Aliyah's POV
Hooded, downturned black eyes, the only thing that I can see right now. It's dark and grim in here. I don't know where I am, but all I can say is, it's smelly. I can't really think straight, right now. Ramdam ko ang mabigat na pag hinga nitong lalaki na nakaharap sa akin. Malamig pa rin sa may leeg ko ang hawak- hawak niyang patalim. We've been in this cramped, dark space for at least ten minutes, I think. And he's still not giving up. I can finally see him now. This disgusting human being. He kept on staring down at me.
"My Queen," his voice is also chilling. I can't even breathe well because of him. Parang hindi kayang payagan ng isipan ko ang sarili kong katawan na huminga ng hangin na nakapalibot at hinihinga rin niya. Hindi ko kaya, nasusuka ako sa buong presensya niya. Siya lang ang natutuwa sa mga nangyayari ngayon. Nakikita ko pa ang ngiti niya kahit na hindi masyadong maliwanag sa kuwartong ito. What the heck? Nasaan nga ba kami nito? Ang huling nakita ko lang kanina ay ang pagbagsak ni Tyler sa harapan ko. At wala pa akong pagkakataon na I- process ang mga nangyayri ay nakaramdam na ako nang kamay na biglaang tumaklob sa buong mukha ko. I tried so hard to scream, but nothing comes out. I cant even say a single word to save my life. Ngunit hinding- hindi ko makakalimutan ang mga bulong niya.
"One wrong move and I will kill us two," paulit- ulit. Sa bawat hakbang ko na pilit, 'yan lang ang binubulong niya sa akin. Kahit na gustong- gusto ko na gumawa ng kahit na anong paraan para makawala, I just can't take the risk. Ayaw kong mamatay ngayon at lalong -lalo na, hindi ko gugustuhin na mamatay sa kamay niya at sa piling niya pa. I would not want to give him that satisfaction. He's sick in the head, and I just know that he will treat it as a win if we died together. Naniniwala naman akong hindi siya makakatakas mula rito nang hindi ako nahahanap ng mga kaibigan ko. They would save me, I trust all of them. At alam ko na kailangan lang nila ng kaunting oras para malaman ang buong pangyayari. I can already hear Dan screaming her lungs off earlier. They will find me, eventually. Hindi ako matatangay nitong demonyong ito. Kailangan ko lang na tatagan ang loob ko nang ilang minuto pa. This is easy, I can do it.
"My Queen, just don't do anything and we will get home safely, okay?" I turned my face away when he leaned in and it made him chuckle. I can feel his disgusting breath near my neck and it makes me want to vomit immediately. Pakiramdam ko, parang ang dumi- dumi ko na dahil lang nahahawakan niya ang pisngi ko ngayon at wala akong magawa. "Huwag kang mag alala, hinding- hindi nila tayo mahahanap dito. Kaya mamaya lang ay makakasama na kita sa kaharian natin. Kaunting tiis na lang dito, ha? Hindi ka na mahihirapan mamaya, pangako ko sa'yo, I will treat you better than anyone else."
Parang awa, kailangan ko na talaga ng makakapagligtas sa akin ngayon. Where the hell am I? I don't remember taking any stairs. I did not walk really far- elevator. I think I felt the elevator lifting me up earlier. Kaya lang hindi ko alam kung saang palapag kami huminto. Bakit ba naman kasi ngayon pa ako nawalan ng boses? Kahit na sinusubukan kong sumigaw para humingi ng tulong, tanging sakit at mahinang bulong na lang ang lumalabas mula sa lalamunan ko.
"Ang bango- bango mo talaga," I felt his hand combing my hair. Napapikit na lang ako habang pilit siyang itinutulak papalayo. Ngunit sa mas matingding pag tulak ko sa kan'ya ay nararamdaman kong mas dinidiinan niya ang patalim sa may leeg ko. He's delusional about having a relationship with me, but he will kill me if I try to break loose. "Pero bakit iba ang gamit mong pabango? Hindi ba ang sabi mo sa akin, paborito mo ang lavender na perfume ng Zanre? Hindi ito ang pabangong 'yon, mahal," I bit my tongue at the feeling of him kissing the top of my head. He grabbed me by the waist and I tried so hard to push him away. He's too powerful and I can't f*cking fight back, not like this.
"Please, tama na," mahina ang bulong ko. Basag ang boses at halos hindi na marinig nang maayos. Ngunit nagulat ako dahil biglaan siyang lumayo sa akin. Kahit na hindi ko nakikita nang malinaw ang buong mukha niya, his eyes turned extremely worried. "Ta- tama na po, please. Parang awa niyo na po."
"My Queen," he worriedly held my shoulders and I shivered once again. I just feel so violated whenever he touches me. "Ano ang nangyari sa boses mo? Bakit wala kang-" he gasped. And his gasp suddenly turned into sobs. Pilit niya akong hinahatak para yakapin. And I tried, I pushed him with all my power- but no, he's still trying to hug me closer while literally crying. Nauna pa na umayak ang g*gong ito kaysa sa akin. I have been trying my hardest to keep it together and he's right here crying to me like a f*cking baby?
"Anong pinagawa nila sa'yo? Bakit nawalan ka ng boses?" he started combing my hair with his cold fingers. Sa bawat pag tama ng daliri niya sa tainga ko, gustong- gusto ko nang putulin ang magkabilang tainga ko.all about him makes me f*cking disgusted. "Si Kairo ang may kasalanan nito, ano? Siya ang may kasalanan kaya may sakit ka ngayon! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko, hindi ka naman niya iniingatan, tapos pilit kang lumalapit pa sa kan'ya. I want to f*cking rip his whole face off! Alam mo ba ang sinasabi nila online, ikaw raw ang magiging susunod na Prinsesa niya," kakagaling lang niya sa pag hagulgol pero ngayon naman ay natatawa siya. "Imagine, sa isip nila ay magiging ikaw ang susunod na Prinsesa niya, pero paano mangyayari 'yon kung ikaw na ang Reyna ko. Nag hihintay na nga ang buong kaharian natin."
Nananatili lang sa sulok ng mga mata ko ang luha na pilit kong pinipigilan sa pagtulo. I need to hold it in. Alam ko na kahit pa gaano kasama ang lahat ng nangyayari ngayon, kung ako ay iiyak lang sa harapan niya, parang mas lalo kong itinapon ang pride ko na pilit niyang kinukuha papalayo sa akin. I hate this feeling. Wala akong magawa para ipagtanggil ang sarili ko kung hindi harangin ang mga yakap at pilit niyang pag halik habang hindi umiiyak. I can still remember that time when I got heavily discouraged by some of my colleagues, whenever I cried, Kairo kept on telling me that every tear I shed is a win for them and I should never let all the mean people win. I knew that it was his only way to stop me from crying, but since then, I took it to heart. I never cry because of the bad people- at least not in front of them.
"Bakit mo ba ako pilit na itinutulak, Aliyah? Hindi kita sasaktan, kahit na kailan. Alam mo 'yan, 'di ba? Kahit pa nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko na mas pinipili mong samahan 'yong walang kuwentang babaerong Prinsip- bakit ba pinili mong pakisamahan 'yong lalaking 'yon?" he slammed at something behind me. I heard a bunch of metal, mixed with his muffled screams. Ipinatong niya sa balikat ko ang bibig niya upang hindi maging maingay ang sigaw niya.
"Ahh! Please, stop!" I winced at him biting my shoulder. "Tama na, nasasaktan ako, please!"
He moved a bit, "Don't yell. Hindi mo ba naririnig kung gaano kapangit ang boses mo ngayon? Paano ka pa magiging ang Reyna ko kung wala kang boses? Alam mong hindi ka puwedeng mawalan ng boses! Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na ingatan mo ang boses mo!"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo," nawawalan na talaga ako ng boses. "I never seen you before, I am not your Queen and I wont be picking you over anybody else, especially not over Prince Kairo! At sinasabi ko na sa'yo, ngayon pa lang, hindi ka makakatakas dito ng buhay. May mga royal guards-"
"Royal guards?" the man laughed. "Kahit pa ano ang sabihin mo, hindi nila tayo makikita rito. Siguradong hinahanap na nila kung sino ang mga lumabas sa building at hindi na nila alam na nandito ka pa rin sa loob. Sa tingin mo ba mayroon pa silang gagawin kung maitago na kita? Ang tagal mo nga akong hindi mahanap- hanap. Sa tingin mo talaga mas magaling pa sa akin 'yong kabit mo?"
"Wala tayong relasyon!" inipon ko ang buong lakas ko para lang masigawan siya, ngunit hindi pa rin sapat para maging tunog sigaw dahil wala na akong lakas at wala na rin talagang maibubuga ang lalamunan ko. I can feel sharp pain in my throat, I think even my body is giving up on me and I cant even do anything about that too.
"Baka akala mo may ibubuga pa ang royal guards no'ng kasama mo pang isa na pekeng Prinsipe? Hindi nga nila naisipan na hanapin ka rito, sa tingin mo may ibubuga pa sa akin ang mga 'yon? Wala, Aliyah, wala! Hindi mo pa ba nakikita kung sino sa aming tatlo ang pinaka mapagkakatiwalaan mo? Ako lang ang pinaka may kakayahan kaysa sa kanilang dalawa! Ibinigay ko ang lahat sa'yo, bawat sabihin mo na paborito mo, binibili ko, hindi ako nagkulang nang kahit na ano, tapos ako ang iiwanan mo? Anong klaseng asawa ka?"
"Hi- hindi ako ang nasa delusyon mo," my voice sounded like nothing but I still tried to push through. ""
Bakit naman kasi ngayon pa? Baka kung ano na ang kalagyan ko rito at wala na nga talagang makakahanap, wala na akong maisip na kahit anong positibo dahil totoo naman ang sinasabi niya, hindi ko na sila marinig. I think they really left, thinking that we too left the building. Kung maaari lang sana akong sumigaw.
"Mag tapat ka sa akin, ano ang relasyon nin'yo ni Kairo? Hindi mo na kailangan na mag sinungaling sa akin dahil nakita ko na kung ano ang ginagawa mo habang nakatalikod ako. You flew with Kairo, that man- isinama mo pa siya sa mga shooting mo. Bakit kailangan mo pa siyang isama kung alam mo naman na naroon na ako! Gusto mo ba talagang ipamukha sa akin na kaya mo siyang akitin? Nakikita ko kung papaano ka niya titigan, Aliyah. Hindi ako tanga!"
"He's my fiance-" I felt his huge, cold hand wrap around my neck. Hinigpitan niya para mas mahirapan pa akong huminga but I can't let him win like this. "Kairo is my fiance, naririnig mo ba ako?" his loud screams made my ears hurt. Looks like he can't stop his own jealousy and he only knows how to express it through yelling- yelling, that's right. I can't scream, but he can.
"Ikakasal ako kay Kairo at wala kang magagawa roon, hahanapin niya ako. At kahit na ano pa ang gawin mo, kaya niyang suyurin ang buong mundo para lang mahanap ako. Hindi ka magtatagumpay, kahit pa patayin mo ako, hanggang sa matapos ang buhay ko, hanggang sa kabilang buhay man, si Kairo lang ang lalaking para sa akin at hindi ikaw 'yon!"
"Tama na- Tama na!" he again slammed the metal thing that is behind me. "Hindi mo ako maloloko! Hindi mo ako matatakot nang gan'yan! Hindi kita hahayaan na makatakas nang basta- basta dahil lang sa pananakot mo sa akin-" pinutol ko ang mga sinasabi niya bago pa man siya matapos.
"Hindi kita basta- basta tinatakot. I have the Prince on my side," I'm squeezing the last bits of my voice out. "Tama na, Aliyah. Hindi mo na ako matatakot sa gan'yan. Sinasayang mo lang ang boses mo. Hindi mo ba alam kung gaano kaimportante 'yan? Gusto mo ba na mawalan ng boses habang buhay?"
"Kung boses ko ang magiging kabayaran para makalabas ako rito, hindi ako magsisisi," tama nga ako. Mukhang tama ang pinipili kong mga salita dahil mas lumalakas pa lalo ang pagwawala niya. I really hope somebody hears this. I wish someone out there realizes where we are. Hindi ko na kayang manatili pa nang kahit isang minuto lang dito. Hindi ko na kayang maramdaman ang kamay niya sa leeg ko. Kahit na ang isang kamay niyang may hawak na kutsilyo ay nasa may bandang hita ko na at sobrang diring- diri ako kahit na ako sa metal lang nito. He's making me hate every part of my body that he landed his filthy hands on. Ang tanging pagkakataon ko na lang ay ang pag sigaw niya. At mukhang wala pang ibang tao na malapit sa amin ngayon.
"Alam mo kung paano ka hindi makakabalik sa lalaking 'yon? Sinong Prinsipe ang magpapakasal sa babaeng kasal na at may anak na?"
"Hindi ako ang babaeng iniisip mo," I managed a couple more words before he tightened his hand around my neck even more- "I am not your girl!"
"Shut the f*ck up! 'Wag mo akong hintayin na masaktan kita! Manahimik ka na lang, Aliyah! Nawawala na ang boses mo!"