Tagaktak ang pawis sa buong mukha hanggang sa likuran ni Prince Kairo nang makarating siya sa tuktok ng recording studio building. He informed all his soldiers to not make a single sound to not threaten the possible kidnapper since they figured out that they are only hiding in this place. They came in after checking each and every car parked outside. Si Prince Kairo pa mismo ang masusing tumitingin sa bawat trunk na binubuksan nila. Hindi siya mapalagay hanggat hindi niya mahahanap si Aliyah at nakita na rin ng mga kasamahan niya na kahit pa ano ang sabihin nila hindi siya mapipigilan sa paghahanap sa nobya niya.
"Where are you headed to?" bulong ni Tyler sa pinsan nang makita niyang patungo ito sa may staircase ng fifth floor, the top floor. "Aakyat ka sa rooftop? Electrical room lang daw ang naroon, sabi mga staff dito."
"So you mean to say, nobody checked?" Prince Kairo. Nakita niya ang pag angat ng kilay ni Tyler at kaagad siyang umismid. "Kanina pa kayo nandito tapos walang kahit isang umakyat dito?"
Tyler apologetically looked at the Prince before turning to the men following behind them. He quietly signaled them to move closely as Kairo made his way up the stairs. Masama ang tingin niya habang chine- check ang bawat sulok ng dinaraanan. His movements are sharp, he seemed like he was ready for any battle. At nang pag bukas pa lang niya sa bakal na pintuan nitong rooftop, ang mainit na sikat ng araw lang ang tanging bumati sa kan'ya, maliban na lang sa isang maliit na electrical room.
"That's it, see," Tyler whispered. "That room is filled with generators and sh*t, paano sila magkakasya-"
"Shut up," nanlamig si Tyler nang marinig niyang pagsalitaan siya ng ganoon ni Prince Kairo. He never acted this way. Prince Kairo is never arrogant or mean. But right now, he's only goal is to find his woman and he can't think of anything else. He wont even try to pretend outside, kahit na lampas na sa isang daan ang mga tao na naghihintay sa kanila sa ibaba at itinututok ang mga telepono mismo sa mukha niya.
"I said shut up!" Tyler quickly turned to check on Prince Kairo. He thought that he just heard him yell that. At may balak na nga siyang mag reklamo dahil mula nang masabihan siya na manahimik ay wala naman itong ibang sinabi. Ngunit nang makita niya kung paano magmadali si Prince Kairo na mag lakad papalapit doon sa kuwartong isang malaking container lang na balot sa metal, at walang kahit na isang bintana, naintindihan na ni Tyler na hindi nila kasama ang narinig nilang nag salita.
Prince Kairo was fuming mad, he can feel his blood boiling as he banged on the walls of that metal container. At first, there was nothing but silence. Hindi niya na narinig ang boses na kanina lang ay sumisigaw mula rito. Ngunit maya- maya lang ay may narinig siyang tunog. Tila mga maliliit na daliring tumatapik sa metal na pader pabalik sa bawat kalampag niya.
"Kairo, let them handle this-" no, Kairo did not listen, he cant hear anything right now. His mind was fixated on that familiar melody being played out by tapping on the metal walls.
It's Aliyah's song, Purple Fountain. And he knows that nobody else would know that melody. Only him and Aliyah knew what she wanted the melody to sound like. Kaya naman kahit na dumugo pa ang mga kamao niya sa kakasuntok nitong pintuan, he can't stop. He kept on hitting the door part of this room. It wont open. The sound of the taping stopped. He can feel his heart almost escaping his own body.
"Nasa loob si Aliyah, alam ko," he whispered to Tyler. His eyes were fiery, and he can only say that to his cousin who's standing closer to him.
Si Tyler naman ay alistong tumakbo papunta kay Dusk, "Dusk, sigurado si Kairo na nasa loob si Aliyah," he informed the leader of Aliyah's royal guards. And he immediately threw hand signals at the men behind them . All of his comrades understood what he wanted to say and they all pulled out their hand guns. With very light steps, they slowly surrounded the whole place. Dusk, together with Dawn, stood behind the Prince.
"Prince Kairo!" nagulat silang lahat sa biglaang pag sigaw ni Dawn. He has his index finger right in front of his lips to let them know that they should stay quiet. "Prince Kairo, kailangan na po nating bumaba. May lead na po tayo roon sa lumabas na van kanina. Masusundan na po natin, tara na po!" he even pretended to run away while pulling Dusk. But they both quietly walked back right after.
Sa simula ay hindi pa naintindihan ng iba kung ano ang ginagawa ni Dawn, ngunit hindi rin nagtagal, ay nakarinig sila ng nakakapangilabot na pangyayari. The creepy laughter of a man started to sound louder and louder. As it sounded a lot crazier, Prince Kairo's eyes looked like they could kill.
"Ang lakas din naman ng loob mong babae ka na papuntahin dito ang kabit mong Prinsipe kuno, ano?" he hit metal sides of the container, making it shake a bit from the outside. "Hindi mo na kayang sumigaw, ano? Sinira mo na 'yang boses mo dahil sa kakahanap mo roon sa kabit mo! Kita mo, kahit na nagpunta pa siya para sa'yo, hindi ka pa rin niya makita! I am the better option for you! I am your King!"
Akmang susugod na si Prinsipe Kairo papasok ngunit mabilis siyang hinatak pabalik ni Dusk.
"Prince, we need him to come out. He has an advantage if he stays in there," bulong nito sa Prinsipe.
"What do you mean?"
Nginuso ni Dusk ang bandang likuran ng container, "Nakapasok po sila hanggang sa dulo, hindi po tayo makakapasok d'yan. Masyado pong masikip. Kailangan sila ang makalabas para masigurado rin po natin na makalabas nang ligtas si Lady Aliyah," he regrettably pulled the Prince back. At tahimik lang na sumunod ang lalaki dahil alam din niyang tama ang sinasabi ni Dusk. "Hindi ko gusto itong sinasabi ko ngayon, pero Prince ang tanging magagawa natin sa ngayon ay manalig na hahayaan niya na mabuhay si Lady Aliyah dahil gusto niyang isama siya paalis. Kung siya nga po ang stalker na alam namin, mukhang 'yon po talaga ang balak nito at wala na tayong ibang magagawa kung hindi ang paniwalaan 'yon."
Dusk signaled to his team to stop moving and to not create any noise as he watched the Prince silently tear up a bit. Hindi na niya mawari kung sinong Santo pa ba ang hindi niya natatawag para ipagdasal ang kaligtasan ni Aliyah. Gustong- gusto na niyang mag wala, gusto niyang gibain ang buong lugar na ito kung maaari lang sana, ngunit kailangan niya munang pakinggan si Dusk sa mga suhestiyon nito.
"Sa susunod na subukan mo pang sabihin sa akin na si Kairo ang pipiliin mo, gusto kong malaman mo na hinding- hindi mo na kahit kailan makikita ang araw, naiintindihan mo ba ako?" Kairo bit his lip so hard, trying to keep his anger in. Napansin ni Tyler na sobrang nahihirapan na itong pinsan niya sa pagpipigil ng sarili at pinanood niya kung paano suntukin ng Prinsipe ang sarili niyang mga hita. Kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan para mapigilan ito. He made the Prince turn around from his men and he held both of his hands tightly.
"Sandali na lang. Kairo, sandali na lang, okay? 'Wag kang mag alala, walang masamang mangyayari kay Aliyah, tapos pagkalabas niya, ikaw mismo ang sasapak sa mukha no'ng lalaki, okay? Hindi mo kailangan na saktan ang sarili mo, kasi magu- guilty si Aliyah kapag nalaman niya 'yan."
"Tumayo ka na d'yan! Bilisan mo, itaklob mo na rin ito sa ulo mo," naging alerto ang lahat sa narinig nilang 'yon. Mukhang lalabas na sila Aliyah at hindi nila hahayaan na magkaroon pa ng chance na makatakas ang stalker na ito, ngayon pa na higit pa sa siguradong narito nga ang mga hinahanap nila. Walang kahit na sinong makakatakas, lalo na sa nakakamatay na mga titig ni Prince Kairo.
Nakakarinig sila ng mga yabag papalapit sa may pintuan nitong container. Mayroon ring mga kaluskos na tila ba inaalis ang mga kung ano man iniharang nila upang mapanatiling nakasara ang metal na pintuan. Kaya naman pala kahit na anong gawin na suntok ni Prince Kairo kanina sa may pintuan ay hindi talaga ito gumagalaw, dahil sa loob, isa- isang hinatak ng lalaking kasama ni Aliyah ang mga ihinarang niya kanina na mga mabibigat na kagamitan. Sa mga naririnig niya, walang kaalam- alam si Aliyah kung ano na ang nangyayari. She can only hear a lot of rustling, but none of it makes sense since her whole face was covered with a thin black cloth. Hawak na lang sya ng lalaki sa braso kaya alam niya kung saan pupunta. Medyo nababanga pa nga siya sa mga nadadaanan niya at hindi niya man lang magawang maka aray dahil wala na siyang lakas, at walang boses. She's to weak right now, nawawalan na rin siya ng pag asa. Kanina lang ay narinig niya si Prince Kairo na nagwawala, ngunit narinig din niya kung paano siya tawagin ni Dawn papaalis. That broke her heart, she felt her only hope escape her body. And slowly, she started letting go.
She tried her best, she even sent a signal that she surely knows, Prince Kairo would understand. Kaya lang dahil sa hanggang ngayon wala pa ring nangayayari at kasama pa rin niya itong stalker niya, she knew that it did not work. Alam niya na kung narinig lang ni Kairo 'yon, siguradong magkasama na sila ngayon.
"Bilisan mo," hinatak ng lalaki ang braso niya sa unti- unting pag bukas ng pagbukas ng pintuan.
The stalker steped out of the container with his eyes half closed. Still adjusting at the blinding light that comes from the sun. He dragged Aliyah to get her closer to him while threatening her with a blade.
"Kapag lalabas tayo rito, wag mong susubukan na gumawa ng kahit na anong kalokohan dahil hindi ko masisigurado sa'yo na hahayaan pa kitang tumuloy sa palasyo ko. Baka iwanan na lang kita rito na pinapapak ng mga insekto at daga, alam kong hindi mo gusto 'yon. Naaalala ko pa noon nang sinabi mo sa akin na isa 'yon sa mga pinaka kinatatakutan mo. Siyempre, hindi ko naman gagawin 'yon sa'yo basta makikinig ka lang sa akin, ha?" nasa kalagitnaan pa siya ng delusyon niya nang makaramdam ang lalaki ng kakaibang pakiramdam sa may likurang bahagi ng kan'yang ulo.
It took him a minute. Kurap siya nang kurap at nakasara pa ang isang mata niya habang pilit na tinitignan kung ano nga kaya 'yong nararamdaman niya. Ngunit nang makakuha na nang sapat na panahon ang kan'yang mga mata, ang unang- unang bumulaga sa kan'ya ay ang mukha ng isang makisig na lalaki. The Prince is glaring at him like a hungry wolf, ready to obliterate him and rip all his flesh, to play with his bones. He's about to end his life, but instead of being worried, this delusional man started to laugh.
"Sa tingin mo ba may pagkakataon ka pa para kunin mula sa akin ang Reyna ko?" sigaw nito.
Aliyah was shocked. She never heard anybody else talk, but based on this man's words, she can imagine Prince Kairo waiting outside. Ready to save her from thing nightmare. Suntok sa buwan man para sa kan'ya ay gustong- gusto niyang maniwala. Muntikan na siyang maiyak dahil lang sa iniisip niyang naroon nga ito.
Ngunit nang marinig niya ang pamilyar na boses, dahan- dahan na nanlambot ang mga tuhok niya.
"Stop with your f*cking delusions. How dare you take my woman? Gusto mo bang mamatay?"
"Kairo," her voice, it's not there. Walang kahit na anong lumalabas sa lalamunan niya kung hindi mahinang bulong. Sinubukan niyang itaas ang kamay niya habang naka- upo siya sa simento, ngunit biglaan na lang siyang nasakal ng mabigat na kamay na nakapalupot sa leeg niya ngayon. She can smell the familiar sewage scent, and she already knows who the person was.
"Papatayin ko siya!" sigaw ng lalaki. Nabibingi na si Aliyah dahil sa kasisigaw nito. Hindi na nga niya nainda ang patalim na literal na handa ng gilitan siya. "Subukan mong- bakit ka lumalapit? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Wala ka talagang pakialam sa kung ano man ang mangyayari sa kan'ya, ano? Hindi mo talaga iniisip muna ang kaligtasan niya! Gusto mo talaga na masaktan siya para makapunta ka na naman sa mga babae mo! Nakakasuka kang klase ng lalaki!" the man spited out saliva, luckily, it did not hit the Prince.
"Nasusuka ako sa'yo! Isa kang pekeng tao. Ipinapakita mo sa iba, sa mga mamamayan na kaya mong maging magaling na Prinsipe, na kaya mong maging pinuno ng bansa, pero sa totoo lang nasa loob ang kulo mo! Hindi mo pa rin matatalikuran ang tawag ng laman, kaya kahit na napakataas ng tingin sa'yo ng mga tao, gagamitin mo pa ang kakayahan mo para manira ng buhay ng iba! Masaya na kami eh. Masaya na kaming dalawa ni Aliyah! Pero ano ang ginawa mo? Pilit mo siyang inaagaw sa akin, sa amin ng anak niya. Tapos, ngayon na bumalik na siya sa akin para maka- uwi na kami sa tahimik naming palasyo, nandito ka ulit para bulabugin kami? Anong klase kang lalaki? Desperado ka na ba masyado? Gusto mo na pati ang asawa ko, maging isa sa mga babae mo? Akin lang siya! Sa akin lang ang boses niya, ako lang ang asawa ni Aliyah!"
Prince Kairo's eyes were focused on Aliyah's hands. Kitang- kita niya kung papaano manginig ang mga daliri niya sa bawat kataga na lumalabas sa bibig nitong lalaki.
"Manahimik ka," nakakatakot ang tono ng boses ni Prisipe Kairo. "Wala kang karapatan na mag salita. Ngayon, bibigyan kita ng limang segundo para bitawan si Aliyah, oh uutusan ko ang lahat ng mga nakapalibot sa'yo ngayon na pasabugin ang kokote mo?"
Sa unang pagkakataon ay nilibot ng lalaki ang mga mata niya sa buong lugar. Halos mapanganga siya nang makita ang lampas benteng mga kalalakihan na mayroong mga hawak na baril at nakatutok lahat sa kan'ya. Kahit na saang sulok siya lumingon, baril ang nakaabang sa kan'ya. Parang nawala na talaga siya sa tamang pag iisip at malakas na tawa na lang ang iginanti niya.
"Gagamitin mo pa ang kapangyarihan mo para lang makuha ang kagustuhan mo!" Itinutok ng lalaki ang kutsilyo sa Prinsipe. "Anong karapatan mo na ipapatay ako? Para sa isang sibilya-"
"Sana ay inuna mo munang maisip na nagkamali ka ng taong binabangga bago mo ako tanungin niyan," dahan- dahan na lumapit si Kairo sa lalaki. At alam niya, handa na itong saksakin ang Prinsipe, ngunit wala siyang pakialam. "Ano ang karapatan mo na saktan ang susunod na Prinsesa?" with one swift move, the prince jumped to Aliyah, quickly grabbed her and safely landed on his back as loud noises engulf the whole place.
Mabilis niyang tinanggal ang takip sa ulo ng babae at tumambad sa kan'ya ang namumulang mga mata ng dalaga.
"It's okay, Love, it's okay. I am here now, okay?" she nodded. And finally, she let out all the tears that she held back before.
With her hoarse voice she whispered, "I didn't cry... I didn't-"
"Shush, I know baby, I know. I am so proud of you, good job."