Chapter 54: Guard

2246 คำ
"Hoy! Anong pinag uusapan nin 'yong dalawa, ha?" napatalon ang dalawang babae nang biglaan na sumulpot sa may tabi nila si Tyler na naka dungaw na lang sa tabi ni Aliyah. Hindi niya sinasadyang mabitawan ang phone ni Dan nang lumingon ito. "Tyler-" Aliyah was too late. He already seen what the photo was since he picked it up from the sand. Lumingon si Aliyah kay Prince Kairo na mabuti na lang at nagtungo roon sa may lampas na ng tent nila dahil kinukuhanan niya ng picture ang sunset. "Oh my gosh, mabuti na lang at busy siya." "Ano 'to? Bakit ang gulo- huh?" naguguluhang tanong ni Tyler. "What is this, guys? Is this your room, Dan? Ang gulo ha?" inuusisa niya ang mga mukha nitong dalawa habang nag aabang siya ng kasagutan. "No," Dan was too awkward with her answer that Tyler raised an eyebrow because he was intrigued. "Hindi 'yan kuwarto ni Aliyah na niluob- I mean, kuwarto ko nga, sobrang dumi ano? Ha-ha-ha," pinilit niya pa na tumawa nang pilit kaya naman hindi na talaga umasa pa si Aliyah na makakalusot sila. "Tyler, please 'wag mong babanggitin sana kay Kairo ito, please lang. Ayaw ko siyang mag alala," she nervously bit her lower lip and examined the picture once again. "I don't really know the full story yet. Ngayon ko lang narinig na may ganitong nangyari. Kasi, oh my gosh, Tyler please, 'wag mong ibubuko kay Kairo. Mamomroblema pa siya rito, hindi naman na kailangan na madamay pa siya." "Wait a minute, this might be serious. Ano ba ang nangyari? Let me hear it out," sabi ni Tyler habang tinatapik ang balikat ni Aliyah. She looked at Dan with questioning eyes. "Ganito po kasi," panimula ng babae. "Nakatanggap po kami ng balita na niluoban ang apartment unit ni Aliyah sa Siben. Since ang unit po ay may contact ng manager niya na si Ma'am Emily, siya po ang natawagan. Nang makita ng katabing unit na nakabukas ang apartment ni Aliyah, she reported it. Tinawagan tuloy si Emily at ito ang naabutan nila ngayon. It's ransacked, really crazy, those were the words that she used to describe what she seen inside. Kaya ngayon mukhang malaki ang problema namin dahil mukhang bumalik na nga ang stalker ni Aliyah-" "Dan!" Aliyah failed to keep that bit off the table. She rolled her eyes and shook her head, "Please don't tell him that too, please lang Tyler. Hindi ko na gusto na problemahin pa ito ni Kairo. I only have two months left to enjoy my life as a celebrity, baka hindi ko pa magawa ang lahat ng gusto kong gawin dahil baka hindi na niya ako hayaan na lumabas ng palasyo." "But Aliyah, you have to realize, you are going to be the Princess of this country. Talagang kailangan ni Kairo na maging protective sa'yo. Ngayon siyempre prinsesa ka pa lang, but if you really think about it, you will be the future Queen. Hindi mo puwedeng sarilihin ang lahat, lalo na itong threat talaga sa buhay mo. You should be protected, you are in line to be the mother of the whole Aztariya, what do you think that means?" the man was being really worried. Tama naman ang mga iniisip niya. Valid din ang bawat points niya. Talaga nga namang hindi lang basta- basta artistang mayroong stalker fan si Aliyah, she's about to be part of the Royal Family. Siyempre dapat lang maging protektado talaga siya kahit na saan man siya pumunta. "Naiintindihan ko naman 'yon," Aliyah said with a long face. She frowned and sighed, "Ayaw ko lang na makadagdag pa muna ito sa mga kailangan na problemahin ni Kairo. Alam ko na ngayon ay may mga sarili siyang projects na gustong- gusto niyang pagtuuan ng pansin. Marami pang nakapila sa schedule niya, hindi ko naman kailangan na solo- hin muna ang utak niya. Kasi I swear, alam ko talaga na kapag nalaman niya lahat ng ito, mayroon lang kaming dalawang option para magkasundo kami sa pag dedesisyon." "Alright then, let's hear them." Aliyah took a deep breath. She showed her pinky finger and said, "Una sa lahat, hinding- hindi na niya ako papayagan na lumabas nitong palasyo nang hindi siya kasama. Kahit pa isang batalyon ng mga guard pa ang kaya niyang pasunurin sa bawat hakbang ko, I just know that he will never let my foot take a step outside the gates kung wala siya roon para panoorin ang bawat paglapat ng paa ko sa lupa. Magiging ganoon siya ka paranoid, at baka ang ending pa, kailanganin ko na isuko na lang itong huling dalawang buwan ko sa showbiz. I don't want that." Tila ba kumuha muli ng buwelo si Aliyah upang magpatuloy at huminga siya nang pagkalalim- lalim. "Pangalawa," sabi niya. "Mayroon siyang mga kailangan na gawin, gaya nga ng sinabi ko. At kung kailangan siya sa mga mas importanteng bagay, siyempre hindi ko naman siya papayagan na sundan lang ako lagi. Siyempre, hindi ako makakalabas no'n. At alam niyo na kung bakit, kasi nga hindi niya ako hahayaan na mawala sa mga paningin niya. Baka ang ending, sa sobrang guilty na lang niya dahil kailangan kong makulong sa palasyo ay isama niya pa ako sa mga importanteng meeting niya. Nako, para saan pa at may balak kami na mag linis ng pangalan niya kung ganoon rin ang gagawin pala namin? Daig pa ng paglalantad sa sambayanan 'yon, hello?" "So, let me get this straight," Tyler sighed. "Ayaw mo na sabihin kay Kairo dahil baka kapag nalaman niya, hindi ka na niya papalabasin sa palasyo, tama ba?" tumango si Aliyah. "At kung hahayaan ka naman niya na tapusin 'yong dalawang buwan nga, siguradong gugustuhin niya na samahan ka sa bawat lakad mo para sigurado siya na safe ka, kasi nga nandoon siya para maging personal na butler or guard mo," napahawak ang lalaki sa kan'yang baba habang nag iisip nang malalim. "Oh, gets mo naman pala eh," wika ni Aliyah. "Kung kailangan man na isikreto ko 'to mula kay Kairo kahit na isang linggo lang, gagawin ko. Para naman magkaroon talaga ako ng matinong farewell party para sa career ko, 'no? Nakakalungkot naman kung biglaan na lang akong mawawala nang walang pasabi. Wala man lang final event? Kahit sana simpleng meet and greet lang, pinaka- last na sana, ganoon." "Okay, I have an idea. Hear me out," Tyler checked to see Prince Kairo still busy taking photos of the beautiful view. "Itatago ko muna ito mula kay Kairo, kasi naiintindihan ko naman kung bakit gusto mo na maging tahimik na muna tungkol dito. I can see your views, and I respect your wishes. But unfortunately, I cant just let you get out of the palace, knowing that you are in danger. Maniwala ka sa akin, even the slightest bit of danger, hindi talaga kita papayagan na lumabas. Takot ko lang kung anong halimaw ang lalabas kay Kairo kapag nalaman niya na alam ko ang buong kuwento tapos hinayaan lang kita nang ganoon na lang." "I get it, Tyler," Aliyah finally got the chance to loosen up a bit. "Pero 'wag ka ng mag alala, nakausap ko na rin si Ira. Ang sabi niya sa akin ay bibilinan niya sina Dusk at Dawn na magdagdag pa ng mga guards na susunod sa akin. Although siyempre kailangan mga disguised muna sila at hindi singlapit nila sa akin ang mga posisyon sa labas, malaking tulong na rin 'yon." "Oh no, that wont work," the towering man shook his head. "I am definitely coming with you." Nanlaki ang mga mata ni Dan sa narinig niya. Kaagad siyang napalingon sa babae na mayroong kapareha niyang gulat sa mukha. Aliyah just stared at her and looked back at Tyler. "What?" Tyler asked. "Wala akong duties na kagaya ni Kairo. Walang kahit na sinong magtataka na magkakilala tayo, so puwede rin akong lumapit sa 'yo, and lastly, hindi naman siguro magiging ganoon kalakas ang loob ng stalker mo kung makita niya na kasama mo rin ako, hindi ba? Kahit papaano naman ay naniniwala ako na kung makita niya kaming kasama mo, nila Dawn at Dusk, siguro naman mapapaisip din siya. And don't worry, hindi lang ako nagyayabang na may hero complex, I actually know how to fight." "H-ha?" talagang hindi pa rin nakakabawi ng ulirat itong si Aliyah. Napapanganga lamang siya sa bawat sabihin ni Tyler. She's not weirded out or anything, nagugulat lang siya dahil parang excited pa itong kinikilala bilang isa pang prinsipe, kasunod ni Kairo, habang nag sasabi kung papaano siya magiging magaling bilang isang tagabantay ni Aliyah? He's at the status of what a Prince is like, and he's gassing himself up, just to show Aliyah that he can be a useful body guard too. "Maniwala ka sa akin kasi!" Tyler was cackling when he saw how confused Lady Aliyah was in front of him. "Okay, I get it, naiintindihan ko naman na medyo hindi halata. Mas malaki ng ang katawan ni Kairo kumpara sa katawan ko, fine. Pero I swear naman kasi, I did the same training as he did back when we were kids. Martial arts, lahat 'yon, kung ano man ang pinagkaiba ng mga 'yon, I don't know the names. All I'm saying is that, if there's a bad guy approaching, I can throw a punch, maybe a kick too. Hindi mo naman kailangan na ipakita sa akin na kay Kairo ka lang bilib na bilib, at isa pa, gusto ko rin na malaman kung papaano ba ang mga nangyayari sa behind the scenes. I'd like to be able to learn more about your job. Malay mo, kapag tapos ka na sa spotlight, ako naman ang mag artista. Para naman may ibang aalalayan itong si Dan, 'di ba no, Dan?" Napangisi si Dan dahil sa simpleng pag hawak lang ni Tyler sa may siko niya at mabilis itong tumango nang walang humpay. "Aba, ang akala ko ba pagkatapos ng dalawang buwan ay magiging personal na tagabantay rin kita kagaya ni Ira? Dumating lang itong si Tyler at hindi mo na naalala ang pangako mo sa akin na kahit pa saan ako makarating ay sasamahan mo ako. Ang bilis din magbago ng isipan mo talaga basta kinikilig ka na," reklamo ni Aliyah. Tinawanan lang naman siya ni Tyler at ni Dan na nagkampihan. "Nako, bahala ka na nga Tyler. Basta dapat hindi muna niya malalaman, okay?" "Don't worry, ako ang bahala kay Kairo." "Sa ano?" tila ba napahinto ang t***k ng puso ni Aliyah nang marinig niya ang boses ni Kairo sa may tabi niya. Hindi niya inakala na biglaan nalang na narito ang kan'yang nobyo. Ngunit tinago lang ni Aliyah ang gulat sa pamamagitan ng pag yakap sa kan'ya sa may bewang. "Kasi Kairo, kinakausap ko itong si Aliyah. Ang sabi ko gusto ko sana na sumama sa kan'ya sa mga lakad niya kapag lumabas siya. Tutal ang tagal ko na rin naman na hindi nakakabalik dito sa Aztariya. Gusto ko rin sana namakapaglibot- libot habang nakikita ko kung papaano ang mga ginagawa nila sa showbiz, 'di ba? Alam mo naman na hilig ko rin 'yang mga filming na gan 'yan. Curious lang ako, kaya lang ang sabi niya sa akin ay magpaalam daw muna ako sa'yo. Kaya naman sabi ko ako na ang bahala. Tiwala naman akong papayagan mo akong mag gala, hindi ba?" "Nako, baka ang gustong mangyari nitong si Aliyah ay pigilan kita kaya niya ipinayo na magpaalam ka na muna sa akin," the Prince started giggling. "Kita mo na, isang araw pa lang kayo na magkakilala pero napapansin na kaagad ni Liyah na sobrang gulo mong kasama. Kahit siya hindi niya alam kung papayag ba siya na akuhin ang responsibilidad na isama ka sa mga shoot niya. " "Ano ba naman kayong dalawa? Siyempre hindi naman ako gagawa ng kahit na anong gulo. Mabait naman din akong tao ha? Parang ang gusto mong ipakita, Kairo, napakakulit at gulo kong tao. Baka nga magulat ka at ako na ang maging mas mabuting body guard or assistant nitong si Aliyah." "So, balak mo lang na sumama para agawan ng trabaho 'yong iba," natatawa na sabi ni Kairo. "Iba talaga ang trip nitong pinsan ko, Liyah. Pagpasensyahan mo na, pero kahit na papaano naman, alam kong makakatulong din kung kasama mo siya. Kung nandoon siya habang hindi kita masamahan nang maluwag, makakadagdag din sa kasiguraduhan ko na ligtas ka ang presensya niya. That's the only good thing I can think of right now, but it's good enough to let you go." "See! Sabi ko na sa'yo madali lang kausapin 'yang si Kairo." "Basta 'wag mo lang sanang sirain ang mga trabaho ni Aliyah. Baka magalit pa sila dahil sa ingay at kadaldalan mo. Bawal ang maiingay sa mga shooting." "Naririnig mo ba itong papakasalan mo, Aliyah? Kung magbilin sa akin na haloos kasing edad lang niya, parang nakikipag- usap sa sampung taon na bata," inirapan ni Tyler ang mahal na Prinsipe. "Basta ako na ang bahala, walang kahit na anong masama ang mangyayari." "Talaga lang ha?" tanong ni Aliyah na nakikisali sa biruan nila kahit na sa kaloob- looban niya ay medyo natatakot siya na baka may madulas dito sa usapan. Kung hindi si Dan o si Tyler, baka siya na rin mismo ang magkamali. "Aliyah," direkta siyang tinitigan ni Tyler. Medyo napataas ang mga balahibo ng babae dahil sa seryosong mukha nitong lalaki na nasa harapan niya. "Believe me, I will do whatever I can. I will," he said.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม