan, ‘yon ang talagang pinaka malalang kanta na nabubuo ko. Hindi ko na nga alam actually kung ilan ba sa mga kanta ko ang walang koneksyon sa’yo. It was my way of moving on.” “I’m so sorry,” bigla na namang naramdaman ni Kairo ang bugso ng pagsisisi. “You needed to get through so much because of how sh*tty I was.” “Talagang dapat maging sorry ka hoy,” hinampas pa siya ng babae. She let herself be engulfed by the beauty of the sun slowly hiding behind a cloud. “Sa sobrang gusto ko na makalimutan ka, akala ko matatangay na ng hangin ‘yong sakit kapag nagawa kong ilipat sa mga awitin ‘yong pakiramdam na ‘yon. Ang akala ko makakalimot ako nang ganoon kadali. That was dumb,” she giggled. “Imagine you wanting to move on and then being put on stage to sing about that same feelings you desperately wanted to forget, and then being praised because of it. I was so stupid, but look, it kinda worked out, no?” Parang nagugulantang si Kairo nang marinig niya ‘yong mga ‘yon, “Bakit parang kinikilig ako-aray!” he grinned as she pinched him by the thigh. “Sino ba naman ang hindi kikiligin? Alam ko na ngayon na ako ang naging focus ng mga kanta mo sa tagal nang panahon. Hindi ko ba dapat kakiligan ‘yon? You made me really, really special. I knew that I might have been the inspiration, but now I got the confirmation. And it’s making my ego grow so big.” “Sige , kiligin ka na nga,” umirap si Aliyah habang nilalayuan si Kairo na talaga namang hinahatak pa siya nang mas malapit. “Pero ang galing ‘no? Talagang nasolusyunan din ang lahat ng problema natin. We met again after three years to continue the story that we weren’t supposed to continue before.” “Alam mo ba na muntikan akong mabaliw ng mga panahon na maiwanan kita,” ngayon lang nag bukas ng ganitong kuwento si Kairo kaya naman talagang nakatuon ang buong atensyon ni Aliyah kay Prince Kairo. “The very first reports about my attitude being mean and stuff, that was actually a bit true. I was a mean dude, I know that.” “Were you really?” the future princess asked. “I swear, I was really mean back then. Sobrang sama kasi ng loob ko na wala akong magawa. Kasi kailangan kong maging prinsipe ng bansa, kailangan kong maging susunod na pinuno ng isang buong nation, pero wala akong hawak na desisyon sa kung sino ang mamahalin o papakasalan ko. I have all the power in this whole country, but not with my own life. It’s was super frustrating. ” Natatawa ang babae, “Kaya ano?” panunukso niya. “You were mean to everyone because you can’t marry me? That’s not you. I know how nice you are, especially to other people.” “Hindi ka naniniwala, tanungin mo na lang si Fernan. Ilang beses niya ako kailangan na pagsabihan kasi hindi ko man lang magawang ngumiti sa mga taong nag aabang sa akin. Saktong kakapakilala pa lang sa akin no’n, kasalanan ko rin kung bakit sobrang sumama ang tingin sa akin ng mga tao.” “Teka, seryoso ba?” “Seryoso nga,” he answered. “I did everything to try and fake it. But I was really hurting, I can’t just forget you like that, are you crazy?” May sasabihin pa sana si Aliyah sa kan’ya kaya lang biglaan na lang na lumapit sa kan’ya si Dan na kitang- kita ang pag aalala sa mukha. “Aliyah,” she called. “Kailangan kitang makausap, sandali lang, please?” She nodded and stood up to talk to Dan. Hinatak siya ng babae palayo nang kaunti mula sa Prinsipe para ipakita ang nasa phone niya. “What is this?” she asked while looking at a really dirty, ransacked room. She was intrigued by it. Until she slowly realized what she’s been looking at. “Wait, this is my apartment- wait, what?” Dan gasped, “May nanloob sa apartment mo, Emily just got there after your neighbor noticed your door was open,” nanginginig pa ang mga kamay ni Dan nang sabihin niyang, “Emily thinks it’s the stalker.” “What the f*ck?”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม